Chapter 6

3.4K 130 6
                                    

Bakit ganito ang init?

Nasaid na ni princess Kimberly ang isang bote ng tubig pero nanatiling nagliliyab ang pakiramdam niya. Nakaraan araw pa niya iyun nararamdaman at ngayon nga ay mas lumiyab ng..mula ng magtama ang mga mata nila ng Elver na yun kanina. Kahit ang tibok ng puso niya napakabilis niyun kasingbilis kung paano niya paandarin ang red racer car niya! At dahil din sa Elver na yun!

Nang matiyak na walang tao sa paligid tinanggal niya ang pagkakatakip ng kalahating mukha niya. Muli siyang uminom ng isang bote ng tubig.

Sandali,naalala mo ba yung sinabi ni Zei?

Agad siyang natigilan sa sinabi iyun ng wolf niya.

"Pwede ko bang malaman kung paano kong malalaman kung siya ang mate ko? Sabi ni Ama nalaman niyang mate niya si ina nang magkaroon sila ng physical contact? Ganun din ba kami?"

Ngumiti ang dating panginoon na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan nito.

"Simple lang..pakinggan at pakiramdaman niyo ang magiging tibok ng puso niyo,mahal na prinsesa.."

Namalayan na lamang niya na nakasapo ang isang palad niya sa tapat ng puso niya.

Oh no! That jerk?!

Mariin niyang naipikit ang mga mata.

He's our mate,mahal na prinsesa!

"Excuse me..?"

Kung isa lamang siyang ordinaryong tao baka inatake na siya sa puso sa biglaan pagtibok ng ubod ng bilis niyun ng marinig niya ang boses na yun mula sa likuran niya.

Si Mate!!!

Nanatili siyang nakatagilid rito lalo pa at walang takip ang kalahati ng mukha niya. Kahit ito pa ang mate niya sa tingin niya hindi pa siyang handa na malaman nito kung sino siya at kung ano ang koneksyon nila sa isa't-isa!

"Ms.Red.."sambit nito sa palayaw niya.

Naipikit niya ang mga mata ng muli kumabog ang dibdib niya.

Tahimik siyang humugot ng malalim na hininga.

"Uh,pasensya na..alam kong nagpapahinga ka pero gusto ko lang kunin ang pagkakataon na ito na makilala ka ng personal," anito.

Tss,pagkatapos niya tayong insultuhin?!

"Uh,"anas niya.

Kalmante siya na binuhol ang pulang panyo na muling tumakip sa kalahati ng kanyang mukha bago niya ito hinarap.

Lihim siyang napasinghap ng magtama muli ang kanilang mga mata.

Ayaw man niya pero kailangan niyang gawin. Hindi pwede malaman nito ngayon kung sino siya. Magkaiba sila sa Kimberly na isang ordinaryong crew lang at Ms.Red na isang kilalang Car Racer.

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant