------------------------------------------
}Bahay{
Pumasok agad ako sa kuwarto at ikinulong ang sarili ko.
Ano ba… matagal na akong nakapangako sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero… ang hirap pala.
Isinubsob ko ang mukha ko sa mga unan. Napasabunot ako sa sarili ko.
Ano’ng gagawin ko? Gusto ko nang matapos ang lahat ng to pero… naaalala ko ang mga sinabi ni Kuya sakin… Hindi ko siya kayang biguin. Mahal na mahal ko ang kapatid ko…
Narinig ko ang tunog ng doorbell. Bumaba ako upang buksan ang pinto. May dalawang taong may dalang maleta at malalaking bags. Sino naman tong mga to?
“Mga gamit po ni Sir Ventura.”
Sht. Oo nga pala. Dito na titira yung taong iyon. Pinapasok ko sila para maipasok ang mga gamit. Umalis naman sila agad.
Bumalik agad ako sa kuwarto ko. Nag-iimpake. Bakit? Magiging masyadong maliit ang bahay na ito para sa aming dalawa. Inuulit ko, hindi ako galit sa kanya pero… I don’t want to be with a stranger in my own house— err, bahay nga pala niya ito. Kaya nga ako ang aalis eh.
Nag-iwan ako ng note sa ref para kay Lola. Itinext ko na lang kay Mike ang iba pang mga bagay.
Sinabi kong sa isang boarding house na lang muna ako titira. Malayo-layo naman kasi talaga yung school ko sa amin eh. Nakakatamad na nga na lagi na lang akong nag-aabang ng bus araw-araw. Not to mention 7am ang una Kong subject. Almos tan hour na biyahe. Mabuti na rin to.
Nakahanap naman ako agad. Hindi na masama. Mukhang mabubuhay naman ako dito. Hindi ko naman masabing mayaman kami pero basta, nabibigay naman sakin yung mga material na bagay na gusto ko. Retired professor si Lola at nakaka-benefit ako sa pension niya. Yung tatay ko, err— di ko alam. Maraming nagugulat pag nalalaman nilang tatay ko yun. Ay wag niyo akong tanungin. Inosente ako!
May kasama akong tatlong iba pa sa kuwarto na mga bedspacers din. Mukhang magkakila-kilala na sila.
Hindi ko napansing gabi na pala. Nagyaya silang mag-Dunking Doughnut. 24 hrs open daw kasi doon eh. Mag-group study daw kami. (_ _”) Potek. Mga geeks pala to. Naku... *kamot-ulo.
Teka, pakilala ko sila sa inyo ha. Si Aida, Lorna at Fe. Di, joke lang. XD
Si Maxene, Karla at Rosette. Mahirap silang i-distinguish. Basta pare-pareho silang may senyales ng pagka-einstein. Ayos to. Mukhang kakaiba din ang topak ng mga to. Hmn… let’s see.
Ka-year level ko din pala sila. 3rd year. Magkapareho ng kurso sina Karla at Rosette, accountancy. Real estate management naman si Maxene. Business administration nga pala ang akin.
*study habang kumakain.
Mukhang mas abnormal pa ang mga to kaysa sakin, eh. Hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi nila. Ibang subject din naman yon eh. Langya, sumama pa ako. Group study kuno.
Bigla kong naalala yung assignment ko sa differential calculus. Aiiish! Math! Isa sa mga pangunahing rason kung bakit ang sarap magpakamatay! Argh!
Inaantok pa nga ako eh. Tanda niyo, may hangover pa ako! (>_<)
Makatulog nga muna.
-------------------------------------------
}Dunking Doughnut{
*Yawn. *unat-unat. *pahid ng laway. *ayos ng buhok
(o_o) Nasaan na ang mga kasama ko? Mga walangya! Iwan daw ba ako mag-isa dito?
Napansin ko ang notebook ko na nakabukas at may sulat: “Rij, sorry kailangan na naming umuwi. Curfew hour na kasi eh. Baka di na kami makapasok. Ginigising ka namin pero hindi ka naman nagigising. Believe us, ginising ka namin sa abot ng aming makakaya. But i guess our best wasn’t good enough.”
Ay anak naman ng curfew oh. Ang sama din ng tama ng utak ng mga iyon! Mga abnormal (-_-)
Te-teka, curfew? Naalala ko yung sinabi ng landlady kanina. Isasara na daw ang gate pag-10pm. Anong oras na ba?
Tiningnan ko ang suot kong wrist watch. Paksiw! 11:02pm!!! Ilang oras ba akong tulog?!
Aish! Wala na! Hindi na ako makakapasok. (t_t) 5am pa uli yon nagbubukas eh. Huhu…
So buong magdamag lang ako dito? Oh well.
Um-order ako ng kape. May tatapusin pa nga pala akong assignment.
Putek. Wala akong naintindihan sa binasa ko… aish! *pukpok sa ulo.
Calculus, calculus, calculus… sino ba ang nag-imbento sayo at nang masimulan ko nang maghukay para sa libingan niya? Pero buhay pa nga ba yon? Urgh.
“You dropped this.”
May naglagay ng susi sa mesa ko. Akin nga.
Pamilyar ang boses niya. Tumingala ako upang tingnan yung nagsalita.
*Pilig-ulo. Kaboses lang siguro. Di ko naman kilala to.
May hawak siyang tray sa isa niyang kamay at pagkatapos ay umupo siya sa silya na nasa tapat ko.
Tumingin ako sa paligid. Adik ba to? Eh andaming bakanteng upuan, dito naupo. Di makitang nagsa-study ‘kuno’ ako? Psh...
Kinuha ko yung susi at nilagay sa bulsa. Susi yon ng cabinet ko.
“Salamat.”
Hindi naman siya nag-ingay. Busy lang siya sa pagkain. Mabuti naman.
Nag-focus na lang din ako sa sinasagutan ko. Aish! Paano ba to? Haay, bahala na. Multiple choice naman eh. Show your solutions nga lang. Tsk!
Binilugan ko yung letter b. Eh sa yun yung sinasabi ng instinct ko eh. Trust your instincts nga diba?
“Mali.”
Napatingin ako sa lalaki sa harap ko. Saka ko lang na-realize na kanina pa pala siya nakatingin sa ginagawa ko.
Kunwari hindi ko siya narinig. Lumipat ako sa mga sumunod na number.
“Mali, mali, mali.”
Abnormal ba to? Pano naman niya nalaman? Tsaka nakabaligtad sa kanya yung papel ko ah. Pinagloloko lang yata ako nito eh…
Kinuha niya yung papel ko at may isinulat.
Makalipas ang isang minuto ay ibinalik niya sakin yon.
(o_o) Abnormal nga siya! In a minute, sinagutan niya yung apat na items na sinagutan ko ng mali with all the necessary solutions! Sheet! Alien siya dre! Alien!
Nakatingin pa rin ako sa papel ko. Huhu... Gusto kong magpaturo pero… nakakahiya. (_ _”) Urgh! Bakit kasi hindi ako nabiyayaan ng utak sa math. Ayst!
Ninakawan ko siya ng tingin. Mahirap na pagnakita niya akong nakatingin din sa kanya. Baka sabihin niyang bilib na bilib ako sa kanya. Well...
May kinuha siya mula sa bag niya. Sketchpad at lapis. Inabala niya ang sarili niya sa pagdo-drawing. Eeeeeeeh… ayan, busy na siya. Hindi nako makakahingi ng tulong. (y_y)
Agad akong yumuko. Tumingin kasi siya eh. (_ _*) Haaay… ang hirap maging mababang uri ng homo sapiens… err, sapiens sapiens? Ilang sapiens ba yun? *kamot ulo.
Focus ulit sa assignment. Unang subject ko pa naman ito bukas. Huhu. What’s worst? 7:00 am! Plus, parang nangangagat ang teacher ko sa subject na to. Lagot na talaga. Kailangan ko pa namang bumawi. Bagsak ang prelims ko dito eh. Magmi-midterms na. Pag di ko nahabol, naku! Baka malutong na singko ang matanggap ko. (t_t) wag naman sana! Kawawa naman ang puwet ko sa palo ni Lola.
Pero… naduduling nako. Inaantok pa rin talaga ako… ewan ko ba, uminom naman ako ng kape eh.
Nag-order ulit ako. Saka ko nabasa ang nakasulat sa tasa. “Decaffeinated.”
Pakshiw! Kaya naman pala… (-________-)
Argh! Bahala na!
*Balik sa upuan
*Ting ting ting ting!!! Knocked out.
---------------------------------
Chapter 4: START AGAIN
Mulai dari awal
