06 [ mystery of go ]

38.1K 1K 292
                                    


SABI nila, masaya kapag na-e-excuse sa klase.

Hindi naman masaya to, e!

Nagsimula na ang delubyo ng pagkatao ko - ang review. Ilang araw nang lusaw ang utak ko dahil panay pagbabasa at mock question and answer ang ginagawa. Medyo masaya rin namang may mga tanong akong nasasagot, pero karamihan, parang tumatagos lang sa utak ko yong mga nababasa at naririnig ko.

Itong si Sir Lasam, mukhang walang pakialam na nalulutang na ako.

Si Emotionless guy naman, kung hindi tulog, nawawala. 

Isang beses lang ata kami nagkasabay na trinain ni Sir. At minsan, napapatitig ako sa kanya. Minsan din, napapaisip ako kung ano na kayang nangyari sa kanila ni Irene. 

Gusto ko maki-chismis!

Akswali, ito na nga lang talaga ang pampalubag ko ng loob. Ang mag-imagine kung anyare na sa kanila ni Irene. Sila na ba? Natuloy kaya yong . . . , kasi minsan, sumisilip din si Irene sa library. Mukhang sinisilip si Emotionless Guy.

Kulit kasi, e. Sinong mag-aakalang may love story pala itong si Emotionless Guy?

Tho, hindi na rin ako nagtataka. Paano, sa tagal ko ring nagpapalamig sa library kasama siyang natutulog at si Sir Lasam na busy sa ka-chatmate sa omegle, may pangilan-ngilang babae ang dumadalaw sa kanya.

Minsan, kakatok, magbibigay daw ng pagkain. One time, tinanong siya ni Sir kung sino 'yong nagbigay. Nagkibit-balikat lang si Emotionless Guy.

Hindi na rin ako nagulat na hindi niya kilala 'yon. Sikat naman din kasi talaga siya. Ngayon ko lang talaga napatunayan, lalo na't nasa pinaka dulo at pinaka sulok na siya ng library, nahahanap pa siya ng mga fangirls niya.

Lunch, pinabalik kami ni Sir Lasam sa kanya-kanya naming room kaya naman natuwa ako at nabuhayan nang makita at makasama si Nate. Nang mag-uwian, nagtaka ako sa paghatak sa akin ni Nate at pinag-stay ako sa katabi niyang upuan.

"Mamaya na tayo umalis," mahina niyang sabi.

Hinintay naming mawala ang mga kaklase namin. Nang makaalis na sila at dumidilim na, hinawakan ni Nate ang kamay ko at hinalikan.

Pinalo ko siya sa gulat, pero ngiting-ngiti lang siya sa akin.

"Pustiso ka ba?"

"Pinigilan mo akong dumiretso sa library para dito? Lagot ako kay Sir Lasam."

"Okay lang yan. Dali na kasi, pustiso ka ba, Ianne? Tanong mo kung bakit."

Ngumuso ako. "Kasi you can't smile without me?"

Nadismaya siya dahil alam ko ang banat niya. Wala pang ilang segundo, naka-recover din agad siya.

"Alam mo bang ang pagmamahal ko sa'yo ay parang electric fan? Yun bang. . ." nag-emote pa siya na para bang napakaseryoso ng sasabihin niya, ". . . steady lang ako, hindi na lumilingon sa iba."

Sumimangot ako. "Hindi ba ang electric fan umiikot? So iikot ka rin?"

"Ano ba yan! Mukhang masamang nagre-review ka do'n sa library, tumatalino ka na, e!

Tumawa ako. 

Nagsimula ulit siya sa pagtatanong. "Ano bang course kukunin mo sa college?"

"Hindi ko pa alam, wala akong gusto ko eh. Ikaw ba?"

"BSFIL major in Y," diretso niyang sabi.

"Ha? Ano 'yun?"

"BS Falling In Love Major in You."

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon