"Ah, talaga? Bakit?" Pinilit kong ngumiti pero hindi ko nakaya.

Nagtataka na ata si Humi kaya nilakihan ko ang ngiti ko. "K-Kasi ano, sabi ng adviser ko, 'Mr. Gad, pinapatawag ko po kayo dahil nagpapasaway po ang anak niyo,' eh hindi naman ako pasaway. 'Di ba? 'Di ba?"

Tumango-tango lang ako.

"Tapos sabi ni Tatay," tuloy ni Humi. "Miss, nagpapasaway rin ang anak ko sa bahay pero pinatawag ko ba kayo? Hindi naman, hindi ba?"

Nagkatinginan kami ni Humi. Nakatitig siya sa akin na parang naghihintay ng sagot.

"Hindi ka ba natawa?"

"Next time," nakangiti kong sabi.

Sumimangot si Humi sa akin nang mapatingin siya sa likuran ko. "Emergehd, Papa Art! Anong hinahanap mo? Lemme help yah!" Tumakbo si Humi "Bye, Ate Ianne!"

Lumingon ako at nakaramdam ng kaba nang makita ko ang pamilyar na lalaking parang may hinahanap sa gitna ng grounds.

Anong ginagawa ni Emotionless Guy?


SINUBUKAN akong pasayahin ni Kuya Angelo sa panlilibre sa akin ng dinner pero wala pa rin akong gana kaya nahiga na lang ako sa kama ko. Madaling araw na nang sumakit ang tiyan ko sa gutom. Pupunta sana ako sa kusina nang makita kong nakabukas ang ilaw sa living room.

Akala ko si Kuya Angelo ang nakita kong nakahiga sa sofa. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Emotionless Guy na natutulog nang naka-uniform at ang dumi ng itsura niya.

Mukhang pagod na pagod.

"Xiara. . ."

Akala ko gising na siya pero tulog na tulog naman. Dahil mabait akong nilalang, nagbasa ako ng bimpo para punasan ang kamay niyang marumi.

Habang pinupunasan ang kamay niya, may napansin akong something sa bulsa ng polo niya. Hindi ako chismosa, okay? Pero na-curious ako kaya kinapa ko kung anong meron at nagulat nang maramdaman ko kung ano 'yun.

Singsing.

Kinuha ko ang singsing sa polo niya at tumulo agad ang luha ko nang makitang singsing ko 'yun. Singsing na binato ni Nate sa grounds sa harapan ko mismo.

Hinanap ba niya ang singsing ko? Kaya ba siya pagod na pagod? Kaya ba ngayon lang siya nakauwi? Kaya ba ang dumi ng kamay niya? Bakit niya ginagawa 'to?

Nagulat ako nang gumalaw siya kaya nagmadali akong ilagay ang singsing sa bulsa ng polo niya. Sa sobrang pagmamadali, hindi ko sinasadyang napalo siya sa dibdib at bigla siyang nagising. Bumalik lahat ng sipon ko sa ilong ko sa sobrang pagkagulat.

Napatayo ako. "A-Ano kasi, ang dumi kasi nung kamay mo tapos. . ."

Tiningnan niya ako nang masama nang kumuha siya ng unan at tsaka pinatong sa mukha. Naramdaman ko na lang na sobrang bilis na pala ng tibok ng puso ko nang makabalik ako sa kwarto. Nawala rin ang gutom ko.

Pagkagising ko, natulala ako nang makita ang singsing sa side table.

Naiiyak ako habang sinusuot ang singsing. Parang gusto ko yakapin si Emotionless Guy para magpasalamat sa effort dahil hindi ko in-eexpect na maiisip na gawin ng isang Art Felix Go ang ganitong bagay.

Hinanap talaga niya ang singsing para ibalik sa akin.

Paglabas ko ng kwarto, tumambad sa akin si Emotionless Guy na kakalabas lang din ng kwarto. Gusto kong magpasalamat pero naiwan ko ata ang boses ko kung saan. Tumingin siya sa singsing sa daliri ko at naglakad na papuntang sala.

Sinundan ko siya habang iniisip kung ano ba ang dapat kong sabihin nang tumigil siya sa paglalakad. Tatakbo na sana ako sa sobrang kaba palayo nang humarap siya sa akin.

"Ipagluto mo ako." Bumalik siya sa kwarto niya at kumuha ng twalya. "Dapat may pagkain na pagkatapos ko," utos niya tsaka pumasok sa CR.

Napatitig ako sa kusina. Hindi ko alam ang gagawin ko . . . hindi ako marunong magluto. Inisip ko ang mga niluluto ni Mama dati at napagtanto na ang pinakamadaling iluto ay itlog at hotdog.

Naka-uniform na si Emotionless Guy nang pumunta siya sa kusina at naupo sa dining area. Tinitigan niya ang plato na binigay ko sa kanya na parang kinikilatis ang luto ko.

"Anong klaseng itsura 'to?" Sumubo siya ng isang kutsara at kunot-noong tumingin sa akin. Ah so may facial expression pala talaga siya? Ang galing. "Anong klaseng lasa 'to?"

Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. "Ikaw ang nagpaluto, ah? Bakit ang lakas mo magreklamo ngayon?"

"Ang pangit ng lasa."

Sumabog ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. "Hawderyu?! Hoy Emotionless bakit may—"

"Emotionless?"

Ow. Hindi ata niya alam 'yun. Well, it's about time na malaman na niya!

"Oo. Emotionless ka. Emotionless Guy. Hindi ba poker face ka lang lagi. Laging problemado. Pasan ang mundo. Snob. Pa-heartthrob akala mo cool!"

Kinilabutan ako nang tumingin siya sa akin nang poker face. "Maligo ka na," utos niya.

Inirapan ko siya at nagpunta ng CR para maligo. Gusto ko mag-thank you pero nilait niya ang luto ko kaya hindi bale na lang!

Pagkatapos ko mag-ayos para sa school, kinain ko muna ang niluto ko at napangiwi. Lasang sunog.

Napatitig ako sa malinis na plato ni Art. Kinain pa rin niya kahit ang pangit ng lasa. Pero iniwan niya 'yung pinagkainan niya. Ako pa ang pinaghugas, ugh, ang tamad.

Nagtatalo ang hate at appreciation ko kay Emotionless Guy. I appreciate the effort para sa singsing pero ang effort din niya para inisin ako. Kainis.

Napahinto ako sa paglalakad nang makitang nakatayo sa may gate si Emotionless Guy habang may kausap sa phone. Pagkakita niya sa akin, tinago niya agad ang phone niya at tiningnan ako nang masama.

"Ang kupad mo."

"A-Ano?"

"Tara na." Hinatak niya ako sa braso pero pinatigil ko siya.

"Teka nga Emotionl—"

Bumitaw siya sa akin. "May pangalan ako."

"H-Ha?" Bakit kinakabahan ako?

Ngumisi siya at sinabing, "Art."

"A-Ano?"

"Bilis," sabi niya nang lumabas na siya ng gate. "Late na tayo."

At ako, natulala. 

What in the world is happening?!


chapter dedicated to KyleIvyPriolo kasi nakikita ko na siya the past few days sa comment section pero dahil tahimik ang notif ko ngayon at siya ang nakikita ko, at naaaliw ako sa mga comment niya . . . yay.

thank youuuu for your thoughts, reactions, comments. aliw ako to know more kung anong mga naiisip mo regarding a line, character, situation, etc. hihi.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon