Chapter 1 (The First Meeting)

43 3 0
                                    

"Anak, are you sure about this? Pwede ka pang mag-back out." Sabi ni mama.

Higit walong oras na kami na nagbiyabiyahe at hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang sinabi iyon sa akin.

Nasa sasakyan kami patungo sa simbahan ng San Isidro. Ngayon na ang unang araw ko sa seminaryo, at bukas na ang simula ng klase ko.

Simula nang sabihin ko sa parents ko na gusto kong pumasok sa seminaryo, hindi sila nag-atubiling itago ang matinding pagtutol sa desisyon ko.

Ang gusto kasi nila ay sumunod ako sa yapak nila upang magsilbi sa bansa. Ang papa ko ay isang heneral, samantalang ang mama ko ay isang army doctor.

Noong una, sumasang-ayon ako sa plano nila dahil ayaw ko silang ma-disappoint. Pero iba na ngayon.

I need to do this decision for myself. Kailangan kong lumayo pansamantala para maka-move on sa sakit na idinulot ng first love ko.

Ayun na naman ang kirot sa puso ko nang maalala ko si Yna.

"Anak, are you listening? Tulala ka na naman."

Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si mama.

Lumingon ako sa kanya.

"I-I'm sorry, ma. May iniisip lang. Wag ka ng mag-alala. I'll be fine." Pinilit kong ngumiti sa kanya. "At saka andun naman si Tito Kevin, hindi ako papabayaan nun."

Napa-buntong hininga siya, at marahang umiling.

"Ano ka ba namang bata ka. Ang gwapo gwapo mo tapos gusto mong mag-pari. Alam mo namang dadalawa kayo ng kuya mo na lalake sa pamilya natin, at ang kuya mo naman isang woman-hater, aba sino na lang ang magdadala ng apelyido ng papa ninyo?"

Napakamot ako sa ulo. Wala naman akong sinabi na gusto kong mag-pari, but of course I'm also considering it.

"Bata pa naman kayo ni papa e. It's not too late for another child. I don't mind having a little brother." Biro ko. Tinapunan ko siya ng nakakalokong tingin.

"Aray ko, ma! Nananakit ka ah!" Angal ko nang paluin niya ang braso ko.

"Puro ka kalokohan! Alam mo namang busy kami pareho ng papa mo, at sa inyo pa nga lang ng kuya mo malapit ng pumuti lahat ng buhok namin sa ulo, tapos gusto mo pang magdagdag."

"Okay, fine. Hindi mo naman kailangang manakit." Ngumuso ako. Nakita ko siyang ngumiwi.

"Ang tanda mo na isip-bata ka pa rin. Parang wala naman pala akong dapat ipag-alala, hihintayin ko na lang na patalsikin ka mismo sa seminaryo."

Pinandilatan ko siya ng mata.

Matapos ang ilang oras na biyahe, sa wakas nakarating na rin kami sa simbahan.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng sasakyan, sinalubong na agad ako ng malamig na simoy ng hangin.

Nasa itaas kami ng bundok kaya't napakalamig dito.

Nag-inhale exhale ako pagkatapos ay pinagmasdan ang paligid. Ang ganda talaga dito. Puno ng bulaklak at mga puno ang paligid, at sariwa ang hangin.

Magmula noong pinasyalan namin si Tito Kevin dito noong first year high school ako, na-in love na ako sa lugar na ito. Pakiramdam ko kapag nandito ako, nakakalimutan ko ang mga problema ko.

"Zeke, you're here! Oh my god, I missed you so much my favorite nephew! It's been a while." Agad kaming sinalubong ni Tito Kevin. Kapatid siya ni papa at pari siya dito.

Niyakap niya ako at pagkatapos ay si mama naman.

"Pat, I missed you too! How's my brother?"

I Will Protect YouOnde histórias criam vida. Descubra agora