Eight Entry: The Teacher In Bed

123 4 2
                                    

Chapter 1

 

DIANNE’S POINT OF VIEW

“Jake!” Sinalubong ko kaagad ng yakap si Jake nang makita ko siyang inaabangan ako dito sa labas ng pinagtatrabahuhan ko. Ngumiti siya saakin at hinawakan ang kamay ko. And with his simple movement, I blushed and instantly squealed. Aminado akong guwapo ang boyfriend ko sa suot niyang red long-sleeved polo matched with jeans, at sino ba naman ang hindi kikiligin kapag ganito kaguwapong nilalang ang magpapakilig sa’yo?

“Hon, what are you thinking?” Naramdaman kong pinisil ni Jake ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko man lang namalayan na naglalakad na kami patungo sa parking space.

“Iniisip ko lang kung gaano ako ka-suwerte dahil saakin ka napunta.” Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakaakap ako sa braso niya at sabay muli kaming naglakad.

“Dianne, alam mo, ako pa kaya ang masuwerte dahil nasaakin ka. Alam mo namang marami ang nagkakagusto sa’yo, ‘di ba? Yet ako ang pinili mo out of those hundred men waiting for you,” I smiled with his statement. Hindi na ako nagsalita ngunit hinigpitan ko ang pagkakaakap ko sa braso niya.

We walked our way into his car silently but that silence is in the good way. Ibang klase ang katahimikan namin… parang ang gaan sa pakiramdam. And it makes me happy. Tumingin ako kay Jake at kinabisado ko ang features ng mukha niya kapag naka side view, his jaw, pointed nose, pink pouty kissable lips, long straight eyelashes, those thick arched eyebrows, his long hair. Ako ang maswerteng nakabingwit kay Jake dahil maraming naglalaway sa kanya, gaya ng mga babaeng nadadaanan naming ngayon. Titig na titig kay Jake at bahagya pa silang nakanga-nga at kahit anong oras pepwedeng tumulo ang laway nila.

Hindi ko nalang sila pinansin kahit ang sarap-sarap dukutin ng mga mata nila.

Nang makarating kami sa sasakyan niya, pinagbuksan niya ako ng pintuan and it made me smile wide. Kahit kailan talaga napakagentle man nitong si Jake. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako pumasok at nakita ko siyang namula at napangiti. I giggled.

“Kukunin ko mamaya ang ninakaw mo.” And he showed his wicked grin. I raised a brow at him pero I can’t hide my smile. There’s a part of me na kinakabahan yet there’s a part of me na excited sa maaaring manyari. But there’s a problem, hindi ko alam ang gagawin ko. I can kiss but I can’t do it. Hindi naman sa wala akong alam but I seriously don’t know what to do.

Narinig ko nalang ang pagsara ng pintuan ng driver’s seat kaya napabalik ako sa ulirat. Binuksan ko ang radio sahil medyo naiilang ako dahil sa naisip ko. Alam ko namang yung halik ang sinasabi ni Jake pero naiimagine ko na lalagpas kami doon eh. Nararamdaman kong, we’ll cross the line sooner or later. At ayokong mangyari saamin iyon na wala akong kaalam-alam sa gagawin.

I don’t want to watch pornography dahil masyadong dugyot at ayokong mag-assume na ganun kahaba yung kanya, we’re Asians at alam kong most of the Asians hindi umaabot ng 8 inches ang haba.

“Hon, what are you thinking? Bakit nag-bublush ka?” Kinagat ko ang labi ko at mabilis na umiling. Narinig kong tumawa siya ng mahina kaya tumingin ako sa kanya ng masama. But instead na matakot siya, lalo pa siyang napangiti.

“If you’re thinking na gagawin natin yun, don’t worry, kiss lang ang hihingin ko sa’yo,” then he winked at me. Lalo akong namula dahil sa ginawa niya.

Oh my god! Buti nalang! Buti naman!

Huminto kami sa isang restaurant at bumaba si Jake. Nangunot ang noo ko dahil we haven’t scheduled out date today. Ang alam ko kasi sa Sabado pa iyon at Biyernes palang ngayon. Pinagbuksan ako ni Jake ng pinto at tinanong ko siya kung bakit kami nandito.

Pen Of The Year (Novel Writing Contest) (2014) (ORDER IS NOW OPEN!) Where stories live. Discover now