Chapter 5

10 2 0
                                    

BOOM

Napamulat ako ng mata pagkarinig ko sa malakas na pagsabog. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang kulay kahel na kalangitan. Hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako dito sa ilalim ng puno habang nakatingin sa kawalan.

Agad akong tumayo at patakbong tumungo sa direksyon ng seminaryo.

Hindi ako maaaring magkamali, tunog ng pagsabog iyon.

Naabutan ko ang mga kapwa ko estudyante na nagsisilabasan ng seminaryo, marahil narinig din nila ang pagsabog.

Ang iba ay halatang natatakot, ang iba naman ay naguguluhan sa nangyayari.

Lumabas na rin ang ilang mga pari at pilit nilang pinapakalma ang mga nagkakagulong estudyante.

Umalis ako sa lugar na iyon at naglakad patungo sa simbahan. Kailangan kong mahanap si tito, kailangan kong malaman na ligtas siya.

Sa gawi ng simbahan ay mas marami ang nagpapanic na tao. Marahil mga taong nagsisimba ito sa pang-alas sais na misa.

Nagpalinga-linga ako dahil baka sakaling makita ko si tito o kahit sina Gab man lang.

Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit may biglang sumabog? Saan galing ang pagsabog? Nasaan na si tito at ang mga kaibigan ko?Punong-puno ng tanong ang isip ko.

Tumakbo ako papasok ng simbahan. Sinalubong ko ang mga taong nag-uunahan makalabas.

Nang tuluyan na akong makapasok ay agad akong dumiretso sa kwarto kung saan namin nakausap ang punong pari kanina.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ay narinig ko na ang mga pamilyar na boses mula sa loob. Nag-dalawang isip ako na pumasok.

"Bishop, mas mabuti kung sasama ka kay Sela. Hindi ka ligtas dito." Narinig ko si tito na nagsalita. Nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas siya.

"Hindi. Hindi ko iiwan ang simbahan. Hindi na muli ako magtatago." Madiin ang pagkakasabi ng punong pari.

'Bakit kailangang magtago ng punong pari? May kinalaman ba sa kanya ang pagsabog?'

Pumasok sa isip ko kanina na maaaring aksidente lamang ang dahilan ng pagsabog, pero parang may mas malalim pala itong dahilan.

Bigla akong kinilabutan sa naisip.

"Nandito ako para protektahan ka, sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo." Mahinahon ang pagsasalita ni Sela, may awtoridad pero walang mababakas na anumang kaba o pagkabalisa sa boses niya, parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari.

"Father, please. Gawin ninyo ito para sa akin. Hindi ko kayang mawalan ng isang ama sa pangalawang pagkakataon." Pagmamakaawa ni tito.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa loob.

"Sige. Sasama na ako." Pagbasag ng punong pari sa katahimikan. Bakas sa boses niya na napilitan lamang siya.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang may nagtakip ng bibig ko mula sa likod. Nagpumiglas ako at pinilit makawala, pero masyado siyang malakas kaya't wala akong magawa. Hinila niya ako palayo sa kwarto na kinaroroonan nila tito. Nang malapit na kami sa lugar kung saan maraming tao ay naramdaman ko ang malamig na patalim na nakatutok sa likod ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang mamuo ang malalamig na butil ng pawis sa noo ko.

"Wag kang kikilos ng hindi ko magugustuhan. Isang maling kilos mo lang babaon sa balat mo ito, bata." Bulong niya sa tenga ko.

Nagtindigan lahat ng balahibo sa katawan ko. Nakakatakot ang boses niya. Sobrang lalim at sobrang lamig.

I Will Protect YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu