Chapter 4

9 1 1
                                    

"Lola. Pwede namang ako na lang eh. At tsaka mainit po oh. Sa loob na lang po kayo." Pigil ko kay Lola bago pa makalabas ng bahay.

At isa na namang kurot ang natanggap ko mula sa kanya. Shaks. Masakit eh. Hampas na lang sana.

"Hindi mo yun kaya mag-isa!"

"Pero Lola.. Aww!"

"Matagal ko nang ginagawa to. Kailangan mo nang gabay. At mas malakas pa ako kesa sayo." sermon nito sa akin. Wala na akong nagawa nang makalabas na ito.

"Pero tayo lang po bang dalawa Lola?" Binuksan ko yung payong na hawak ko. Alas otso ng umaga palabas kami ng bahay.

"Bakit? May inaasahan ka pa bang iba?" Nakangiti na naman niyang sambit sa akin. Hindi ko napigilang akbayan ito. She's teasing me as if we're at the same age.

"Kasalanan niyo, Lola. Nacurious ako sa sinabi niyong 'There's more of them'. Kaya naisip ko, baka tutulong sila ngayon kasi sabi niyo mamimeet ko sila mamaya. Hindi naman sa excited akong makita sila ha.  Ayoko lang mapagod kayo."

"Yes at nandito na tayo." I closed the umbrella at bumungad sa akin ang malawak na orangery ni Lola. Sa bandang likod lang ito ng mansion niya.

It's a beautiful sight dahil sa maberde nitong kulay but aside from that, may mga bunga ito and it became more beautiful to watch. We're going to pick oranges today but I bet hindi namin matatapos agad to. Like I said, malawak siya.

Inayos ko ang suot kong sumbrero at sinundan si Lola nang magsimula itong lumapit sa tanim niya. Binigyan niya ako ng gunting used for harvesting the oranges. Tinuruan niya ako kung paano pumitas ng maayos then hinayaan na niya akong mag-isa sa pwesto ko. Nagpaalam siyang may kukunin lang siya sa bahay. Sinabi ko pang samahan ko na siya pero I take it back dahil hawak nito yung payong. Baka hampas na talaga abutin ko... gamit ang payong.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas. Napuno ko na rin yung dalawang timba ng oranges. Tumayo ako at nag-inat. I groaned when I heard my backbones crack a bit. Oh damn. So stiff. Nag-inat pa ako ng ilang minuto. Kinuha ko yung dalawang timba para ilagay muna sa mas malaking lalagyan.

As soon as I stood up while holding the oranges, I heard a rustling sound sa likod ko. I froze.

"L-lola?" I slowly turned my head para tignan kung ano yun. Pero tumambad lang sa akin yung oranges.

"Pakiusap Lola. Ikaw ba yan?" I heard a rustling sound again and I'm there's something or someone sa likod ng oranges. I saw the leaves move so I'm sure of it. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

My mind knew. Lola won't tease me like this. She won't do this. Hanggang hampas at kurot lang siya sa akin. But I still keep on calling her.

"Lola hindi nakakatuwang magpakahorror habang tirik na tirik ang araw!" I threw an orange sa direksyon kung saan may gumalaw and I heard a groaned.

"Damn it! It's a human. Who are you?!" Anng tangi kong nasambit. Umatras ako hanggang sa maramdaman ko ang halaman sa likod ko. Nakatingin lang ako doon.

I can sense that there's something coming that's why I intently looked at the bush. I won't let any movements passed by. I held the buckets of oranges tightly pero nawala yun sa atensyon ko nang may sumisigaw ng "Hoy Sparrow! Saan ka na naman lumipad?!". It's Jisung pero hindi ko siya makita.

And did he just say Sparrow? Ibon? Is that his pet? Could it be? No. I heard a groaned. Imposibleng ibon tong nagtatago ngayon sa harap ko.

But because of curiosity nilapitan ko yung direksyon na yun. Maybe it's really a bird. Masyado lang siguro akong naparanoid.

Nang makalapit na ako doon ay biglang may lumabas.

"Rawrrrr!" Tumambad sa akin ang isang... tao. He's wearing a black wig with a bandana. His expression... he's smiling and his snaggletooth is peeping. I look down. He's topless.

"AAAAAAAAHHHH!" Lumayo ako sa kanya habang sumisigaw. Pero natapakan ko yung timba ng oranges and lose my balance kaya napaupo ako sa lupa... or not cause I don't feel any lupa. I just feel something is holding my waist and my hands resting on something... hard? I immediately open my eyes and bumungad sa akin ang mga kamay kong nakahawak sa dibdib niya. I pushed him because of embarassment.

"Put on s-some clothes you p-erv...perverted bird!" I shouted habang tinatakpan ko ang mga mata ko. It's a good sight and I don't really wanna miss that pero nabigla ako and I can't be that bold to strangers. Yes. I'm playing innocent. Damn it.

I heard him laughing like crazy. Pero naging tahimik after that. I waited for 3 minutes hoping na nakadamit na siya.

"Nakadamit ka na diba?" tanong ko habang nakatakip pa rin yung mga mata ko.

"Yeph." Tinanggal ko yung mga kamay ko at binuksan ang kaliwang mata ko. I saw him wearing a shirt kaya nakahinga ako ng maluwag. Mataman ko itong tinignan. He's still wearing the wig and bandana. I'm nearly laughing dahil sa itsura nito pero ayokong bumigay. I just gave him a what-did-you-just-do look.

Tumingin lang din siya sa akin then he stepped forward while showing his snaggletooth. He looks too good with that tooth. As he's getting closer sa kinaroroonan ko, tinanggal niya yung wig at bandana niya.

I gasped in disbelief when his red hair came out. He's the one from yesterday. The one on the lawn. The one with deep voice.

He stopped in front of me. I look at his face. And I just saw another handsome face in this area.

"Ba't puro gwapo ang nakikita ko rito?" Did I just say that loud? Nahiya ako bigla kaya nahampas ko yung bibig ko.

He smirked dahil sa sinabi ko. My heart is going crazy because of this.

"I'm Woojin. Park Woojin and I look like a sparrow." Doon ko lang narealize na he really resembles one. He offered his hand to me. Since maayos naman itong nagpakilala, I gladly offered my hand too pero nang akmang hahawakan ko na ang kamay nito ay bigla nitong binawi. Napanganga ako sa ginawa nito pero he just keep on laughing again.

Medyo nahiya ako kaya hinayaan ko na lang siyang tumawa at nagpulot nung oranges na nagkalat dahil kanina at muntik ko namang maibato yung mga orange when he squatted beside me and offered a fistbump.

"What?" takang-taka kong tanong. "Are you going to punch me?"

"No!" He denied strongly. He became flustered and he's being cute right now. "I...I'm sorry for kanina." He scratched the back of his head while looking away.

"Pfft. Namumula ka." Nahiya itong tumingin sa akin at sumilip na naman ang snaggletooth nito. He offered a fistbump again.

"So, uulitin ko. I'm Park Woojin. Don't forget it." Hindi ko na napigilang mangiti dahil sa itsura niya ngayon. He looks playful kanina but he's really something when he's shy. Tinanggap ko ang fistbump nito.

 Tinanggap ko ang fistbump nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I''m Nabelle. Your snaggletooth looks good on you by the way." I smiled at him. Pero napangiwi ako nang biglang sumakit ang ulo ko. Something's gonna flashed on my mind again. It's a boy running around with soccer ball but the background is dim. Bago pa lumala yun ay marahan kong sinampal ang pisngi ko. Alam kong nagulat siya pero I just smiled.

"Don't worry. It's a habit---"

"Hey! Woojin Park! Anong ginawa mo kay Nabelle?!"

To Be Continued.

Do you Remember?Where stories live. Discover now