Chapter 5 - Blue Star (Part 1)

73 2 0
                                    

Chapter 5

Blue Star (Part 1)

[Gale’s POV]

Nandito kame ngayon sa loob ng car ni Rani. May driver talaga tong si bespren eh, pero tulad ko mukhang di rin alam ng magulang nya na lumabas sya kaya mukhang sya na lang ang nag-drive kanina papunta sa coffee shop.

Nag-insist naman itong si Toby na sya na raw magda-drive papunta sa meeting place nila.

“San mo ba talaga dadalen, bespren?” >____<

“Papakilala kita sa Blue Star. Wag ka na umangal. Baket, kung iniwan ka ba namen dun sa coffee shop eh san ka pupunta?”

Oo na! may point na sya kung may point. Pero kahit na! di naman ako close dun sa Blue Star na yan eh. Tapos bigla-bigla na lang akong susulpot sa meeting nila?! Bigla na lang akong eepal?! Aneebeee…?!

“AYAW! Ibaba mo ko dito!” sigaw ko.

“MAS LALONG AYAW! Dyan ka lang!” sigaw din ni Rani.

“Ang ingay nyon dalawa wah,” sabe naman ni Toby habang nakatingin samen sa rearview mirror. Pareho kasi kami ni Rani na nandito sa likod ng kotse.

“Eto kasi,” tinuro ako ni Rani.

Aba naman talaga woh!

~~~~~~~~~~~~~~

Nakarating kame sa isang condo. Dito daw ang meeting place ng Blue Star palagi tuwing may assembly sila. Oh hah?! Sosyal pala tong mga toh. May sariling condo para lang sa meetings nila. Ansaveeeee?! Kaya lang…

ang condo na toh…

ay pagmamay-ari namen! >_______<

Patay ako pag nandito si appa!

Binulungan ko si Rani habang nasa elevator kami. “Bespren bet eto pa sa condo namen ang na-isip nyong maging meeting place?”

“Sensya na bespren. Kulang kame sa pondo eh, kaya condo ko pinapagamit ko sa Blue Star para tipid. Isa pa di masyado pumupunta dito sa condo ko si Dad, kaya lusot ako. Di kasi alam nila Dad na nagbanda ko. Alam no na, against sila sa band thing na toh. Kaya secret lang naten toh ah. Wag mo sabihin kela Dad. Walang laglagan,” pabulong din nyang sagot saken.

Sa dad nya lusot sya, eh sa appa ko?! Di ako lusot dun! Naman eh! X____X

At least nga sya sa pagbabanda lang against parents nya. Eh ako, halos lahat! HAY.

Dahil nga business partners, best friends, at share holder ang dad ni Rani ng company ni appa, binigyan nya ng condo unit ang dad ni Rani na niregalo naman ng dad ni Rani sa kanya nung grumaduate sya ng college.  

Umakyat kame sa room 295 sa twelfth floor. Pagpasok namen puro instruments ang nasa loob. may guitars, may piano at keyboards, at may buong set ng drums. Grabe! Naging studio na ang condo ni bespren! >______<

Yung mga tao sa loob iba-iba ang gingawa. May nagfe-facebook sa laptop, may nagtotono ng gitara, yung isa naman nakahilata sa sofa habang nakatakip ng newspaper ang mukha.

Mukhang mga wala lang magawa sa buhay tong mga band mates ni Rani hah.

“Guys.” walang pumansin sa pagdating namen. “Guys! GUYS!”

Napatigil naman sila sa ginagawa.

Lumingon yung nagfe-facebook “Andyan na pala kayo.”

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Où les histoires vivent. Découvrez maintenant