Chapter 34

3.2K 142 6
                                    

Sa tingin mo mananalo si mate?

Marahas na napabuga ng hangin si Kimberly habang pinagmamasdan ang ama at ang kasintahan. Naghahanda ang mga ito para sa isang match na mismo ang Hari humamon kay Elver.

Alam niyang lugi si Elver pero anong magagawa niya dahil iyun ang kagustuhan ng Hari,ang ipakita ng binata na hindi ito uurong na kahit kanino lalo na sa isang Hari tulad ng kanyang ama.

Napangiti siya ng kawayan siya ng kasintahan. Sila lamang ang naroroon. Agad na lumapit siya rito.

"Kung ako na lang kaya ang pakipagkarera kay ama?" aniya.

Hinapit siya nito at pinatakan ng halik sa mga labi niya. "Nope..kailangan kung magpakalalaki.."

Napanguso siya. "Pero alam mong lugi ka," aniya.

Napangisi ito. "Hindi naman ako lugi sayo eh..matalo man ako..sayo na panalo na ko dyan sa puso mo," anito na sinundan ng pagkindat.

Natawa siya sa kakornihan nito.

"Mais!"

Natawa naman ito sa sinabi niyang iyun. Bago pa man siya nitong halikan muli may tumikhim na sa likuran niya.

"Sir.."

"Mangako ka,ama..walang galos at sugat na matatamo si Elver kundi ibabangga ko yang sasakyan mo," babala niya sa ama.

Napasulyap siya kay Elver ng pisilin siya nito sa beywang niya at nanlalaki ang mga mata nito.

Pinagkrus niya ang mga braso sa harapan at muling hinarap ang Hari.

"Pareho talaga kayo ng iyong ina.."iiling-iling nitong turan.

Napangisi siya sa ama. "Like mother like daughter,mahal na Hari," aniya.

Bumaling ang Hari sa kasintahan na manghang nakatingin sa kanilang mag-ama.

Agad na na-tense ang binata ng lumapit rito ang Hari.

"How about like father like son?"

Napakurap-kurap si Elver na kinangiti niya.

Nakailang lap na pero nangunguna pa rin ang ama gamit ang ibang race car samantalang gamit ni Elver ang kanya.

Nang matapos nakangising tagumpay ang ama. Napakamot naman sa ulo si Elver.

Agad na hinalikan niya ang binata. "That's okay! You look cool while driving my car," aniya.

Napangiti naman ito.

"Congratulation,Sir.."

"Yeah,namiss ko nga 'to..salamat din pero kailangan mong sundin ang pustahan natin," anito.

"Anong pustahan?"gulat niyang saad.

Uh-oh!

Ngumisi ang ama sa kanya. " Kapag natalo siya sasama siya satin sa mundong-Colai,"anang ng ama.

Nanlalaki ang mga matang napabaling siya sa kasintahan.

"P-pumayag ka?"hindi makapaniwalang turan niya rito.

Ngumiti ito at hinapit siya sa beywang niya.

"Oo..gusto kita makasama habam-buhay..at makakasama lang kita kung sasama ako sa tunay mong mundo," anito.

"Pero..pero paano ang pamilya mo? Mga kaibigan mo?"may pag-aalala niyang sabi baka nabibigla lamang ito.

Nagkibit ito ng balikat. "My parents will be happy without me here..saka sabi ko bibisita na lang ako sa kanila siguro cue na nila na yun ng gusto kong mamuhay na malayo sa kanila," anito na mahihimigan na buo na talaga ang desisyon nito na sumama sa mundo na pinagmulan niya.

Sa mundong-Colai.

Hindi na siya nakaimik. Nakapagdesisyon na pala ito.

"Isasama natin siya saka namimiss ka na ng iyung ina,"anang ng ama.

"Sigurado ka ba? Pwede naman ako manatili dito eh," aniya. Tinitiyak niya kung desidido na talaga ito pero mas matutuwa siya kung makakasama nga niya ito sa mundo na pinagmulan niya.

Naulinigan niya ang di pagsang-ayon ng Hari pero hindi naman ito sumabad sa pag-uusap nila ng kasintahan.

"Gusto ko makita ang mundo na pinagmulan mo..kung saan sinilang ang prinsesa ko," nakangiting saad nito na kinangiti niya.

Mabilis na pinatakan niya ng halik ang mga labi nito.

"Thank you..I'll promise magugustuhan mo dun," saad niya at ang binata naman ang sumakop ng mga labi niya.

We're going back to our world!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon