💙Chapter: 28💙

Start from the beginning
                                    

"Mabuti pa ngang umuwi na kayo" wala sa sariling sambit ni Kiel habang nananatiling nakatingin sa kawalan, medyo nanibago nanaman ako sa kinikilos nya,kanina lang masaya sya pero pagkatapos lang ng sinabi ni lea, nag iba na ang emosyon nya

"Sigurado ka bang ayos ka lang Kiel? Pwede naman akong manatili pa saglit dito kung may kail-"

"You should go, I can handle myself!" Maotoridad nyang sabi, pareho kaming natahimik ni Lea at nagkatinginan, nakakapagtaka talaga ang kinikilos nya ngayon, galit ba sya?

"Si-gurado ka ba?" Hindi na sya sumagot, winasiwas nya lang ang kaliwang kamay hudyat na pinapaalis na nya kami sabay pikit ng mata.

Napasimangot ako sa ginawa nya, bakit sya biglang nagbago ng pakikitungo sakin?, wala naman akong ginawang mali ah, naramdaman ko ang pagtapik ni Lea sa balikat ko kaya nilingon ko sya,

Sinenyasan nya akong lumabas na ng kwarto, kaya tumango lang ako at saglit na humarap kay kiel "o sige ingat ka dito ha, babalik na lang kami bukas.........goodnight!" Paalam ko bago kami tuluyang lumabas ng kwarto.

Habang naglalakad kami ni Lea pababa ng lobby huminto ako sa paglalakad, napansin din ni Lea kaya huminto sya at humarap sakin "bakit huminto ka may nakalimutan ka ba?" Takang tanong nya

Huminga ako ng malalim at nagpout "kasi naman parang galit ulit sakin si Kiel" wala sa sarili kong sagot at nilaro ang mga daliri sa kamay

Napakunot ang noo nya "oo nga, nagtataka din ako dahil biglang nagbago ang mood nya ng sabihin kong nililigawan ka ni christian, hindi kaya-"

"Oh oh oh tumigil ka kung ano ano nanaman yang tumatakbo sa isip mo" pigil ko dahil alam ko na ang patutunguhan ng sasabihin nya, "bakit Diba nga ganon yun?" Sambit nya kunwaring nag iisip talaga!

"Hay naku Tara na nga umuwi na tayo pagod at inaantok na ako" sambit ko at wala na syang nagawa kung hindi ang sumang ayon sakin at sabay kaming sumakay ng kotse nya pauwi.......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Madaling araw na kaming nakauwi ni Lea galing hospital kasi naman ang dami ng kaganapang nangyare dahil kay lea..... Pero sana lang ok na ulit si Kiel kapag dumalaw kami mamayang gabi sa kanya.

May bago pala sa araw na to bakit? Kasi nagtext sakin si lea na hindi nya daw ako masusundo pero! Sabi nya may ibang susundo daw sakin at hindi sinabi kung sino.

Pag labas ko ng gate muntik na akong mapaatras dahil sa gulat, nakatayo kasi si Christian sa harap ng kotse nya na nakaparada sa tapat ng gate namin.

"Anung ginagawa mo dito?" Takang tanong ko, ngumiti muna sya bago sumagot "sinusundo ka" simpleng sagot nya, napangiwi ako, so sya pala yung ayaw sabihin ni Lea? Baliw talaga sya.

"Ah hehe di mo naman kailangan gawin to kaya ko naman-"

"I insist, dahil suitor mo ako kaya let me do this for you" sambit nya bago binuksan ang pinto ng kotse "ahm sweet mo naman" nahihiyang sambit ko bago pumasok ng kotse, sumakay na rin sya saka pinaandar ang kotse.

Pagdating namin sa school epinark nya ang kotse pero habang ginagawa nya yun tanaw ko ang mga students na nagbubulungan yung iba siguro nagtataka yung iba hindi ko alam kung ano ang nasa isip pero meron ding kinikilig.

Mabilis syang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako "let's go?" Tanong nya at inilahad ang kamay sakin, kaagad ko naman yung tinanggap at lumabas na ng kotse "di mo need na gawin to tingnan mo ang daming matang nakatingin satin"

Sambit ko ng may pagkailang dahil medyo naiilang na ako sa mga taong nakapaligid samin, bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila "let them be, basta sayo lang ako nakatingin" sambit nya

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now