Chapter 14 - The Grudge + Sunday Driving Lesson

62 1 0
                                    

[A/N: ok. ~ehem ehem~

YIIIIIIIIIIIIEEEEE!!! na-eexcite ako! WAHAHAHAHAH... :)

napakasaya ko po talaga ngayon =))))

eto na po ang UD... maikli lang... pero bumawi naman po ako sa....

*drum roll*

WAH! natapos ko na po ang teaser! WAH!

i'm so glad ang thankful :)

sa wakas, natapos ko rin.. mag-isa ko lang po binuno yan kaya pagtsagaan na.. binuhos ko po ang full effort ko dyan. I did my best. Sana magustuhan nyo...

i know it is late... sensya na po.. but at least meron pa rin di ba? ^___^

so, please watch ------------------------------------>

ENJOY! both sa UD at sa teaser... :)))]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 14

The Grudge + Sunday Driving Lesson

[Toby’s POV]

Gusto daw yang manood ng movie eh. Edi dinala ko sa bahay. May binili kasi akong mga CD. Balak ko kasing mag-movie marathon, eh wala akong makasama, tutal gusto daw ni Rani na manood eh sya na lang isasama ko.

“Bakit ba tayo pupunta sa bahay nyo?”

“Akala ko ba gusto mong manood ng pelikula?”

“Oo nga. Pero nakakahiya namang mag-intrude sa bahay nyo.”

“Ayus lang yan. Wala si mama’t papa, nasa Cagayan pinuntahan si lolo. Si kuya naman nasa girlfriend nya.”

“Cagayan? Eh bakit di ka sumama?”

“Malapit na gig natin noh. At isa pa eh pwede naman akog dumalaw any time kay lolo, gusto mo sama kita minsan?”

“Eh? Wag na. Nakakahiya.”

“Tss. Kelan ka ba nahiya?”

Hinampas ko sya sa braso. “Sama nito.”

“Haha.”

~sa loob ng bahay ~ sa salas~

“Patingin nga nyan.”

“Oh.” Inabot ko sa kanya yung mga CD.

“The Grudge. Drag Me to Hell. Hills Have Eyes. Saw. Mirror. Shutter Island. Death Bell 2. Jusme! Ano ba toh?! Bakit puro nakaktakot?!”

“Bakit? Naduduwag ka?”

“Hindi ah. Kaya lang, SUSMIYO! Wala ka man lang ba dyang  A Walk to Remember or yung mga romance.”

“Ang corny nito. Yan na lang. Maganda naman yan eh, lalo na yang Hills Have Eyes at Mirrors. Yung Death Bell 2 Korean ang language pero may subtitles naman.”

“Tss. Bakit ba nakokornihan kayo sa mga romantic movies? Maganda naman yun wah. May lessons about love and life or even sa family. Eh dyan ba sa mga horror movies na yan may mapapala tayo? Puro chills lang maiibibigay nyan sa’tin eh.”

=_____________=

Eto lang ang hirap pag sinama ko tong si Rani sa panonood eh kokontahin lang ako. Laging ganyan yan eh. Madaldal pa. Laging pang hyper at magulo.

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Where stories live. Discover now