Chapter 3

3.5K 131 6
                                    

Nagngitngit sa inis ang buong sistema ni Prinsesa Kimberly para sa lalaking mayabang at aroganteng na yun na bagong empleyado ng JJ's Racing Club.

Inis na napasuklay siya sa kanyang buhok na hanggang balikat.

Hey,Chill lang,Princess!

"No,wolf! Nanggigil ako sa Elver na yun,hindi ko mapapalagpas ang mga pinagsasabi niya sakin!" mariin niyang usal.

Halika,lapain na natin!

Marahas siyang bumuga ng hangin. Kailangan niyang kumalma dahil kung hindi baka nga lapain nila ng wolf niya ang lalaking iyun.

"Kim!" si Aries.

Agad na humugot siya ng hangin bago nya ito hinarap ng kalmante na.

"Aries," aniya.

"Ayos ka lang? Mukhang wala ka sa mood eh? Kamusta bakasyon mo?" sunod-sunod nitong tanong.

"Ayos lang ako..uh,medyo may jetlag pa kaya ganito ako saka need ko magtrabaho namiss ko na rito eh," pagdadahilan niya. Matapos ang laban niya nagbakasyon muna siya at inenjoy niya ang pamamasyal sa baguio.

"Dapat bukas ka na pumasok,ayos lang yun," anito.

Nginitian niya ito. "Ayos lang. Maya bigay ko mga pasalubong ko para sa mga anak mo,"aniya.

" Naku! Salamat,Kim!"naexcite nitong biglang turan sa sinabi niyang iyun.

"Walang anuman. Nga pala,uhm,narinig ko kasi ang mga sinabi nung Elver na yun tungkol kay Ms.Red.."nanantiyang sabi niya.

Agad na napangiwi ang lalaki. "Ahh,siguro kaya ka lalong nawala sa mood sa mga narinig mo,hayaan mo na opinyon niya yun eh," anito.

Napailing siya. "Kung si Ms.Red ang makarinig niyun tiyak hindi niya mapapalampas ang mga sinabi niyang iyun," mariin niyang saad.

Napatitig sa kanya si Aries na tila inaarok kung bakit sobrang affected siya.

Marahas siyang bumuga ng hangin. "Alam mo naman na avid fan din ako ni Ms.Red..kaya para sakin hindi talaga maganda ang mga pinagsasabi niya," pagpapaliwanag niya.

Tumango naman ito sa kanya.

Whew! Kasalanan ng Elver na yun kung bakit nag-iinit ako sa inis sa kanya!

"Oo nga eh,yare talaga siya. Pero prangka lang talaga si Elver."anito na sinabayan ng pagkibit ng balikat.

"Yeah,he will die kung may maririnig na naman ako sa kanya ng hindi maganda," saad niya.

"Grabe,ang morbid mo, Kim!" natatawang untag nito sa sinabi niyang iyun.

I want to punish him! Isang prinsesa kaya ang ininsulto niya!

"Matino ba yun sa trabaho?"aniya. Si Aries ang hinahayaan niya pagdating sa pagtanggap ng mga gusto mag-apply. May tiwala siya rito na hindi ito basta-basta tumatanggap ng kung sino lang.

Kung ganun,siguro magaling nga sa trabaho.

"Ah,Oo..may alam siya sa pag-aayos ng sasakyan. Ito,sekreto lang. Nakwento niya sakin na anak mayaman siya kaso may nagawa daw siyang iskandalo na kinagalit ng mga magulang niya kaya nandito siya. Ginigipit ng magulang,di lang yun kinuha pa sa kanya yung kotse,atm at condo daw niya,"pagkukwento nito.

Hmm,totoo nga ba yun o nagpapaawa lang ang lalaking iyun para matanggap rito.

Napataas siya ng kilay. Hmm,well...mukhang nakakarma si loko!

"Anong iskandalo?" kuryuso niyang saad.

Eww,baka sex scandal yan!

"Binugbog raw niya yung anak ng mayor sa lugar nila," sagot nito.

Ohh..

"Dahil sa babae?"aniya. Iyun agad ang pumasok na ideya sa utak niya. Tss,sa tabas pa lang ng mukha niyun.

" Yata..sa pogi ni Elver malamang babae nga,"natatawang saad ni Aries.

Napailing na lang siya. Well,pogi naman siya kaso mainit pa rin ang dugo ko sa kanya!

"Barumbado pala kaya naman pala ganun magsalita," komento niya.

Nangingiwing napangiti si Aries sa sinabi niya. Napakamot pa ito sa ulo.

"Obserbahan mo yun baka magkaroon ng kaalitan dito yan,sa angas nun baka pati dito manggulo ang lalaking yun.."saad niya.

"Uh,wag naman sana..mabait naman si Elver,eh,"nangingiwi pa rin nitong turan.

Napailing na lang siya. " Punta lang ako sa opisina,magreport lang ako,"paalam na niya rito bago pa man siya makapagsalita pa ng kung ano-ano na bigla nitong pagdududahan kung sino ba talaga siya at kung bakit siya ganun kaapektado.

Tayo ang magbantay sa kanya,prinsesa! Nandito siya sa teritoryo natin!

You're right.

Akala ng lalaking yun hahayaan niya na pairalin nito ang pagiging mayabang at arogante nito sa mismong teritoryo niya.

Subukan lang niya makikita niya ang hinahanap niya.

Katakot ka,mahal na prinsesa..pero matanong ko lang. Bakit parang masyado naman ata tayong apektado sa kanya?

Hindi ba gaya din naman siya ng mga haters mo?

Natigilan siya sa harap na mismo ng opisina niya sa tanong iyun ng wolf niya.

Napaisip tuloy siya.

Hindi kaya..

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya ng maalala ang gwapong mukha ng lalaking iyun.

Oh no..no..

Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at winaksi ang kaisipan iyun.

Not him!

Pero kung siya,mahal na prinsesa?

Paano kung hinďi. Baka inis lang ito kaya tayo ganito.

Hmm,duda ako eh..

Tss,huwag na natin isipin pa. Masisira lang ang araw ko. Kababalik lang natin!

Okay,mahal na prinsesa!

Tumango siya at pinihit niya ang doorknob ng pintuan ng opisina niya. Namiss niya ang lugar na ito. Namiss din niya makahalubilo muli ang mga katrabaho niya.

Ito ang isang bagay na natutunan din niyang pahalagahan at mahalin. Ang magsumikat gaya ng mga nagtatrabaho dito.

Isa si Aries ang hinahangaan niya. Ang matalik na kaibigan ng kanyang ina noong nandirito pa ang Reyna na pinagselosan ng kanyang ama.

Sana..yung lalaking itinakda sa kanya ay katulad ni Aries at ng kanyang ina.

May pagsusumikap sa buhay. Kaya din isakripisyo ang lahat para sa kanya.

Yes..dahil isasama natin siya sa mundong-Colai!

Isinandal niya ang ulo sa sandalan ng inuupuan niyang swivel chair sa likod ng mahogany desk niya saka ipinikit ang mga mata.

Unti-unti nabuo ang isang imahe sa likod ng isipan niya.

Napadilat siya ng mga mata ng magkaroon ng mukha ang imahe iyun sa likod ng isipin niya..

Talaga pala inis ang mahal na prinsesa sa lalaking yun..anang ng wolf niya pero mahihimigan ang makahulugan sa sinabi nito.

"Inis lang ito sa kanya,tss!"aniya .

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now