[70] Memories

Magsimula sa umpisa
                                    

"Malalagpasan niyo rin 'to. Kayanin mo. 'Wag kang susuko ha?"

"Pero marami na akong napeperwisyong tao." I looked up at her, my vision blurry with tears. Pinunasan niya ang mga luha ko at hinaplos ang pisngi ko.

"Hindi 'yan totoo. Pagsubok lang 'to."

"No. Si Daddy, inatake sa puso dahil sa akin. Si Kurt naman naaksidente dahil din sa akin. Ano pang susunod, Kaye Anne? Ano pang perwisyo ang mangyayari sa susunod?!"

"Sshh... Calm down."

"How can I calm down?!" I got up and started pacing back and forth. "Ipit na ipit na ako sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ni Daddy na pakasalan ko si Fifth. For God's sake, I can't do that!" Pahina nang pahina ang boses ko hanggang sa huminto ako sa paglalakad. "... but I think I should."

Para matapos na ang lahat ng ito...

"Gail, ano bang---"

I continued sobbing again, as I sat down the floor, burying my face on both my palms. "Kaye Anne, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal ko si Kurt. Siya ang gusto kong makasama..."

Parang pinipiga ang puso ko sa bawat luhang pumapatak sa aking pisngi. I should choose between my dad's favor and my own happiness. 

"Kailangan ko na bang magsakripisyo?"

Lumapit sa akin si Kaye Anne at lumuhod sa harapan ko, saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Kung mahal mo siya, sabay kayong lumaban. Anong mangyayari kung susuko ka kaagad? Wala," she pulled away and guided me up to stand. "Sumama ka sa akin. Pupuntahin natin si Kurt."

"Pero hindi ako pwedeng lumabas."

Hinawakan niya ang kamay ko at sinenyasan ako na manahimik saka siya bumulong sa akin. "Sa backgate tayo dadaan."

***

Nasilaw ako nang buksan ni Kaye Anne ang compartment ng kotse niya. Dali-dali niya akong ibinangon at ipinasakay ako sa passenger's seat saka niya ako inabutan ng tubig.

"Okay ka lang?"

Tinango ko lang ang ulo ko bilang sagot. Para maitakas ako ay dun ako sumakay sa compartment ng kotse ni Kaye Anne hanggang sa makalabas kami ng subdivision. Hindi ko na inalintana ang pagkatakot ko sa dilim. Ang iniisip ko lang ay kailangan kong makita si Kurt.

"Nandito na tayo. Tara na."

Halos takbuhin ko na papasok sa ospital nang makarating kami. Nanlalamig ang mga palad ko habang nakasakay kami sa elevator. Sana naman ayos lang si Kurt. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mas malalang nangyari sa kanya.

Pagkabukas ng elevator ay hinila na ako ni Kaye Anne kung saan hanggang sa matanaw ko sina Dustin at Jake sa labas ng isang hospital room habang nakasandal sa pader.

Nang mapatingin sila sa direksyon ko ay sinalubong nila ako.

"Gail..."

"Si Kurt?!" bungad ko at nagbabadya na namang bumagsak ang mga luha ko. "Nasaan si Kurt? Ayos lang ba siya?"

Nagkatinginan sila saka nila tinuro ang pinto sa kaliwa ko. "Wala pa rin siyang malay eh."

Without any second thoughts, I opened the door and stepped inside the room. There, I saw Kurt lying unconsciously on the bed, with apparatus connected to him.

I felt weak upon seeing him in that state. Bumalik na naman sa isip ko 'yung mga panahong nakalugmok pa siya sa ospital. Matagal na walang malay, at maraming galos sa katawan. 

I could feel my hands fidgeting on my sides as I took  steps near him. My heartbeat started to quicken as I stared at his being.

"K...Kurt."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon