Chapter 5-The Sunglasses

37 1 0
                                    

Author's Note: 

Song - Photograph by Ed Sheeran. Best to listen to it while reading :) Enjoy!

5

"Ate, magkano yang sunglasses na yan?", tanong ko sa saleslady. Pagkauwing pagkauwi ko inisip ko na bumili ng sunglasses. Ang hirap pala pag nababasa niya yung isip mo--at magsasalita siya ng ganon! Pakiramdam ko sasabog na yung mukha ko sa sobrang pula!

"Ah, ma'am eto po ba? 300 po", nakangiting sabi ng saleslady. 

"Pwede pong patry", sabi ko sa kanya. Nakangiti pa din namang binigay ng saleslady sa akin ang sunglasses. 

Tumingin ako sa salamin at tinignan kung tama ba ang pagkatinted ng lens para hindi makita ang mata ko, "Ate, nakikita mo pa ba ang mata ko?", walang kwenta kong tanong. 

Walang kwenta talaga at mukhang timang dahil nagchuckle siya, buti nalang hindi ko na nababasa ang isip nito, baka hindi na ako bumili. "Kung gusto niyo po ng mas tinted, ito po Ma'am. Mas stylish pa po ito. kaso lang po 500 siya"

"Sige patry. Okay lang kahit 500 basta maganda yung lens", sabi ko sa kanya. Nagulat naman ata sakin ang saleslady at binigay niya ito sa akin. Sinuot ko naman ito at tumingin sa salamin. Mukhang ayos nga!

"Bilin ko na po ito", sabi ko sa kanya. Binigay ko na ang bayad ko at umalis kasama ng sunglasses ko. Para na akong timang pero mas mabuti na yung handa! Baka bigla nanamang sumulpot sa harapan ko ang lokong yon.

Sa totoo lang, wala na akong maisip na ibang solusyon para dito. Nagawa na namang mag-kiss ulit, pero walang nangyari. Wala naman akong mapagtanungan dahil ayokong iopen ang topic na ito sa parents ko baka tanggalan na nila ako ng freedom at privileges dito sa Pilipinas.

Nakakaloka!!

Kaya naman pag-uwi ko sa bahay, pinikit ko nalang ang mga mata ko at natulog ng mahimbing.

Akala ko payapa na ang buong araw ko, pero mukhang hindi--ang aga-aga may nagDOORBELL! Tinignan ko kung sino ang nakakalokang taong yun na nang-aabala sa payapa kong araw, pagkakita ko sa screen, nalaglag ang panga ko. 

"Bakit siya pupunta dito!",pagwawala ko. Tinignan ko ang sarili ko at mukha akong mangkukulam. Gulu-gulo ang buhok ko at mukhang basa pa ang pisngi ko. Mabilis akong nag-ayos, at syempre, hindi ko nakalimutan ang sunglasses na kabibili ko lang. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto. 

"Pfft!", tinakpan niya ang bibig niya, pero hindi pa din niya napigilan. "HAHAHAHAHAHAHA! MAY SORE EYES KA BA RHIELLA!", malakas niyang tawa kahit nasa labas pa siya ng condo ko. 

"Wag ka ngang maingay! Pumasok ka na nga don!", sigaw ko sa kanya. 

Hindi pa rin mawala ang tawa niya kahit nasa loob siya. "Ano bang nangyari sayo? Sobra bang maliwanag sa condo mo? O sobra akong nakakasilaw? HAHAHAHAH!"

"Tantanan mo na pwede ba! Tsaka bakit ka ba nandito?", pumunta ako sa kusina para magkanaw ng kape. Nakakahiya naman sa pintasero kong bisita kung wala siyang maiinom. 

"I can't help it! Tanggalin mo na kasi!", tawa nanaman niya. 

"Ayoko nga!", sa sobrang inis ko sa kanya, bumalik ako ng sala at kinuha ang malaking throwpillow para ibato sa kanya. "Wag ka ng maingay, kahit tumawa ka pa dyan, hindi ko to tatanggalin no! Mas safe yung ganito!"

Tinakpan niya ang mukha niya, pero naririnig ko pa rin ang chuckle niya na nahihinaan ng malaki kong throwpillow. Nakakainis! Nakakabaliw ang lalakeng ito! Hindi lang pala dahil nababasa niya ang utak ko, kundi sa ugali niya!! AAAAHHH!

Kinuha ko ang mga kailangan ko sa rack at nakita kong magkatabi ang asin ang asukal. Napachuckle ako. Hmm, tignan natin--

"Oy Grey, eto na yung coffee mo", Nilapag ko ang coffeemug na kulay gray sa mesa. Pagkatapos naman hawak ko ang kulay white na mug. 

"Wow, thank you Rhiella", tinignan niya ako. Ha! Hindi mo mababasa ang naiisip ko no! Akala ko magiging seryoso siya dahil hindi niya nababasa ang isip ko, pero mukhang mali ako. Tawa pa rin siya ng tawa. "Hahahahaha. Sorry, natatawa pa din ako sa solusyon mo Rhiella hahahahah! Ano ba kasing masama kung mabasa ko yung nasa isip mo"

"BASTA! Pakialam mo ba sa fashion sense ko", ininom ko na ang masarap kong kape para kumalma ng kaunti, at para maenganyo siyang uminom. 

"Hahahaha--", sa gitna ng pagtawa niya, ininom na nya yung coffee niya--"PWEEEH! ANO TO! ANG ALAT! AAAH!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!", malakas kong tawa. "Napapala kasi ng mga katulad mo!"

"Ah ganon a", biglang naging seryoso ang mukha ni Grey at binaba na ang kanyang cup. Lumapit siya ng dahan-dahan sakin. 

"Oy a-anong iniisip mo a", nauutal kong sagot. 

"Sa tingin mo ano", sabi niya sa akin ng mahina. 

"AHHHHH!", sigaw ko habang lumalapit siya sa akin at nakastretch ang arms niya. Sinubukan kong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo papalayo sa kanya. Malaki kasi ang condo kaya marami ding space para makatakas!

"Tatanggalin ko yang sunglasses mo!", sigaw ni Grey habang hinahabol ako. Nakaabot na kami sa kusina sa may dining  area malapit sa kwarto hanggang sa nakabalik na kami sa sofa. Napaupo na ako at patuloy na nilalaban ang nakakalokang lalakeng ito. Ginagamit ko ang throwpillow para mapigilan siya--

Pero, yung ngiti ko, hindi ko mapigilan. Yung tawa ko kasabay ng tawa niyang nakakahawa. Para lang kaming bata. 

"BOO!", nahulog ang sunglasses ko dahil sa nakakainis kong pagdadaydream. Nakakainis nahuli na niya ako! "HAHAHAHAHAH! Napapala din ng tulad mong hinahalo ang asin sa kape"

"Nakakainis", nag-shrug lang ako. "Ikaw kasi"

Huminga muna kami dahil parehas kaming hiningal sa paghahabulan. "Teka nga, bakit ka nga pala nandito ng pagkaaga-aga", sabi ko sa kanya. 

"Aalis kasi ako. Baka hindi mo ko makita ng isang linggo", sabi niya sa akin. 

"Oh. Ano naman? Alam ko namang magiging responsible ka sa pagggamit niyan, at mukhang sanay ka na. Habang wala ka, susubukan ko ding maghanap ng solusyon para dyan"

"Rhiella", malamig at nakakabilis ng tibok ng puso niyang sabi, "Tignan mo ko"

"Ayoko nga!", mabilis kong hinablot sa kanya ang sunglasses at sinuot ko ito ulit. 

Nag-sigh siya, pagkatapos ay nagchuckle, "O sige na nga. Gusto ko lang pumunta dito bago ako umalis, maingay na kasi paglabas ko"

"Ano bang gagawin mo?", tanong ko sa kanya. 

"Birthday kasi ng kaibigan ko sa Korea. Baka matagalan pa kami doon", sabi niya sa akin. 

"Kami?", tanong ko sa kanya. 

"Kasama ko sina Philip at si Gracie", sabi niya. 

Hindi ko napigilang magshrug, pero nakasuot pa din ang sunglasses ko. "Ganon ba"

"Sige Rhiella, see you next week", tumayo siya at tumigil siya sa harapan ko. He patted my head at tinignan ako ng maigi sa sunglasses ko. "I'll be back", then he smiled. 

Pagkatapos ay naglakad siya palayo. Tinanggal ko ang sunglasses ko, "Sira..."

Tsk.

The Mindreader's Kissحيث تعيش القصص. اكتشف الآن