Naisip ko, kailangang mauna akong mamatay kaysa kay Lola. At least kung susunod kaagad siya e di magsasama kami. Pero kung iiwan niya ako dito, sino’ng matitira sakin…? Wala…
Wala akong mga kaibigang matatawag kong tunay. Katulad ng sinabi ko kanina, walang kaibigan na nagtatagal sakin…
Boyfriend? Huh. Who would even want to court someone like me? I mean, I’m physically normal. All the boys i knew find me weird or if not, i don’t pass any of a criteria of an ideal girl friend for them... Katulad ng mga naging kaibigan ko ‘kuno’, hindi nila masabayan ang topak ko. Taas ng level eh. E pake ko ba? Paka-pogi naman yung mga ulupong na yun kala naman nila gugustuhin ko din silang maging bf. Kontento na ako sa mga crushes ko ano. But anyways, since hindi pa naman maluwag ang turnilyo ko sa ulo ay tanggap ko nang wala na akong pag-asa sa mga yon.
Bukod sa mga material na bagay, wala akong kahit ano na matatawag kong akin… kaya ano pa ba ang ginagawa ko dito...? Nagdadagdag sa polusyon sa Pilipinas? Ayst.
“Oh.” Napalingon ako sa nag-abot sakin ng softdrinks. Naku, muntik ko nang makalimutan na kasama ko pala siya. Nagpaiwan lang kasi siya sa waiting area kanina.
“Salamat.”
“May pupuntahan ka pa?”
Nag-focus lang kunwari ako sa iniinom ko. Malamang, hindi ko puwedeng sabihin sa kanya kung saan ako pupunta.
“Bumalik ka na kay Lola. Ayos na ako.”
Aalis na sana ako pero may narinig akong papalapit na ingay.
Nakita kong nagtatakbuhan ang mga nurse dahil may hinahabol silang pasyente… si Kuya.
“Ryan! Stop! Ryan!”
Napako ako sa kinatatayuan ko. Nalaglag ang hawak Kong cellophane na may lamang softdrinks. Namalayan ko na lang na nakayakap na ng mahigpit sakin si Kuya. Huminahon na din ang mga humahabol na nurse sa kanya.
“Rij… wag alis Rij… Wag iwan si Kuya…”
Napahikbi ako na naging hudyat ng pagtulo ng mga luha ko…
“Tama na Ryan. Hindi ka naman iiwan ni Rij. May kailangan lang siyang gawin pero babalik din siya.” – isa sa mga nurse.
Mariin na umiling si Kuya. “Hindi… kilala ko Rij… Kita ko mga mata niya. Iwan niya ako…”
Hindi ako makapagsalita. Nagtuloy-tuloy lang ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko…
“Wag alis Rij… Pleaaase… Lungkot si Kuya…”
Isinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya… Ang sikip ng dibdib ko… Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin...
Naramdamn kong may mga kamay na nagpahiwalay sa aming dalawa.
“Kailangan na po namin siyang ibalik Maam Rij. “
Tumango lang ako habang nakatingin pa rin sa Kuya ko na nagpupumiglas mula sa mga hawak nila.
Maya-maya lang ay nagwawala na siya... Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang manood....
Tinurukan siya ng tranquilizer pero bago siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang magsalita… “Promise me…”
Napatakip ako sa bibig ko... Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak…
Lumapit sakin si Mike at ipinasandal ang ulo ko sa balikat niya. Sht. Nakita niya akong umiyak…
“Shh… tahan na… Okay lang siya.”
Lumayo ako sa kanya. Tumakbo agad ako palabas. Kailangan kong makalayo dito…
Chapter 4: START AGAIN
Start from the beginning
