Part 19

77 2 0
                                    

Bumped


Naalimpungatan ako ng makarinig ng malakas na ingay na para bang may bagay na nahulog. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay ang nakapamewang na postura ni Yeshera ang nakita ko habang nakatayo sa gilid ng kama at pawang may tinitingnan sa baba nito.

"I will send you to Mars if ever mahawaan ako ng mga viruses mo, you pervert!" turan nito.

''Damn." narinig kong sabi ni Brook habang nahihirapang tumayo sabay hawak sa balakang niya.

"Good morning Nixy.." tiningnan ko si D na nagising din dahil sa ingay ng dalawa. He is just looking at me waiting for me to greet him back. He didn't even bother para sawayin ang dalawa. Mukhang sanay na ata siya sa bangayan nila.

"Good morning." sabi ko habang pumikit ulit. Gaaah! He is so near. I can feel his breath through my face. Mukhang tinitingnan na naman niya ang mukha ako.

"Try harder babe." narinig kong sabi niya. I opened my eyes only to confirm na nakatutok nga siya sa mukha ko. Sumimangot ako at tinampal ang noo niya.

"Stop staring at me. It's rude." saway ko. I just heard him chuckling.

"Paano ba yan, I love staring at you at mukhang magiging hobby ko na ata yun." sagot niya. I just pouted at him. Wala na akong masabi eh. He always makes me tongue-tied with his words.

Napadesisyunan naming mag-beach volleyball. It's already ten in the morning and the scorching sun is happily kissing our skin. May mangilan-ngilan na nanonood sa laro namin. At kadalasan ay mga kababaihan. Bihira lang ang mga lalaking nanonood dahil kadalasan ay nagsu-surfing. It's D's turn to serve the ball and obviously palaging pinapatama sa akin. I just give him a tongued-out nang matira ko muli ito pabalik sa kanila. He gave me a wink before he set the ball up in the air so that Athena can powerfully spike it. Subalit maagap si Nick kaya agad ding napabalik ang bola sa kanila. Parang wala siyang hindi kayang gawin. Pati ba naman kasi volleyball ay marunong siya. Ang sarap lang kutusan ng mokong. I wonder na tuloy kung ano pa ang kaya niyang gawin. Sumenyas ako na magpapa-sub kay Brook dahil pagod na ako. Agad namang tumalima si Brook at nagpagpag para maglaro. Nasa first set pa lang kami at ako'y hinihingal na. Ang init naman kasi. Hindi kaya ng super powers ko.

I went to a tent para magpahinga at sumilong mula sa init ng araw.

"I like that guy! Take a look, gals, he's so hot!" pigil ang tili ng babaeng nasa left side ko. She's with two other girls who were wearing two-piece. They were watching the game o mas tamang sabihin na they were watching the boys, especially Dinesen.

"Oh my gosh! You are right sissy. Pero gusto ko rin yung kakalaro pa lang. Gosh! He had a nice body." malanding sabi ng kasama niya na nakatingin kay Brook.

"Well, yeah. Basta akin yung isa." possessive na declare nung babae kay Dinesen. Ang sarap lang ipakain sa mga pating ang mga freak nato. Nagtilian sila bigla pati yung mga ibang babae na nanonood.

"Oh my! He's coming to us!" I looked at them and give them a sly smile. Tinaasan nila ako ng kilay at inirapan. Hindi pa tuluyang nakalapit si Dinesen at nagtanong na.

"Hey, are you okay?" tanong niya na may pag-aalala sa mukha.

"Oh my gosh! Did you know me?" gulat na tanong ng babae na parang hihimatayin na sa sobrang kilig. Pinipigilan kong matawa sa kanya. Agad namang dumikit sa kanya ang kanyang mga kasama at humahangang tumingin kay Dinesen na ngayon ay nagtatakang napatingin sa kanila. I slightly pushed them away para makadaan ako sa gitna nila at agad na kumapit sa braso ni D.

"I'm thirsty. Let's go get some drink." sabi ko sa kanya. Tumango siya at nagsimula ng maglakad. Nilingon ko ang mga napahiya at binigyan ng isang nakakainis na ngiti. The other girls were chuckling behind their back. Nang medyo nakalayo-layo na kami ay do'n na ako bumunghalit ng tawa. He stopped and curiously looked at me. Nakakunot ang noo niyang pinitik ang noo ko.

"Nababaliw na ata ang girlfriend ko." sabi niya. I stopped and glared at him.

"Sino nga ulit ang nababaliw?" I narrowed my eyes habang tinitingnan siya ng masama. He snaked his arms around my waist and kissed my hair.

"Nagbibiro lang po." sabi niya. I was about to answer him when someone intruded.

''D! I've been looking for you!'' masayang sabi nito at agad na kumunyapit kay Dinesen. Pasaway talaga ang babaeng to.

"Sofie..Where have you been?" tanong ni D habang nag-aalalang tumingin dito. I don't know why but I don't like the way he looked at Sofia..It is obvious that he cared a lot for this annoying freak.

"Diyan lang sa tabi-tabi. And you know what? May nakilala ako." sabi nito habang nagsimula ng maglakad.

"At pwedeng makilala kung sino siya?" nakakunot-noong tanong nito. Sofia shook her head.

"And why not?"

''Simply because he is a he. Baka ano pang gawin mo sa kanya." nakalabi nitong sabi. Kumunot ang noo ko sa takbo ng usapan nila.

''I won't do anything. Just let me talk to him. Baka ano pa ang balak niya sayo. Mahirap na." sagot naman ni D.

"I swear he is nice and sweet. In fact pinayagan niya nga akong matulog sa room niya kagabi kahit kakakilala pa lang namin." kinikilig nitong sabi.

''What the hell!" napapiksi ako sa pagtaas ng boses ni Dinesen. Subalit parang wala lang ito kay Sofia. " I am going to break his neck if he did something I don't like." Dinesen said through his gritted teeth.

Ano ba ako dito? Listener or audience?

Makaalis na nga habang abala pa silang dalawa sa pag-a-argue about sa lalaking alien na yun. Um-exit na ako.

See?

Hindi man lang niya napansin ang pag-alis ko. Now I wonder kung tama lang bang sinagot ko ang pangit na yun. Nakalimutan ko atang ang daming babaeng naghahabol sa kanya. Teka nga, Ba't nga pala naging kami? The last thing I remember is hindi ko gusto ang mga katulad niyang mayabang/ kala-mo-kung-sino at nakakabwisit. Ugh! Nakakainis! Ginulo ko ang aking mahabang buhok habang nakatingin sa aking mga paa. Ang sarap niyang tirisin at ibitin patiwarik. Grrrrrrr!

"Awwwwe!" daing ko when I bumped into something. O mas tamang sabihing to someone ng makita kong may mga paang opposite sa mga paa ko. He had a well-toned chest. Base na rin sa bahagyang pag-untog ng noo ko sa kanya. Yeah, it is obvious na lalaki siya.

''Are you okay Miss?'' narinig kong tanong niya. I looked at him only to gasped. He smiled and slightly pinched my cheeks. Tinampal ko ang mga kamay niya.

"What are you doing here?" nagtataka kong tanong.

"Magshop-shopping?"

I glared at him dahil sa pasaway niyang sagot. "Alam mo Nix, siyempre magre-relax.'' sagot niya habang naghihikab.

"Malay ko bang sinusundan mo pala ako at ikaw ay stalker ko." sagot ko. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"H-hoy. Bawal na palang pumunta sa lugar kapag nandyan ka?" sagot nito. Inirapan ko lang siya. ''Teka nga, may utang ka pang dinner sa akin ah." sabi nito.

"Hoy Ruk. Yung dinner na sinasabi mo, sa bahay na lang yun. May pasok na bukas." sabi ko sa kanya. Napakamot siya sa sinabi ko.

''Sige na nga. Kailan naman yun?" tanong nito.

"Bukas na lang din." sabi ko habang inaalala kung may gagawin ba ako bukas. Mukhang wala naman ata.

"Fine." parang napipilitan nitong sagot.

"Kung ayaw mo, e di huwag." nakataas kilay kong sabi sa kanya habang tinalikuran na. Pero bago pa lang ako makahakbang ay hinawakan na niya ang braso ko. Nilingon ko siya at nakitang nakalabi siya na parang inagawan ng cotton candy. And oh well, he's cute.

"Napipilitan ka lang atang pumayag." akusa ko sa kanya. Todo naman ang pag-iling niya.

"Hindi kaya. Payag nga ako eh." sabi nito. Tiningnan ko ang mukha niyang mataman. Iniiwas niya ang tingin sa akin at sa halip ay tumingin sa asul na dagat.

"Good. Dapat seven nandun ka na sa bahay." sabi ko sa kanya.

"And what the hell he would be doing there?" pareho kaming napalingon ni Ruk sa nagsalita.

The Hottest Girl in Town (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن