Part 25

26 3 0
                                    

Squad



I glared at Dinesen and the girl he's with. Abala naman ang babae sa pagngiti sa mga kakilala nitong nakakasalamuha kaya hindi nito napansin ang matalim kong tingin.

"Wait lang Cin, kakausapin ko lang muna ang girlfriend ko."

Narinig kong sabi ni Dinesen sa babaeng kasama niya. Bigla namang lumingon ang babae sa kinaroroonan ko. She gasped ng makita ang matalim kong tingin. Tumango ito kay Dinesen at nagmamadaling umalis. Coward! Tss

"Mauna na ako kuya Mav." sabi ako at nagmamadaling maglakad. I heard kuya Mav called me pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Pangit na lalaki! Pangit na nga babaero pa! Hindi na nga lang ako magso-sorry sa kanya! Sorry-hin niya mukha niya!

"Nixy.."

Napahinto ako sa mabilisang paglalakad ng may humawak sa aking kanang braso. Alam na alam ko kung paano paliparin ang isang tao. At ang taong humawak ngayon sa aking kamay ay gustong-gusto kong paliparin hanggang sa ibang planeta. Sa Neptune to be exact para malayong-malayo sa planet Earth!

"Bitaw." mariin kong sabi. Sa halip na bumitaw siya ay niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nakakainis talaga siya!

"I'm sorry baby..I'm sorry." halos pabulong niyang sabi mula sa aking likuran."I missed you Nixy, so much.." sabi niya habang hinahalikan ang aking buhok sa batok. Umirap ako kahit hindi niya nakikita.

"Ibang klase ang pagka-miss mo Dinesen Tan. Miss mo ako pero may kasama kang ibang babae? Ganun? Aba, miss mo nga ako." sarcastic kong sabi. He just chuckled na mas lalong ikinairita ko.

"I really like it when you sound so jealous Nix.." sabi niya at iniharap ako. Sumimangot ako at inis siyang tiningnan. He smiled and give me a kiss on the forehead. "She's just my project partner." sabi niya habang nakakainis na tumawa.

"I missed you. To hell with my pride." he then kissed me on my nose. "I love you Nixy..only you." he then gave me a quick kiss on my lips that made my eyes turn into a big one.

"Tan and Ford! To my office. Now!" nanggagalaiting sigaw ni Miss Dracu sabay talikod at bilis na naglakad. Damn! Madi-detention pa ata kami dahil sa PDA! She's also our guidance counselor pa naman!

"Okay na sana. Bakit hinalikan mo pa kasi ako? Nakakainis ka talaga Dinesen!" sabi ko sabay hampas sa kanya. Tumawa lang siya at inakbayan ako pasunod kay Miss Dracu.

Isang oras na rin kami sa detention room. Hindi rin naman pala masama pero kasi first time ko! Natawa pa ako ng ilang sandali lang nung pagpasok namin sa detention room ay sumunod si Racka, Lee at may isang babae rin na kasama ata nila. Masamang tingin ang ibinibigay ni Racka sa babaeng kasama nila.

"Gosh! I can't believe this! I really can't!" maarteng reklamo ni Racka sabay lapit sa amin ni Dinesen.

"Anyare?'' natatawa kong tanong sa kanya. Umingos lang siya sabay upo sa aking tabi. Kakaupo niya palang ng tumayo na naman siya at hinila si Lee na katabi nung babae at pinaupo sa tabi niya. She's really unbelievable. Ipinausog ko si Dinesen para magkaroon ng malaking space. Nagulat kami ng biglang bumalibag ang pinto at isa-isang pumasok ang mga kaibigan namin.

"Hi freaks!" natatawang wika ni Yeshera. Sumunod naman si Athena na nagbigay ng nakakalokang ngiti at Ramleighn na nag-wave lang ng kamay. At may sumunod pa! Dinesen's basketball team!

"Hi captain!" bati ni Brook na agad nakipag-high five kay D. Natatawang umiling si Dinesen sa pagdagsa ng mga kaibigan namin.

"Mga gago. Anong ginagawa niyo dito? Sobrang sweet niyo naman para samahan kami." natatawang sabi niya.

The Hottest Girl in Town (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum