The Mindreader's Kiss

151 3 2
                                    

1

"I like you", nakangiti niyang sabi sa akin, "Pwede ba kitang ligawan, Rhiella?"

Ito ang sinabi sa akin ng crush ko kanina. Kung tutuusin isa lang siguro ako sa mga babae na tumitingin galing sa malayo para makasilay sa kanya. Tinitignan ko siya mula sa kabilang building. Ang pagkakaiba ko lang siguro sa mga babaeng yon ay masyado akong naooverwhelm sa prinsipeng ito kaya wala akong lakas ng loob na lumapit sa kanya--at siguro dahil na rin sa isa pang bagay...na ako lang ang makakaintindi. 

At ngayong abo't kamay ko na siya. Ito na rin siguro ang panahon ko. 

Ito na rin ang pagkakataon kong matitigan ang mga mata niya--

Isang tanong ko lang mapapasagot ko na to ng Oo, tapos isang linggo, okay na! Hahaha! Ang galing kaya ng charisma ko sa mga babae. Isang simpleng babae lang naman tong isang to e. 

Sabi na nga ba e. Mas mabuting hindi ko na lang siya titigan. Mabuti nalang na sa malayo ko nalang siya nakikita. Dahil alam ko na sa oras na matitigan ko siya--malalaman ko na kung sino ba talaga siya, kung ano ang nasa isip niya. At POOF! Basag na ang faiytale sa utak ko. 

Ako si Rhiella Loaisa Santibanez, at nakakabasa ako ng isip ng tao kapag tinitigan ko sila sa mga mata. 

Ang sakit di ba? Yung crush ko, ganon lang pala ang tingin sa akin. Ang kapal naman ng mukha niya kung ganon! E ang dumi ng utak niya kung ibabagay mo sa akin, magmumukha sigurong perlas yung akin. Grabe. 

Grabe. Ang sakit talaga ng may ganito...

Siguro ito rin ang dahilan kung bakit hindi lahat ng tao ay binigyan ni God ng kakayahan para mabasa ang isipan ng isang tao. 

Dahil mas masasaktan tayo kung maririnig natin ang nasa loob ng isipan nila kaysa sa marinig natin ang sasabihin nila. Yung mga mababait nilang salita, kabaligtaran pala ng tumatakbo sa isipan nila. Masakit na iba ang naririnig mong sinasabi at sa iniisip nila. 

Mas gugustuhin mo ng magsabi sila ng totoo, kaysa sa isip pa nila marinig ang gusto talaga nilang sabihin. Kahit masakit, mas madali yung tanggapin--dahil sinabi niya sayo ng harapan, kaysa sa iba mo pa marinig, kaysa sa isip mo pa talaga niya malaman. 

Ang isa pang mahirap na bagay ay: maghanap ng lalakeng magugustuhan mo talaga.

The Mindreader's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon