Chapter 3-It's a Small World

46 2 0
                                    

3

"Ang ganda niya talaga. She looks so perfect"

Sinabi niya ito ng malakas sa akin. Kahit na wala na kong kakayahan na basahin ang utak niya, alam kong parehas ang iniisip niya at ang sinasabi niya. 

Pero--

"Siya si Gracie?", tanong ko sa kanya. 

Tumango nalang siya. Nakatingin kami sa isang babae na nakaupo sa cafeteria...sa school kung saan ako nag-aaral. 

"E si Grazielle yan e, Grazielle Torre", sabi ko sa kanya. 

Oo, kilala ko siya, siya lang naman ang babaeng iniisip ng halimaw kong crush. Este, ex-crush pala. Kilala ko si Grazielle, dahil nga rin sa kagandahan niya. Maraming nagkakagusto sa kanya, pero ako hindi ko gusto, minsan ko ng nabasa ang isip niya, at isa rin siya sa mga hindi nabubulok na bagay sa mundo. Kaya pagkatapos non, wala na akong interes sa kanya. Lahat ng mga tao sa school iniisip na mabait siya, pero--syempre...pati itong si Grey. 

Yun ang regret ko. Sana binasa ko na yung isip ni Grazielle nung may kapangyarihan ako. 

Tumingin siya sa akin ng gulat na gulat, "Ayaw niya ng tinatawag siya ng buo niyang pangalan". Bigla na lang siyang tumahimik habang nakatingin sa kanya. 

Alam kong alam na niya ang iniisip nito. Nawala na ang ngiti niya kanina nung nakita niya ito. Yung sparkle kanina na nakita ko sa kanya. Parang nabasag na ang lahat. Pasensya na Grey, iyan ang downside ng nagagawa natin, parang isang fairytale crasher. Kasi nasa isip ng tao ang pinakamalaking kontrabida. Isang dark witch na nagtatago sa isipan ng iyong prinsesa. 

Kahit na gusto kong malaman ngayon, wala na akong magawa. Nakita ko nalang na paparating ang halimaw na lalakeng yon papalapit sa upuan kung saan nakaupo si Grazielle, este si Gracie pala nitong si Grey. 

"Tara Rhiella", sabi niya sa akin. 

"Aalis na ba tayo? Gusto ko na kasing umuwi", sabi ko sa kanya. Wala kasi akong class ngayong araw. Gusto ko na lang magpahinga. Ma-savor ang araw na tahimik ang mundo ko. Hinahayaan na lang na pakinggan kung ano ang naririnig ng mga normal na tao. Masakit din sa ulo, kapag papakinggan mo sila. 

"Nakakainis. Nainlove ako sa isang babaeng ganito ang takbo ng utak. Tanga ba ako Rhiella?", tanong niya sa akin. 

"Oo. Pero ako din naman, nagkagusto ako sa lalakeng yon", sabi ko sa kanya. 

"Siya yung lalakeng halimaw?", tanong niya sa akin. "Eh siya yung kaibigan ko, este, dating kaibigan pala", nagbuntung-hininga siya.

"Ang liit ng mundo di ba", nahawa na rin ako sa buntung-hininga niya. "At mas maingay din ang mundo natin, though, mas tama kong sabihin, mundo mo na--dahil sa mga naririnig mo"

"Masakit man Rhiella", nagbuntung-hininga siya, "Pero, mas gusto kong naririnig yung naiisip niya. Parang torture man--pero mas mabuti na rin to"

"Pwede na ba akong umuwi?", tanong ko sa kanya. Masyado na kasi akong exhausted sa mga nangyayari. Sa mga istoryang nakikita ko kahit hindi ko man nababasa ang isip niya, bakas na bakas naman sa mukha niya. 

The Mindreader's KissWhere stories live. Discover now