"Oo! Kahit pumatay pa ako ng tao gagawin ko! Maangkin ko lang si Jerome! Tutal, mamamatay din naman tayong lahat dito eh! Ade papangunahan ko na!" Birada ko sa kaniya.

"Naku Grace, hindi ko na alam ang gagawin sayo! Mag-isip ka nga ng mabuti!" Wika niya habang nakasabunot ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang buhok at agad na nilisan ang aking kwarto.

"Tama ka Kian, kailangan ko ngang mag-isip. Kailangan kong mag-isip kung paano ko makukuha ang puso ni Jerome. Haha!" Wika ko habang kinakausap ang aking sarili sa salamin.

"Baliw ka na nga." Wika ng isang tinig na nasa madilim na sulok ng aking kwarto.

"Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Malamang sa pinto, alangan namang tumagos ako sa pader diba?" Pamimilosopo niya.

"Okay pasensiya na, hindi ko lang naramdaman ang presensiya mo." Ani ko at nilapitan siya.

"Gusto mo ba talagang maangkin si Jerome?" Tanong niya habang nakahalukipkip at nakasandal sa may pader.

Wow ah, may plano siya. Willing talaga siyang tulungan ako? Pero bakit? Ahh basta, mukhang makakatulog siya sa akin kaya go!

"Oo naman!" Masaya kong paghahayag sa kaniya.

"Kung ganun, follow me." Aniya at lumabas na siya ng pinto.

Dahil sa kasabikang malaman ang kaniyang plano, hindi ako nagdalawang-isip na sundan siya.

Nakarating kami sa may kusina. Naghanda siya ng makakain naming dalawa.

"Mas masaya kung may kinakain tayo diba?" Aniya at nilapag sa lamesa ang gelatin at juice mula sa ref.

Ano kaya ang reason niya kung bakit niya ako gustong tulungang makuha si Jerome? May galit ba siya kay Nikka?

"Umpisahan na natin." Wika ko at naupo na kami at nagsimula na.

"May sama ng loob ka ba kay Nikka kaya mo ako tinutulungan?" Tanong ko habang kinakain yung gelatin.

"Malalaman mo rin mamaya. Basta, kay Jerome muna tayo magfocus." Wika niya at uminom na siya ng juice.

"Ok!" Wika ko. Nakaramdam ako ng uhak kaya minabuti kong uminom muna ng juice.

"Nakakarefresh talaga ang fresh orange juice." Wika ko matapos kong lagukin ang laman ng aking baso.

Maya-maya pa, nararamdaman kong umiikot ang aking paningin at nagmistulang blurred ang paligid.

"Jerome." Wika ko habang nakahawak sa aking noo dahil nahihilo na rin ako.

"Oops, sorry!" Wika niya at nawalan na nga ako ng malay.

Nagising ako na nadilim ang paligid. Tanging liwanag lamang sa labas ang nagbibigay ilaw sa kinaroroonan ko ngayon.

Batid kong nandito ako sa may bodega dahil makikita mo ang mga lumang gamit sa paligid at ang bawat gamit na makikita mo ay mayroong bahid ng dugo.

"Oh no! Oras ko na ba? Ako na ba ang isusunod ng killer?" Tanong ko sa aking isipan habang ako'y naghuhurumintado sa aking kinauupuan.

Hindi ko maikilos ang aking katawan at paa, malamang ay nakatali ako upang hindi ako makawala.

"Gising na pala ang mahal na prinsesa." Wika niya habang may hawak-hawak na dalawang tinidor.

Ano gagawin niya doon? Ayun ba ang gagamitin niya pang-patay sa akin? Haha!

"Walang hiya ka! Niloko mo ako! Akala ko ay tutulungan mo talaga ako. Noon pala, iisahan mo lang ako para ako'y kumagat sa bitag mo!" Wika ko na halos maputol na ang aking litid sa kasisigaw.

"Pwes, sinong tanga? Ade ikaw! Nagpaloko ka naman haha! Kung sabagay, hindi ka nag-iisip mabuti, utak ibon!" Pangungutya niya sa akin.

Naghihimutok na ako sa panglalait niya sa akin pero wala akong magawa kundi ang ngumawa.

"Papatayin kitang hayop ka! Pagsisisihan mo ang lahat ng ito!" Pagbabanta ko.

Tumawa lang siya na parang nanunuya kaya sa huli, ako pa rin ang talo.

"Sorry Grace, mukhang ikaw ang mauunang mamamatay sa ating dalawa eh haha!"

"Halang na ang iyong bituka! Kampon ka na ng kadiliman!" Sigaw ko.

"Sa pagkakaalam ko, mas masama ka sa akin. At hinding-hindi ko papalampasin ang ginawa mong pagtataray sa akin habang pinandidilatan mo pa ako ng iyong mga mata." Wika niya habang nilalaro ang hawak niyang tinidor.

"At dahil lang doon ay nainis ka na?"

"Oo, kaya oras mo na para mamaalam sa mundong ito." Wika niya na poot din.

Lumapit siya sa akin at itinutok ang dalawang tinidor sa aking leeg.

"Pero bago ko wakasan ang iyong buhay, gusto ko munang ipaalam sayo na mag-on na sina Nikka at Jerome kaya talo ka na."

"No!" Sigaw ko.

"Maglaro muna tayo." Wika niya na aking ikinakaba.

"Huwag!" Sigaw ko.

Itinutok niya ang dalawang tinidor sa aking magkabilang mata, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

"Ahhh!" Napasigaw ako sa sakit ng kaniyang ibaon ito sa aking mata.

Mas lalo akong napasigaw ng dahan-dahan niya itong iginalaw ng sabay. Dinukot niya ang aking mga mata gamit ang tinidor.

"Hahaha! Kawawang nilalang, gusto mo bang ipadala ko ang iyong mga mata sa Maynila para idonate sa nangangailanga?" Aniya na tuwang-tuwa sa kabalbalan niya.

Hindi ako makasagot sa kaniya dahil puro pagdaing lang ang aking ginagawa.

"Tatapusin na ba natin ang paghihirap mo?" Aniya na masyado na yatang naliligayahan.

Wala na akong makita. Tanging pagtawa niya lang ang halos namamayani sa lugar na ito.

"Goodbye Grace.. see you in Hell!" Wika niya at naramdaman kong tumarak ang dalawang tinidor sa aking leeg.

"Talunan ako." Ang huling salitang aking nabanggit bago ako tuluyan mawalan ng hininga.

Killer's POV

Oh well, pasensiyahan na lang. Ginalit mo ako masyado eh. Hindi naman sana kita papahirapan pero sumosobra ka na. Akala mo kung sino.

Letter E, ligpit na rin! Sino na kaya ang isusunod ko?

Basta, maganda kung sosorpresahin ko ulit sila bukas haha!

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon