50-B [ afgitmolfm ]

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakatitig lang kaming lahat sa kanilang dalawa.

"Nani?" tanong ni Cloud.

Nag-awkward smile si Erin sa amin. "Pagpasensyahan n'yo na 'tong dalawa, alien kasi. Tara, kain na tayo."

"Pansinin mo na ako, Humi."

Tumingin ako kay Toto na nasa right side ko. Mukhang may LQ pa rin sila ni Humi. Ang cute talaga, parang mga bata.

"Ba-ha-la-ka-sa-bu-hay-mo. H-M-P!"

"What happened to the both of you?" tanong ni X kay Toto.

"Hindi ko kasi na-kiss sa lips kanina, nagalit."

Nanlaki ang mga mata ni Humi sa sinabi ni Toto. "Hawderyu!" Umalis si Humi at hinabol siya ni Toto. Nagtawanan na lang kaming lahat sa act ng dalawa.

"They're so cute," nakangiting sabi ni X. Pinapakain niya ang 2 year-old baby nila. May isa pa silang anak pero sa ibang bansa nag-aaral. Bakasyon lang sila sa Pinas dahil sa America talaga sila nakatira.

"Guys, mauna na kami."

Sabay-sabay kaming napatingin kay Irene at sa anak niya na siguro ay nasa 10 years old na.

"Nako, Irene, mga bata pa kayo 'wag kayong mauna," natatawang sabi ni Erin.

"Erin talaga, oh."

Umalis na si Irene kasama ang anak niya. Napilit lang talaga namin siya sa kasal pero pupunta siya sa airport para sunduin ang asawa niyang Seaman.

Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, nakita ko si Art liit—wait, hindi na siya maliit so Art na lang.

"Kamusta kayo? Kuya Art," nag-apir si Art at si Art—wait, ang gulo. Ulitin ko. Nag-apir si Art at ang asawa ko (ahihihihi kilig!). Binaling ni Art ang tingin sa akin. "Salamat pala sa discount dito sa restaurant mong may napaka-unique na pangalan, Ate."

Tumango ako at ngumiti. Ang reception kasi ng kasal ni Art at ng asawa niya ay dito sa restaurant na pinatayo namin ng pamilya ko noon.

"May discount pala 'to, more food! More food!" sigaw ni Erin.

"Ate Erin talaga . . ." nakangiting sabi ni Art. "Si Nathaniel?"

"Parating na 'yon, may project kasi," sagot ko nang mapatingin ako sa may entrance. "Speaking of."

"Sorry late ako!" Humalik siya sa pisngi ko.

"Buti dumating ka pa," sabi ng asawa ko (ahihihihi kilig!) habang nakatingin kay Tan.

"Eh, Pa." Nagkamot ng batok si Tan. "Sa sobrang gwapo ko nagka-heavy traffic sa EDSA kaya natagalan 'yong bus. Sorry na."

Humalik si Tan na anak ko sa pisngi ng tatay niya na asawa ko (ahihihihi kilig!) at umupo sa tabi ni Art na asawa ko (ahihihihi kilig!).

"Hi, Ai," pagbati ni Tan sa anak nina Erin.

"Uy, Tan, may bagong labas na game ngayon," sabi ni Ai. Nagkaroon na ng sariling mundo sina Ai at Tan.

"Nako, Art, bakit ang hangin ng anak mo?" natatawa kong tanong sa asawa ko (ahihihihi kilig!).

"Saan ba magmamana 'yan? Sa pinangalanan mo." Umirap ba naman sa selos? Ang cute talaga ng asawa kong 'to. (Ahihihi, kilig!) Kinurot ko ang pisngi niya at napansin kong nandidiri ang itsura ni Tan habang nakatingin sa amin.

"Mahiya naman kayo sa mga tao," natatawang sabi ni Tan.

Sinamaan ko ng tingin ang anak ko at binalik ang tingin sa asawa ko (ahihihihi kilig!) na napapangiti. If I know, kinikilig din 'yang si Tan para sa amin. Pa-cool lang kasi teenager.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon