Ako naman ay lalong napamaang sa kaniya.

Ano raw? Mukhang tama ata ang iniisip ko na nalaman na niya ang tungkol sa dalawang katauhan niya na narinig ko noon kina Polaris at Minerva!

Pero hindi naman ibig sabihin nun na baliw siya!

Walang nagsasalita sa amin pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya.

Sana may magawa ako para mapawi ang kalungkutan niya.

" Wala kang sakit sa pag-iisip Senyor, sadyang kakaiba ka lang talaga.." malumanay kong sinabi .

"Kakaiba?" Mapait siyang tumawa kaya naman dinagdagan ko.

"Oo, kakaiba ka sa lahat at kahit pa may dalawa kang katauhan, hindi iyon nakabawas sa----

"Paano mo nalaman ang tungkol diyan? Wala pa naman akong sinasabi ah." Napalingon siya sa akin kaya napayuko ako.

"Narinig ko mula kay Polaris pagkatapos mong maging si Radleigh Polavieja..." Sagot ko sa kaniya ng di siya tinitignan.

Narinig ko ang pag-alis niya kaya bigla akong napalingon sa kaniya.

"S-sandali! Radleigh! " Hinabol ko siya at humarang ako sa dinadaanan niya.

Napahinga ako ng maluwag ng tumigil naman siya.

" Hindi ka dapat lumalapit sa baliw na kagaya ko..." Malungkot niyang utas.

Napailing naman ako.

"Hindi ka baliw!" Madiin kong sinabi..

"Salamat binibini, ikaw lang ang nagsabi niyan kahit alam mo na ang tungkol sa kalagayan ko.." magaan niyang sagot.

Nagulat ako doon. Anong ibig niyang sabihin?

" Ang manggagamot mismo na nilapitan namin ng kapatid ko ang nagsabing may sakit ako sa pag-iisip."
Biglang umupo sa buhangin si Radleigh at tumingin sa malayo.

Habang ako ay nakatayo sa gilid niya.
Pilit pinoproseso ang kinukwento niya.

May dumaang galit para sa manggagamot na sinasabi niya.

How dare that person to say that Radleigh is crazy just because of his split personality disorder!

" Labinlimang taon, binibini. Sobrang tagal ko ng nagkakaganito." Nakakuyom ang mga palad niya at nahihirapan akong makita siyang ganito.

Mas gusto ko pang maging seryoso na lang siya. O di Kaya ay ang palabirong ugali niya. But not like this!

"Sabi ng manggagamot ay wala raw kasiguraduhang gagaling pa ako. Hindi raw ito katulad ng ibang sakit na pwedeng madala sa gamot o operasyon. Kaya alam ko sa sarili ko na wala na ring kahit na sino ang magmamahal sa akin ng totoo. Walang makakatanggap sa aking kalagayan bagkus ay kukutyain lamang ako ng lahat" Huminga siya ng malalim pagkatapos niyang sabihin iyon.

Natahimik naman ako sa gilid niya. Pilit iniisip ang sinabi niya.
Sa tingin ko ay marami pa akong malalamang sekreto niya at gusto kong malaman lahat ng iyon.

Ito na ba ang misyon ko? Sabi ni Enigma sa akin noon ay kailangan kong baguhin ang pananaw ni Rafael Radleigh Amadeo Polavieja tungkol sa kaniyang buhay at love life.

Alam kaya ni Enigma na may dalawang katauhan si Radleigh ?
Hay! Nasaan na ba ang anghel na iyon? Tch.

" Binibini.. maari ba akong magtanong sa iyo?" Bulong niya na halos hindi ko na marinig sa sobrang hina.

Tumikhim muna ako bago ko siya sinagot ng marahan.

"Ano iyon, Senyor?"

" Sino sa tingin mo ang mas gugustuhin mong makasama sa islang ito? Si Rafael ba o si Radleigh?"

Back in 1763Where stories live. Discover now