Chapter 25 - Drunk

73 2 0
                                    

Chapter 25

Drunk

[Anya’s POV]

Hinila ko si Kyle sa tabing dagat kung saan wala masyadong tao. Nung alam kong wala nang nakatingin samin at wala nang nakakarinig, binitawan ko sya.

“Ano bang problema mo?!” galit kong tanong sa kanya.

Tumawa sya. “Tara, sayaw tayo, miss beautiful.” Tapos, sinayawan nya ko ng sexy dance.

Sapakin ko toh eh =_________=

“Anong ginagawa mo sa bar na yon? Baliw ka ba?”

“Sayaw tayo. Taratarat tarattarat tararatat…” Kinanta pa nya yung careless whisper. Sumayaw sya ng sumayaw at kumanta ng kumanta.

Aissshh… buti na lang walang tao malapit samin, kundi sangkatutak na kahihiyan na ang inabot ko.

“Tumigil ka na nga, Kyle. Ihahatid na lang kita sa kwarto nyo.”

“Sayaw tayo. Tarattarat tarattarat tarattarat –” bigla na lang syang sumuka.

“KYLE! Aisshhh… bakit ka ba kasi nagpakalasing ng ganyan?!”

Nung na-realize kong walang kwentang tanungin pa sya dahil wala naman na syang ulirat, inilagay ko yung braso nya sa balikat ko para alalayan sya, at iniakyat ko na sya sa kwarto ng boys.

Walang tao sa kwarto nila kaya inihiga ko na lang sya sa kama. Sumilip muna ko sandali sa room ng girls para tingnan kung nandun sila Rani, pero wala. Kaya binalikan ko na lang si Kyle sa kwarto ng nila.

Pinagmasdan ko sya. Kawawa naman ang isang toh. Kung di ko pa pala sya nakita dun sa bar na yun, eh malamang na-rape na toh nung mga malalanding babae.

Habang pinagmamasdan ko sya habang natutulog, bigla ko na lang syang binatukan.

“Bakit ba kasi habulin ka ng mga babae?” pabulong kong tanong.

Titig na titig ako sa kanya nang bigla syang dumilat at tumayo. Nu problema ng isang toh? Alam ko di naman sya nag-i-sleepwalk eh. O baka naman narinig nya yung sinabi ko? Baka nasaktan sya sa pambabatok ko?

“Hamngiyip,” sabi nya.

“Hah?” Anu raw?!

“Ang init.”

“Ahh.. wait lang… bubuksan ko lang yung aircon.” Tumayo ako at binuksan yung aircon, pero pagtingin ko ulit sa kanya, wala na syang sando. “Ay tipaklong! Ano ba?!”

Bigla na lang syang nag-collapse sa kama.

“HOY! KYLE?!”

Nakadapa sya kaya iniayos ko yung higa nya. Tapos, may napansin ako sa dibdib nya. Tattoo ba toh? At kelan pa nagkatattoo si Kyle? Baka naman henna. Tiningnan kong mabuti yung nakatattoo sa dibdib nya. Di ko maintindihan. -_______-

Ano ba toh? Ang weird naman ng pinatattoo nya.

A – Ah – A – A – ANO BA TOH?! Langya! Hirap basahin eh.

Teka.

O________O

ANYA?

ANYA?!

ANAK NG -!!

Pangalan ko? Bakit pangalan ko yung pinatattoo nya? Aissshhh… Baliw talaga.

“May topak ka talaga, Kyle,” pabulong kong sabi.

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Where stories live. Discover now