Chapter 22 - Good News or Bad News?

72 1 0
                                    

Chapter 22

Good News or Bad News?

[Gale’s POV]

Natapos kami mga 1:00 am na. Nagligpit pa kasi kami at inayos yung mga instruments.

Hay. Bahala nang lumusot kay appa.

Nandito pa rin kami ngayon sa resto-bar, kumakain. Nakakagutom palang kumanta ng kumanta. Nakaka-ubos ng energy.

Kami ni Anya kumakain ng super late dinner, sila Toby at Kyle naglalaro ng tong-its, si Harold tulog as usual, si Rani naman may kausap na matandang lalaki. Kasabay namin syang kumakain kanina nung biglang lumapit yung lalaking yun. Di namin sya kilalang lahat.

Napansin kong parang ang lungkot ni Anya.

“Anya, ok ka lang?”

Tumango lang sya.

“Ano nangyari sayo?” Sinalat ko sya, baka kasi may lagnat. “May sakit ka ba?”

Umiling sya.

Ano kaya meron sa isang yan? Ilang araw na syang ganyan eh. Nakakapanibago. Saming lahat, sya ang pinaka-energetic. Laging tawa ng tawa. Laging nakikipagharutan kay Kyle.

Pero ngayon, si Kyle ang pumalit. Si Kyle ngayon ang pinaka-energetic sa grupo. Parang umover sa kasiyahan yun eh.

Kaya lang, di naman sila nagpapansinang dalawa. Ang gara nga eh. Sila pa naman yung laging nag-iinisan at naghahabulan. Pero ngayon, I realize na kung di pala sila nag-aasarang dalawa eh sobrang tahimik ng banda. Para ngang ang boring kapag di sila maingay na dalawa eh.

Parang may di tama.

Napansin kong umalis na yung matandang kausap ni Rani, papalapit na rin si Rani sa amin.

“Guys, I have something to announce. Guys! Toby, Kyle! May sasabihin ako! Uy, pakigising nga yang si Harold. Anya, pakinggan mo tong sasabihin ko, wag ka lang parang tulala dyan. Ok, ehem ehem. Guys, listen to every word I’ll say. Wag nyo palalampasin maski isang salitang lalabas sa bibig ko. Guys, guess what?!”

“What?” sabay sabay naming tanong.

[Rani’s POV]

Kumakain kami nang may lumapit na matandang lalaki sa table na kinakainan namin. As usual, kapag may gustong kumausap sa Blue Star eh ako lagi ang humaharap. Lahat ng transaction ako ang umaasikaso.

Asahan mo pa si Harold, babastusin lang nun kung sino mang makausap nya. Si Toby naman eh minsan may pagkaloko at di sineseryoso ang mga bagay bagay, ganun din naman si Kyle. Si Anya naman, eh alam nyo na, naging pipi. Si Gale naman eh kakasali lang sa grupo kaya wala pang masyadong alam sa Blue Star.

“Ano po yun, sir?” tanong ko dun sa matanda.

“May I talk to any of you?”

“Ah. Sige po, ako na.”

Medyo lumayo muna kami para maging private ang pag-uusap.

“Hija, my name is Ricardo Alfonso. You are?”

“Rani po. Rani Garcia.”

“Hija, I just want to know if you are interested in performing for my granddaughter’s debut. Yung apo ko kasi eh mahilig sa mga banda, and those songs that you performed are her favorites.”

“Po?”

Parang nabibingi na ata ako? Gusto ba nya kaming kumanta sa debut ng apo nya? WOW!

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon