Chapter 3: THE REASON

Magsimula sa umpisa
                                        

You see the cycle? Walang nagtatagal sa buhay ko…

 At mas napatunayan ko iyon nang iwan din ako ni Kuya Ryan 2 years ago.

Hindi naman siya namatay. Pero hindi ko na siya puwedeng makasama…

Ah, excuse me. Mamaya na lang ulit ako magki-kuwento. Nagugutom ako.

Tapos na nga pala akong maligo! (^_^)

 Haaaay… mabuti naman at medyo nabawasan na ang sama ng ulo ko. Nawala na rin ang hapdi ng tiyan ko… 

Napatingin ako sa jacket na nakasampay sa sandalan ng silya. Isosoli ko rin pala to sa may-ari, kung sino man siya.

Bigla akong napaisip. Sino kaya yung taong yun? Mukhang mahalagang tao siya… 

Aish! Ba’t bigla akong na-curious? Ano namang mapapala ko nito?

Kumain na muna ako bago umalis. 

}Queen Of Mercy Hospital{

Magkasabay kaming pumasok ni Mike sa kuwarto ni Lola. 22 years old pa lang siya kaya siguro ayaw niyang tinatawag ko siyang Kuya kasi hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Siya ang private nurse ng Lola ko.

“La, andito na po si Rij.” –Mike.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinugod ko ng yakap si Lola. Yinakap ko siya ng mahigpit na parang isandaang taon kaming hindi nagkita.

Tinapik-tapik niya ang likod ko. “H-hindi ak-ko ma-makahinga apo.” *cough.

Niluwagan ko ang pagkakayakap sa kanya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

“I’m sorry la… I’m so sorry…”

“Ayos lang apo... Hindi naman ako mamamatay sa yakap...”

Hindi na ako nagsalita. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Binalak kong iwan siya… 

Umupo ako sa silya na nasa tapat ng higaan niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

“Huwag mo po akong iwan la ha… hindi ko po kakayanin yon…”

Naramdaman kong hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ko.

Hindi siya nagsalita pero nginitian niya ako. Ayoko nun… hindi naman oo ang ibig sabihin ng ngiti eh. (y_y)

Bumukas yung pinto tapos may pumasok na mama— ay, ang anak pala ni Lola. Tss.

“Kumusta ang lagay mo ma?” 

Lumapit siya kay Lola at hinagkan ito sa noo.

Tumayo ako at aalis na sana pero tinawag ako ni Lola.

“Andito ang Papa mo Rij. Hindi mo man lang ba siya babatiin?”

Gusto kong sumagot ng ‘hindi naman ako ang pakay niya eh. Tsaka hindi din naman niya ako binati so quits lang kami. Kaso baka pagalitan ako ni Lola at baka sumama pa ang lagay niya. Urgh! 

Hinarap ko yung lalaki. “Good morning po. Uuwi na po muna ako. May nakalimutan po ako sa bahay.”

Sheet ang galang ko! Hahaha :D nasa harap ni Lola eh.

Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Aalis na ako.

Nakalabas na ako sa pinto nang may bigla akong maalala. *Balik sa loob.

Humarap ako doon sa malaking mama at inilahad ang kamay ko sa harap niya. 

“Wala akong pamasahe. Ay mali. Wala na talaga akong pera.”

Mag-iisang minuto yata na nakatingin lang siya sakin bago niya kinuha ang wallet niya at bumunot doon ng limang 1000. 

Aangal sana si Lola pero sinagot niya. Ayos! (^_^)

“Lamats! Alis nako!”

Kapal ng mukha eh noh. Hihi (_ _v) eh mayaman naman siya eh. Barya lang siguro to sa kanya. Hindi lang kami magkasama pero sinusustentuhan naman niya ako ng mabuti. Kaya kita niyo, cool lang ako sa kanya. Kumbaga, ang mga natatanggap ko sa kanya ay parang suweldo ko sa pagiging anak niya. Mwahahahahah XD

At umalis na talaga ako.

Nasa hintayan na ako ng bus nang may biglang nagsalita mula sa likod ko. Si Mike.

“Hindi naman dadaan sa bahay niyo ang bus ah.”

Lagot na. Baka magsumbong kay Lola to.

Ah, bahala na. Napakamot ako sa ulo. 

“Sandali lang naman eh.” 

Nakita kong papalapit na ang bus. 

May sinabi siya pero di ko na naintindihan. Inintindi ko yung pakikipag-unahan sa mga ibang pasahero na makapasok.

Haaaay… mabuti na lang at may naupuan pa ako.

(o.o) “Oy! Bakit ka nandito?!”

Napatakip agad ako ng bibig. Mukhang napalakas yung pagkakatanong ko. Nagsitinginan yung mga tao eh. Kasi naman… ba’t siya sumunod?

Nakatayo siya sa harap ko. Wala na kasing upuan. 

“Ang Lola mo mismo ang nagsabi. Samahan daw kita.” 

Aish! Kahit kalian talaga…

“Nurse ka ni Lola. Hindi bodyguard ko. Siya dapat ang binabantayan mo.”

“Nakalimutan mo yata. Hospital iyon. Nawawalan na nga ako ng kuwenta don. At isa pa, nandon naman ang papa mo. Narinig ko pa, doon na daw siya sa bahay niyo titira para mas maging mabuti daw ang lagay ni Lola.”

“Whaaaat?!”

Nagsitinginan ulit yung mga tao sakin. Pasensya naman. Nakakagulat naman talaga eh...

Anyways, hindi na mahalaga ang mga yon. May isang tao na lang akong kailangang puntahan. Pagkatapos non, wala na akong ibang dapat na alalahanin pa… aalis na ako. Aalis na talaga ako…

May pera na ako eh. Hihi (^_^) 

“Ano’ng iniisip mo?”

Ay palaka! Nanchichismis daw ba? Hindi ko nga pinansin. Hindi na din naman siya nangulit. Good (y).

Sanay na naman sakin iyan. Magtatatlong buwan na kaming magkasama sa bahay bilang stay-in private nurse siya ni Lola pero hindi ko maalalang nagkausap na kami ng matino. Kungsabagay, sabi nga niya dati, hindi daw ako matinong kausap. Pssh.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Mabuti na lang pala at sumama siya. May tagapukaw ako. Hihi.

----------------------------------------------------

The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon