Chapter 3

8 1 0
                                    

Nawala ang ngiti nila sa tanong ko. Nagtinginan sila at nagsesenyasan gamit ang mata at bibig nila.

"Why do you look so serious?" I said while I remained serious on the surface pero sa loob-loob ko gusto ko nang matawa. "I'm just asking how did you know my name."

"Hyung. She's asking you a question. You answer." Tinulak-tulak ni Jaehwan si Jisung para lumapit sa akin.

"Bakit ako lang?" Bulong nito sa kanila pero rinig ko naman. Pilit siyang nagpipigil sa tulak ni Jaehwan at lingon ng lingon sa kanila.

"Because you're our Lea-I mean, HYUNG. Our oldest." Diniinan ni Minhyun yung hyung pero hindi nagpatinag si Jisung.

"Ganun? Dahil ako... pinakamatanda ganun?"

"Oo hyung!" sabay nilang dalawa.

"Feel my wrath after this you brats."

Nang tumingin na siya akin ay napalitan ang mukha nito ng ngiti. He's smiling but I can see he is nervous. What's with them?

"Ah. Kasi ano...Uhm." I can see his lips slightly pouting while searching for his words.

"Anong nangyari sa apo ko?" Napatingin kaming apat sa pinto at niluwa nito si Lola. Makikita ang pag-aalala sa mukha nito at mukhang tumakbo papunta rito.

"Lola!" Linapitan ko siya at inalalayan papasok sa kwarto. "Bakit kayo tumakbo?"

"Ah! Oo! Si Lola!" sigaw nilang tatlo.

"Ha?" Nagtaka ring lumingon si Lola sa kanila.

"Nasabi ni Lola sa amin pangalan mo. Diba Lola?" buong ngiting tanong ni Jisung kay Lola.

"Ako?" sagot ni Lola. "Baka nasabi ko kay Minhyun kanina nung tinawagan ko."

Nakita ko naman ang paghinga nila ng malalim. Narinig ko pa ang pagbulong ni Minhyun ng "Everyone say thank you to Hwangtimental." They're hiding something from me.

"Anong nangyari sayo, apo?" Nabaling naman ang atensyon ko kay Lola. Napangiti ako sa pagtawag niya sa akin ng apo. We're not even relatives but she's making me feel she's my grandmother.

"Okay lang, Lola. Sumakit lang po ulo ko." I smiled as an assurance to her. Ngumiti na rin naman siya at hinaplos ang buhok ko. Pero halata ko pa ring nag-aalala siya. Mataman pa niyang tinignan ang tatlong nasa harap namin. Wari'y may pinaparating sa kanila na ako lang ang hindi nakakaalam.

---

Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga. Tumingin ako sa bintana. Madilim na.

Pagdating ni Lola kanina, umuwi na rin yung tatlo. Inalok pa sila ni Lola na dito na sila mag-dinner pero sinabi nilang babalik na lang sila bukas dahil baka hinahanap na sila sa kabila.

Though dalawa lang kami ni Lola kumain, masaya pa rin dahil marami kaming nakwento sa isa't-isa. Kahit panandalian, nakalimutan ko ang mga nangyari kanina.

Nilibot ko ulit ang tingin sa kwarto. I love how they organized everyting neatly. On the corner, in front of the bed, I noticed the painting hanged in there. I don't know if it's a painting or just a printed one but I can see rectangles just randomly pasted on each other. There's pink, sky blue, violet, and such.

Hindi ko maintindihan kung anong ang meaning ng picture. Well ganun naman minsan ang mga arts, the abstract ones. Though you can't understand the meaning of it, the artist did it with a meaning so it's just a matter of how you deduce something from a picture. It's you who gives meaning unto it. Maybe, a different meaning from that of the artist.

Aalisin ko na sana ang tingin ko sa picture but I noticed something from its sides. Bumangon ako at lumapit doon.

Nag-iisa lang ang picture sa corner na ito. No other things. It's a plain white wall with the picture at the center. But the one thing I noticed is that, I can see some crack lines from its both sides. I traced the line from the bottom until I realized it formed a big rectangle. As big as a.... door.

Do you Remember?Where stories live. Discover now