26 [ hurt ]

15.5K 826 278
                                    


KASABAY kong pumasok ng school si Emotionle—err—Art? Ang daming nakatingin sa kanyang mga babae at mukhang may mga kinikilig pa kaya lumayo ako sa kanya.

Dumiretso ako sa upuan ko pagkarating sa classroom pero nagulat ako nang umupo sa tabing upuan si E—Art.

"Si Leah d'yan," sabi ko.

"Dito na ako ngayon," sabi niya. 

Magrereklamo pa sana ako nang natulog na siya sa desk. Nakita ko si Leah na umupo sa ibang upuan at ngumiti sa akin.

Nagtataka lang ako hanggang sa magklase na at tulog lang si. . . hay, dapat na akong masanay na Art siya. Nasa tabi ko lang siya at mukhang nagtataka rin ang mga kaklase namin.

Sinabayan ako ni Art umuwi na kinagulat ko ulit. Hindi kami nagsasabay ever pero ngayon, kahit hindi kami nag-uusap, kung nasaan ako, nandun din siya. 

Kahit sa next day. . . and the next day. . . and the next day.


NAGING busy ang lahat dahil sa Intrams pwera kay Art. Siya lang talaga ang walang masyadong pakialam sa mga school activities.

Nagpunta kaming lahat sa GYM para sa opening program ng Intrams. Nag-announce ng games na mangyayari nang sumigaw ang mga tao para sa isang performance.

"Let 's all welcome, Burning Thunder!"

Halos lahat ng tao pumalakpak pero natulala ako hanggang sa isa-isang nagpuntahan sa stage ang tatlong itlog. Si Nate. . . at si Irene. Bakit nand'yan si Irene?

"Ready na ba kayo sa intrams natin?" sigaw ni Nate. Sumigaw din ang mga ka-schoolmate ko habang tahimik lang ako. "We'll be singing 'Two is Better than One' by Boys like Girls ft. Taylor Swift."

Nagsimulang tumugtog ang tatlong itlog habang magkatabi sina Nate at Irene sa gitna ng stage. Bored na bored sa tabi ko si Art na nakatingin sa stage.

Ako? Gusto ko na umalis dito.


I remember what you wore on the first day
You came into my life and I thought
"Hey, you know, this could be something"


Ayan na ang boses na ayaw kong marinig. Ang boses na napakaganda pero winawasak ang pagkatao ko.

Nakakainis na hindi pa ako nakakaakyat, nahuhulog ulit ako.

"Ayaw ko na. . ." bulong ko.


'Cause everything you do and words you say
You know that it all takes my breath away
And now I'm left with nothing


Ayaw ko nang tumingin. Please. Tama na.

"Aalis na ako." Tumayo ako pero pinigilan ako ni Art. Pinaupo niya ako sa tabi niya. Hindi na tumigil ang pagtulo ng luha ko nang marinig ang sunod na lyrics.


'Cause maybe it's true
That I can't live without you
Maybe two is better than one
There's so much time


Bakit kailangan maging maganda ang boses nila Irene at Nate?

"Dito ka lang," sabi ni Art.

Nagtakip ako ng mukha dahil hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Akala ko okay na ako. Nakakangiti na nga ako eh. . . pero bakit sa isang kanta lang, bumabalik lahat ng sakit?

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon