"Try mo."

Sinubukan kong tumawag. After ilang ring, sumagot ang boses ni Mama at tinanong kung sino ako.

At ako? I was in shock. I was very, very shock.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa cellphone ko. Kabisado niya ang number ng pamilya ko?

Wow.

"Welcome," nakangisi niyang sabi at pumasok sa loob ng kwarto niya.


HINDI pa rin ako makapaniwalang bumabait si Art. Ewan ko ba pero feeling ko mga 3.47% na ang nadagdagan sa closeness meter namin.

Masaya akong pumasok sa school dahil feeling refreshed ako. Wala na si Art sa BH kaya akala ko nasa school na siya pero wala siya sa classroom.

Nag-stay ako sa hallway para magtingin-tingin nang parang may humatak sa akin para tumingin sa grounds. Ang daming mga estudyanteng nagkalat sa grounds pero napatitig ako sa dalawang lalaki na nakatayo sa isang gilid at magkausap.

Walang gumagalaw sa kanila at pati ako, hindi makagalaw.

Bakit?

Bakit magkasama silang dalawa?

Bakit magkasama sina Nate at Art?

Napaupo ako nang tumingala si Art. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nagtama pa ang mga mata namin.

Bumalik ako sa classroom at hinintay si Art pero recess na siya pumasok. Pansin kong bothered siya sa nangyayari. Sinabihan din niya akong hindi siya sasabay pauwi.

Anong nangyari? Ang weird. . . I mean, alam kong weird si Art pero mas weird na magkausap sila ni Nate tapos wala siya sa sarili.

Anyareh?

Nagtaka ako dahil wala siya sa BH pag-uwi ko. Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame hanggang sa makatulog. Which is dapat hindi mangyari dahil magre-review pa ako sa exam. Buti na lang nagising ako at para mahimasmasan, napagdesisyunan kong maligo muna.

Pagbukas ko ng pinto ng CR, napahawak ako sa bibig sa nakita kong bagay na hindi dapat pangalanan na tinakpan niya ng tuwalya. Gulat na gulat kaming dalawa.

Si Art. Si Art. . . Si Art!

Omaypakingahd.

Sinking in sa kokote. . .

"Waaah!"

Sinara ko ang pinto at napatakip ng mata. Alam kong useless na pero kasi! Ano ba Ianne, bakit kasi hindi ka kumatok?

Naman kasi 'tong si Art eh, matuto kasi mag-lock ng pinto. Huhuhuhu.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Bakit hindi mawala wala sa utak ko 'yung pangyayaring 'yun? Grabe ayaw ko na, hindi na ako titingin kahit saan.

Gusto ko iuntog ang ulo ko sa lamesa pero masakit. Na-stuck na ata sa utak ko ang lahat.

"Ah!" Napasigaw ako nang may malamig na kamay na humawak sa balikat ko.

Lalong nanginig ang buo kong katawan nang mapalingon ako sa mukha ni Art na mapula at parang kakatapos lang mag-shower. Basang-basa ang buhok niya na tumutulo pa ang tubig. Medyo bumaba nang kaunti ang tingin ko at nabighani sa katawan niya. Ang sexy pala niy—

Wait. Stop!

Watdaef, Ianne?

Gusto ko na lang tumakbo pero hindi rin ako makagalaw. Bumalik sa akin ang nakita ko. Ianne. Please stop.

Lumapit siya nang lumapit sa akin kaya umatras ako nang umatras. Napahawak ako sa likuran ko dahil lamesa na ang nasa likuran ko. Napapa-bend na ako nang ilang dangkal na lang ang layo niya sa akin.

AFGITMOLFM (2019 version)Where stories live. Discover now