Second Entry : Erstwhile Amity

258 13 4
                                    

CHAPTER ONE: Miles Stone

Bumuhos ang ulan.

Hindi siya nakapagdala ng payong dahil inakala niyang aaraw sa buong araw.

Kaninang umaga, lumabas ang haring araw na nagbigay sa kanya ng pahiwatig na magiging maganda ang araw na ito. May kaso siyang inaasikaso mga dalawang taon na. It was a tough case for her. She was the attorney at the defendant side trying to defend her innocent client. Well, she never loses a trial.

Miles Stone never loses a trial.

However, itong kaso na inaasikaso niya ay medyo komplikado. Marami na siyang napagdaanan na ganito rin ang kaso, pero iba ang isang ito.

It was a case about love and commitment.

The husband was accused of killing an old man. The case was almost on an edge when she found out that the opposing side has threatened the husband. Pinagbantaan ang asawa na kapag hindi siya umamin na siya ang pumatay sa matanda, sisirain o papatayin nila ang mga anak nito. Scared, inamin niya ang kasalanan na hindi naman niya ginawa.

When Miles learned about it, she fought back. Hindi dapat gumamit ng dahas!

“NO! We must fight back! Wala kang kasalanan,” sabi niya kay Philip, ang kanyang kliyente.

“Hindi... Mahal ko ang pamilya ko. Hindi na ako lalaban,” sabi nito sabay upo sa upuan.

“Kung mahal mo talaga ang mga anak at asawa mo hindi ka susuko! Hahayaan mo nalang ba ang mga anak mo na lumaki na walang ama?”

“Pero- Paano ang kaligtasan nila? Mas mabuti pang kilalanin nila akong kriminal kaysa manganib ang mga buhay nila!”

“Hindi yun pwede, Mr. Philip. Kaya nga nandito ako para tulungan ka. How can we win this case kung hindi ka makikipagtulungan sa akin? We have been fighting for two years then mauuwi nalang sa wala?”

“Pero...”

“Think of the consequences, Mr. Philip. Ano nalang kaya ang mangyayari kapag walang kinilalang ama ang kanyang mga anak.”

With those words, she motivated him to fight back. Nobody must sacrifice. Kaya ang nangyari, nanalo sila sa kaso. At dahil sa pananakot, nagsampa sila ng kaso sa kabilang panig.

It was just she was very happy to the husband.

Hindi niya lubos maisip na dahil lang sa pag-ibig kaya mo nang isakripisyo ang lahat. You will do EVERYTHING just to protect your love ones. Kahit ang kapalit nito ay ang iyong kalayaan.

If only she can also have the same husband.

For twenty eight years of existence, hindi pa nagkaroon ng asawa o kahit kasintahan si Miles. Hindi naman siya pangit para iwasan ng mga tao. Matalino naman siya kaya nga naging lawyer siya. May kaya sa buhay, sa totoo pa nga siya ang nagpapaaral sa mga pinsan niya.

“Nobody beats first love.” Sabi pa nga ng best friend niya.

Tama.

Maybe that is the reason.

Napaiwas siya sa dumaan na sasakyan sa tabi niya. Lumakas pa ang ulan at halos bumaha na sa kalye. Dahil nga sa hindi niya nadala ang payong niya, basang basa na siya ngayon. Nasa isang waiting shed siya, mag isa.

Bahala na, sambit niya.

Nararamdaman niya ang lamig dala na rin ng ulan na may kasamang hangin. May kalayuan ang condo na tinitirhan niya kaya siguro maghihintay nalang muna siya ng ilang oras. Kailangan munang humupa ng ulan para maka uwi siya. Besides, nobody will be angry if she will come home late.

Pen Of The Year (Novel Writing Contest) (2014) (ORDER IS NOW OPEN!) Where stories live. Discover now