Ninth Entry: Hopelessly Reaching You

162 17 7
                                    

Chapter 1 –Addicted to a Boy in the Television

"Ate, Ate! The Voice Kids na! Uwaaaa! Dali, 'yung TV i-on mo na." sabi ko habang nagbibihis.

Kakagaling ko lang kasi sa CR at katatapos ko lang maligo.

"OO NA. Kyaaaaaa! Si Darren ang nauna!" tili niya habang naka-upo na sa harap ng TV.

Si Ate, one year lang ang tanda niyan sa'kin kaya gan'yan 'yan umakto. Parehas kaming palatili. Haha.

Pumwesto na rin ako do'n sa harap ng TV.

"Kyaaaaaa! Ang gwapo ni Darren! Kyaaaaaa!"

Uwaaaaaa! Nakakabingi na ang ate ko. Wala pa kasi 'yung bias ko eh, hindi pa nagpe-perform. Mamaya kapag siya na, dadagundong ang bahay sa sobrang lakas ng tili ko.

"Love, ang gwapo ni Darren! Kyaaaaa! Bakit kaya?" pagtatanong niya sa'kin habang kinikilig.

"Kyaaaaaaa! Ewan ko rin!" sagot ko naman habang kinikilig din.

Basta, tungkol sa mga gan'to magkasundong-magkasundo kami ng ate ko.

"Loooove! Kyaaaaaa! Si JK naaaa!" patili na sabi niya sa'kin habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ko.

"Kyaaaaaaaaa! Oo, alam koooo! Sheeems, ang gwapo niyaaaa!" patili din na sabi ko tapos sinabunut-sabunutan ko siya.

"Kyaaaaaaa!" tili naming dalawa nung nag-duet sila.

Grabe, nagwawala na kami dito sa loob ng kwarto namin.

Hindi ko alam kung dahil ba sa kagwapuhan ni Juan Karlos ako naaattract o sa boses niya o sa personality niya.

"Love, si Tonton na 'yung kumakanta." sabi sa akin ni ate.

Ang cute-cute din nito ni Tonton eh.

Pero mas cute at gwapo pa rin si JK. Meehee.

"Kyaaaaaa! Si Darren na ulit!"

Okay, kinilig na ulit ang ate ko.

"Kyaaaaaa! Si JK ko! Uwaaaaa!" tili ko naman nung kumanta ulit si JK.

Natahimik na din kaming dalawa ni ate nung tapos nang mag-perform 'yung tatlo. Nasa top six na kasi ng The Voice Kids 'yung pinapanood namin. 'Yung kinanta nila ay "One Way or Another ng One Direction".

Hindi ko talaga alam kung bakit gustong-gusto ko si JK. Halos lahat kasi nasa kaniya na eh; magandang ugali, gwapo, cute, potensyal sa pagkanta at palabiro. Lahat ng gusto ko sa lalaki inangkin niya na pero nagtataka pa rin ako kung bakit hindi ko ma-identify kung bakit ko siya nagustuhan. Basta nagising na lang ako na may gusto na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit o paano. Kaya pati ako sa sarili ko, nagtataka kung bakit.

Humiga ako sa kama namin saka ko kinuha ang cellphone ko.

Isang pindot mo lang, si Juan Karlos na agad ang bubungad sa'yo. Ang saya 'di ba?

"Ate, sabihin mo kapag The Voice na ah." sabi ko kay ate habang nakatitig sa mukha ng lalaking gustong-gusto ko.

Minsan naiisip ko, ang swerte-swerte ng magugustuhan ni JK dahil sobrang total package na talaga siya para sa'kin.

Kaya nga kapag naiisip ko 'yung picture na nakita ko sa facebook, 'yung magkayakap silang dalawa ni Stacy, hindi ko maiwasang mainggit kay Stacy kasi nayakap niya si JK.

Laging nasa isip ko, JK. Hindi 'yan nawawala. Ewan ko nga din sa sarili ko kung bakit hindi siya napapagod kakatakbo, kasi 'yung isip pati puso ko, pagod na.

Pen Of The Year (Novel Writing Contest) (2014) (ORDER IS NOW OPEN!) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora