Chapter 16 - Small Talk

80 2 3
                                    

[A/N: meron na pong teaser 2.. sa external link po :)))

dedicated to my teyaaa! :*

congrats! Ate! :))) wahahahah... gusto na nya kong mag-UD agad agad eh.. kaya eto na po :D]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 16

Small Talk

[Rani’s POV]

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Message from: Gale Bespren

Rani, baka ma-late ako sa pagpunta dyan sa apartment…

Pinapunta ako ni appa sa Tower. Ewan kung bakit… Nakakapagtaka noh? XD

Feeling ko nga pipilitin na naman nya kong pumasok na sa Jang Corp.

Onga pala, humanda ka mamaya! Iwan daw ba ko sa apartment?! Alam mo bang napakatragic ng nangyari! Haist!

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Huh? Ano kayang meron sa kanila? Di naman pinatatawag ni tito si Gale kung di urgent o importante eh. Bakit kaya? Pati tuloy ako nagtataka. Nag-aalala ako actually.

“Sino yan?” tanong ni Anya Toby habang nakasilip pa sa cellphone ko. Agad ko naman syang ibinulsa.

“Ah wala. Si Jam. Male-late daw sya. Tara na Umpisahan na natin.”

“Ah ok.”

“Ui, guys, let’s practice na. Uy!”

Ano ba naman nangyari sa mga toh?! Si Harold tawa ng tawa habang nagtotono ng gitara nya. Kanina pa di nawawala ngiti sa mukha ng isang yan eh. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Tsk tsk. I’m so curious!

Eto namang si Anya tulala. Andun lang sa sulok, nagpa-practice. Kung si Harold eh ligayang ligaya, eh eto namang si Anya eh parang pinagsakluban ng langit at lupa. Malalim ang iniisip. Ano naman kaya nangyari sa kanya?

Si Kyle naman eh ganun din! Parang pasan ang daigdig. Nakasubangot ang mukha. Para rin syang pinagtripan ng mga tambay sa kanto. May band aid sa ilong, may pasa sa magkabilang pisngi, at may dugo sa gilid ng labi. Ay sus! Ano rin kaya nangyari sa isang toh?!

Grabe! Wala na bang matinong makakasamang magpractice dito? Isang tumatawa mag-isa, isang tulala, isang bugbog sarado! Jusmiyo pala!

Mukhang maraming nangyari. Tss.

“May alam ka ba dito?” pabulong kong tanong kay Toby.

“Saan?”

“Eh tingnan mo kaya yang mga yan. Puro lutang.”

“Onga noh.”

“Ano ba nangyari?”

“Mukha bang alam ko? Eh di b a tayo magkasamang umuwi nung isang gabi. Tayo rin magkasama buong araw kahapon, pano ko naman malalaman?”

Ay jusko, oo nga pala. =_______=

“Guys, practice na tayo. Guys! Uy! Ano ba? Practice na! Male-late daw si Jam kaya yung part na kakantahin nya eh ako muna kakanta. Darating na rin yun mamaya. Tara na. Practice na! HOY! Makinig naman kaya kayo!”

Tss. Hirap talaga kausap ng hangin. -__-

After ilang minutes, mukhang nagising na rin ang diwa ng mga toh. Nakapag-practice na kami kahit parang di seryoso. Eto naman kasing si Harold, sa kalagitnaan ng pagkanta eh bigla na lang matatawa. Si Anya at Kyle naman nakakapanibago. Sa halip na naghaharutan sila tulad ng dati eh di man lang nag-uusap ngayon. Pati tuloy mg gitara nila magka-iba ng tono. Parang sila lang – di magkasundo.

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Where stories live. Discover now