2.4 - He's also here

162 6 1
                                    

Chapter 4

"Gino, wag kang malikot!"

Tanginang to, akala mo knight in shining armor sa pag salo ng shots ko. Pero siya pa tong nalasing. 

"Ikawww.. ikaw babae kaaaa..??!!"

"Ano?!" ang frustrating na ako pa ang nag aasikaso kay Gino!

They were all drop-dead-drunk at ako na yung pinaka sober.

Nakapikit lang siya dito sa shot gun seat at natatawa magisa. Ano kayang naiisip nitong kupal na to?

We reached home and here I am, inaalalayan si Gino pag akyat sa kwarto niya pero lumalayo siya sakin.

Kapal ng mukha nitong tumanggi. Siya pa talaga ang tumatanggi?!

"Kaya kooo!! Kaya kooo. Chiiillll. Kaya koooo.. Kinaya ko lahat.. Kaya kaya ko to."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya because he's gesturing me to stop alternately pointing at me kahit hindi niya ko hinaharap. He's shaking his head as if it's gonna help him sober up.

He reeks of alcohol. Oo naginom din ako but he smells way worse!

Ano ba to! Gustong gusto mo iwasan yung tao then this happens?!

Pinabayaan ko siyang umakyat ng kanya at pinanood siyang pumasok sa kwarto niya. Kaya niya daw, let's see.

But then..

"Shit." I cussed in frustration at tinulungan na siyang pumasok sa kwarto niya.

He's causing so much noise sa pag pasok kasi nauuntog siya at minumura yung pintuan niya. Baka magising pa sina tita Dawn and blame it all on me.

Pagpasok, tinulak ko na siya sa kama niya. "Matulog ka na dyan."

Palabas na sana ako ng marinig kong sumuka siya.

"What the hell, Gino?! Ano ba yan?!" dali dali ko siyang hinila sa banyo niya at pinunasan ang bibig. "Oh my gooood this is so gross!!!"

I wanna cry in repugnance and vexation.

Jesus - why is this happening to me?!

Pagbalik sa kama, I tried to undo his buttons but he resisted a little.

"Wag, Bianca!" his face was looking so annoyed. "No. Not tonight, no!"

I sighed in disgust. Akala ako pa si Bianca?!

"I'm not her so shut up at maghubad ka!! Ipang pupunas ko ng suka mo yang shirt mo!"

Sobrang naiinis ako na napagkamalan niya akong si Bianca but what I hate most about this right here is the fact na hindi ko siya mapabayaan.

I sat on his bed and cupped my face. "My god, Gino." nasabi ko nalang under all these feelings of frustration then let out a deep sigh.

Tinulungan ko na siyang tanggalin ang polo niya at pinamunas ito sa katawan at suka niya.

It's 3am and nahihiya na akong manggising ng maid kaya napipilitan akong gawin to. I'm not used to having a maid in New York. It was mostly me and sometimes Billy ang maaasahan ko back there.

Binato ko nalang shirt niya sa cr niya at nag hugas ng kamay.

Tinignan ko si Gino pag labas ko ng cr at napansin ko yung pagbabago sa katawan niya. It looks like he spent so much time in the gym when I was away.

I was deep in my thoughts when bigla niyang tinry tanggalin ang mga sapatos niya at medyo nauubo siya.

Ah shit, he needs water. Sumuka nga pala to.

Meet my BROTHERWhere stories live. Discover now