Hay nako.

Pero ito na! Makakaganti na ako!

"Pa-cool ka."

"Ah."

Yon lang reaction?! "Tanggap na tanggap?"

Ngumisi ulit siya at I swear, parang nakarinig ako ng parang mahinang tili sa bandang likod ko, hindi ko na lang masyadong pinansin.

Nilapag niya yong kamay niya sa lamesa. Napansin kong malapit yong kamay niya sa kamay ko.

"Ngayon, ang impression ko sa 'yo . . . di mo tatanungin?"

"Ano?"

"Tamad pa rin."

Pabiro ko siyang inirapan.

"Cute din."

Napatingin ako sa kanya.

"Gumaganda kapag ngumingiti."

Natigilan ako lalo nang pinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko sa lamesa.

Pero hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ko nang may marinig akong boses at isang pangalan.

"Oy, teka, Nate—"

Napalayo ako ng kamay ko sa hawak ni Art. Agad din akong napatayo. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko sinasadya, nag-panic lang ako bigla!

Napalingon ako sa boses na narinig ko at nakita ko si Jek na hinahabol si Nate na palabas ng food court.

Hindi ako makatingin kay Art. Hindi rin ako makaupo dahil nakatayo na ako kaya nagpaalam lang muna ako na maghuhugas ng kamay.

Huli na ang lahat bago ko napansin ang sinabi ko. Bakit ko huhugasan ang kamay ko? Pagkatapos niyang hawakan? Pagkatapos kong biglaang bawiin pagkarinig ko ng pangalan ni Nate?!

Anong kalokohan to, Ianne?!

Tinuloy ko na lang din ang pagpuntang CR para mahimasmasan. Nanginginig yung mga tuhod ko hanggang sa makarating ako sa CR at binasa ko rin yong mukha ko.

Kailangan kong kumalma.

Kalma.

Habang naglalakad pabalik sa mesa namin ni Art, napahinga ako nang malalim. Nandoon pa siya. Naiisip ko kasing baka pagbalik ko, hindi ko na siya ulit makikita. Pero . . . paano ako babalik sa kanya?

Bahala na.

Naupo ako sa upuan ko nang nakangiti. "Tapos ka na ku—"

Napatitig ako kay Art na nakatitig sa akin.

Nakita ko ngayon ang dating Art na nakilala ko noon—emotionless.

Yong puso ko . . . ang sakit.

Hindi ako makaalis sa mga titig niya. Ang napansin ko lang sa sarili ko ay parang nanlalabo na ang paningin ko. Nag-iinit ang mata ko. Tapos . . . yong mata niya, nawala lahat. Nawala na ulit lahat.

Hindi ko sinasadya. 

Nagulat din ako sa sarili kong reaksyon. 

Hindi ko alam ang ginawa ko.

"A-Art."

Siya mismo ang bumitiw sa titig at tumingin sa may hagdan. Ngumisi siya, pumikit saglit, tapos ngumisi ulit.

Napakagat ako ng labi ko.

Gusto kong hawakan yong kamay niya pero hindi ko magalaw ang buong katawan ko.

Huminga siya nang malalim. Tumingala. Huminga sa bibig.

"Sige."

Nagligpit siya ng pinagkainan. 

Nasaktan ako sa pagngisi niya ulit.

"Kahit anong gawin ko," sabi niya habang nililinis yong parte niya ng mesa. "Sa kanya ka pa rin."

Bumalik ang tingin niya sa akin. Tumitig siya sa mga mata ko hanggang sa tumayo siya, at napatingala ako sa kanya.

Emotionless Guy . . .

Gusto ko siyang pigilan, hawakan ang kamay niya para paupuin siya ulit sa tapat ko pero lumayo na siya agad. Nasaktan ko siya. Hindi ko sinasadya.

Ibinalik ko si Emotionless Guy dahil sa katangahan ko.



Note:

THANK YOU FOR WAITING!!!!!!!!! I'm sorry rin po dahil ang tagal ng update. Been verryy busssyyyy the past few weeks talaga. Naloka lang ako na andami nang nagko-comment ng update na po at for some reason, ankyut lang na may new readers na pala talaga ang afgit new version.

yay


dedicated to WinterSab dahil sa nakakatuwang comment na ito. thank yoouuuu for keeping afgit again and again and again. <3

 <3

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.
AFGITMOLFM (2019 version)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz