Chapter 2

15 2 0
                                    

Hindi ko namalayan na uwian na pala.

Sabay kami ni Michael na lumabas ng classroom, at saktong paglabas namin ay nakita namin sina Gab, Ara, at Sela.

"Oy sakto! Tara sabay-sabay na tayo bumalik." Saad ni Gab saka umakbay sa akin.

Naglakakad na kami pabalik sa dorm nang may humarang sa harap namin- si Sadako.

Napagdesisyunan ko na Sadako na lamang ang itawag sa kanya dahil sa magulong buhok niya na nakaharanhg sa mukha niya.

"Uriel!" Bulalas ni Gab.

Maangas na tinanguan lamang siya ni Sadako.

"Uriel, bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin? San ka galing?" Aligagang tanong ni Ara.

Nagkibit-balikat si Sadako.

"Akala ko ba magaling ka? Bakit hindi mo alam kung saan ako nagpupupunta" Maangas na sabi nito. "Para saan pa yung pagpunta mo dito kung hindi mo rin pala ako kayang bantayan."

Natigilan si Ara at hindi na nagawamg magsalita.

Nakaramdam ako ng awa para dito kasi ipinahiya siya ng kapatid sa harap namin.

"A-ah, awat na. Ang mahalaga nandito na si Uriel." Komento ni Gab, pilit pinapagaan ang sitwasyon.

Hindi siya pinansin ni Sadako at nanatili itong nakatingin sa kung saan. Sinundan ko ang tingin nito at napagtanto ko na kay Sela siya nakatingin.

Kunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Seryoso silang nakatitig sa mata ng isa't isa, pero sa huli ay si Sela na ang umiwas ng tingin.

"Kamusta, Sela?" Pagbasag ni Sadako sa katahimikan.

"I'm okay." Simpleng sagot ni Sela.

Tumango-tango lamang si Uriel.

'Anong meron sa dalawang 'to?'

"Tara na. Ihahatid na kita sa kumbento." Yaya ni Ara sa kapatid.

Hahawakan sana ni Ara ang braso nito pero umiwas ito. Kunot-noong tiningnan siya ni Ara.

"I still want to talk to Sela." Simpleng saad ni Sadako.

"Can't you see? He doesn't want to talk to you." Diretsong ani Ara.

'Boom! Burn!'

Tiningnan ng masama ni Sadako ang kapatid.

"Bakit hindi na lang natin isama si Sadako sa dorm?" Bago ko pa mapigilan ang sarili ay nabitawan ko na ang mga salitang iyon. Nakagat ko ang ibabang labi. Kung pwede ko lang sanang batukan ang sarili ko ngayon ay ginawa ko na.

Natutok sa akin ang paningin nilang lima.

Nakakunot ang noo ni Gab at parang tinatanong kung bakit ko sinabi yun, si Ara naman ay matalim ang tingin sa akin, si Michael ay nagtataka ang tingin, at si Sela naman ay hindi pa rin kakikitaan ng emosyon.

"Oh, fire alarm. Nandito ka pala? Kasali ka ba?" Pagbasag ni Sadako sa nakakailang na katahimikan. Mayabang niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

Ibig sabihan ba ngayon niya lang ako napansin?

"Kaibigan mo ang mga 'to?" Itinuro niya sina Gab. Tumango ako.

"Tch. Kailan pa bumaba ang standards ninyo sa kaibigan?" Tanong niya sa mga kasama.

Muling nabuhay ang inis ko sa kanya.

"Hoy, ikaw! Ang sama ng ugali mo!"

"Alam ko." Nagkibit-balikat siya.

"Uriel, stop." Awat sa kanya ni Ara. Inis na tiningala siya ni Uriel.

I Will Protect YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant