Chapter 2-What's with the Kiss?

62 2 0
                                    

2

 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako ganito, kung bakit ako naiiba, kung isa ba itong regalo sa akin ni God o isang parusa—pero alam ko sa sarili ko na may purpose ang lahat ng bagay, hindi ko man alam, pero alam yon ni God. Kaya pinaubaya ko nalang sa Kanya ang lahat ng ito.

Kaya kinaya ko, sinubukan kong kontrolin lahat ng naririnig kong ingay at ang mga nababasa ko, hanggang sa nakaya ko ng pillin lang kung sino ang mababasahan ko ng isip.

Pero ngayon—

“Nasan ako?! Bakit ako nandito? Aray!”, sumigaw siya ng malakas na parang nagwawala naman. Mukhang masakit ang ulo niya dahil sa pagkalasing niya kagabi. Sira kasi, siya na nga ang tinulungan, magwawala pa. Dinala ko siya sa condo ko dahil WALA NA AKONG CHOICE! Sinubukan ko na ring icontact ang kaibigan niya pero ang tindi ng lock ng phone niya, hindi ko tuloy mabuksan, wala na e, hindi ko rin naman siya kayang basahan ng isip dahil tulog siya...

Ay nga pala, kahit nakadilat siya at nakatingin sa akin, wala na akong maririnig. Siya na ang nakakabasa ng isipan, hindi na ako. 

Hindi ko alam kung mabuti man yun o masama, pero kailangan naming masolusyonan ito. 

Umupo ako sa harapan niya at binigyan siya ng kape. Hindi ako nagsasalita.

Bakit? Gusto kong malaman kung maririnig niya pa rin ang iniisip ko. Akala ko din, pagkagising ko ng umaga, babalik na ulit sa akin ang kakayahan ko, pero--POOF! Wala na, nawala ng parang bula...dahil sa isang halik. 

“Halik”, bigla siyang nagsalita, “Hinalikan kita?”

Okay. Positive. Nababasa pa rin niya ang nasa isipan ko.

“PFFT--”, sinubukan niyang umupo ng maayos at tinakpan ang kanyang bibig.

“Oh ano--”, hindi pa ako natapos magsalita nang…

“First kiss mo yon?! Ilang taon ka na ba? HAHAHAHAHAHAHAH!”

“Sira ka!”, mabilis ko siyang binatukan, at nakakatawa dahil hindi niya yon naiwasan—“Bakit yon pa ang pinoproblema mo! Hindi mo ba iisipin kung bakit ka nandito”

“Pero nakakatawa kasi e hahahah”, hinawakan niya ang kanyang tyan.

Susubukan ko na siyang hatawin ulit ng mas malakas…pero naiwasan niya ito. Ayan, tama, sige basahin mo ang nasa isip ko manyakis na oportunista.

The Mindreader's KissWhere stories live. Discover now