Chapter 1

4.2K 142 1
                                    

Sanay na siya sa ingay ng mga tagasuporta niya na palaging nandyan tuwing may laban siya. Ngayon taon paniguradong hihirangin na naman siyang champion sa larangan ng pangangarera. Gamit ang kulay pulang kotse ng kanyang ama na siyang lucky charm niya.

Swabeng kinabig niya ang manobela sa kaliwa at napangisi siya sa likod ng suot niyang helmet ng maungusan niya ang kalaban hanggang sa marating niya ang finish line.

Her fans scream for her victory again.

Hindi magkamayaw ang lahat sa muling pagkapanalo niya. Sa ilang taon na niya sa mundo ng mga tao nararamdaman na niya ang pagkabored sa pangangarera. No one beat her. Ang gusto niya may isang tao na makatalo sa kanya at iyun ang gusto niyang maranasan. Weird but it's make her happy. Siguro dahil sa habilin ng kanyang mahal na ina na huwag aabusuhin ang kakayahan niya na wala ang mga tao at iyun ang nakakapaglungkot sa kanya. Ang tingin tuloy niya kasi sa mga tao ay mahihina.

Pagkababa niya ng sasakyan agad na sinalubong siya ng kanyang mga crew at masayang binati siya. Inalis niya ang suot na helmet. Natatakpan ng kulay pulang panyo ang ibabang bahagi ng mukha niya.

Ginawa niya iyun para sa privacy niya. Gusto niya makahalubilo niya ang mga tao na hindi siya tinatrato na champion. She want a fair treatment kaya wala ni isa nakakaalam kung ano talaga ang totoo niyang itsura.

"Congrats,idol!!!" masayang-masaya bati ni Aries sa kanya. Ito ang unang tao na hinanap niya pagkaapak niya sa JJ's racing club na pag-aaari ng kanyang ama. Ang kaibigan ng kanyang ina na siya din pinagselosan noon ng kanyang ama. Mabuti na lamang naroroon pa ang lalaki.

Hindi na niya nakilala pa si Mang Rene ang naging tatay-tatayan ng kanyang ina. Pumanaw na ito ng mastroke at nagkaroon ng mga komplikasyon.

"Papicture ulit ako mamaya,ha!" pukaw nito sa kanya.

Napailing na lang siya. Agad na naging malapit siya rito dahil napakafriendly nito at natutuwa siya rito. Paniguradong magugulat ito kung malalaman nitong anak siya ng dating kaibigan nito. Pero sa ngayon kailangan muna niyang magpakamisteryoso.

Saka na niya ibubunyag sa mga ito kung sino siya sa oras na matagpuan na niya ang lalaking itinakda sa kanya.

"Let's go,may interview ka pa," paglapit ng handler niya. Kung tutuusin ayaw niya sana na may ganun pero malaki ang tulong nito para ayusin ang lahat ng dapat ayusin bago at pagkatapos ng laban niya.

Ms.Aselia Enriques,the very strict and so stiff woman she've ever meet. Pero gustong-gusto niya ito dahil ito ang nagpapaalala sa kanya na dapat maging isang ordinaryong tao siya sa mundo ng mga ito.

"After the interview..may victory party ako para sayo,lahat ng crew sa JJ's racing club ay invited,well,doon naman gaganapin ang party.."walang emosyon nitong saad habang magkaagapay sila naglalakad bitbit ang isang mamahalin nitong bag.

" And of course magdadahilan na naman ako na kailangan mong magpahinga kaya hindi ka makakadalo at magiging isang crew ka na ulit na makikisalo sa party,"mariin nitong saad.

Pinigilan niya ang matawa. Ito lang ang kaisa-isang tao na nakakaalam kung sino siya bukod sa dating panginoon na si Zei at kay Valerie na anak nito.

"Thank you,Aselia.."

Tumango lang ito sa kanya at nanatili ang istriktang anyo. Napapailing na lamang siya.

Ito ang karera na minahal niya simula pa lang. Namana talaga niya ang talent na yun sa kanyang ama na kilalang racer din bago ito bumalik sa mundong-Colai kasama ang kanyang ina na Crew din sa pag-aari ng ama at kung saan din nagtagpo ang mga ito.

Naiisip nga niya kung sila ba ng lalaking itinakda sa kanya at magtatagpo din sa ganun senaryo.

Hindi ba parang ang romantic lang.

Pagkapasok niya sa sa silid na pinagpapahingahan niya agad na tinanggal niya ang kulay pulang scarf na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha.

Inilugay niya ang buhok mula sa pagkakapusod nito.

Tumitig siya sa salamin na nasa harapan niya.

She's hiding her true identity because of one reason. Gusto niya makilala siya bilang si Ms.Red at makilala din bilang si kimberly na isang ordinaryong crew lang sa JJ's racing club na pag-aaari ng ama.

Sa pananatili niya sa mundong ito. Isa lamang ang natutunan niya. Ang makisama sa mga taong hindi niya kauri kahit siya lamang ang nakakaalam kung sino siya kinailangan niyang maging pantay sa mga tao.

Proud siya sa sarili niya at mataas ang tingin niya sa kanyang sarili pero nagiging mababa siya para lamang maabot siya ng mga tao na nasa paligid niya.

Yes,she's a princess pero hindi sa mundong ito na pantay-pantay dapat. Walang mataas,walang mababa.

Though,there's some people na masyadong mapagmataas na walang pakielam kung nakaapak na sila ng mas mababa sila..and she's don't like that.

Kung nirerespeto siya ng mga tao dito kailangan niyang ibalik iyun ng respeto din sa mga ito.

Inabot niya ang isang bote ng tubig at uminom doon.

That's why,I'm your number 1 fan,mahal na prinsesa..

Napangiti siya sa sinabi ng wolf niya.

Gusto lang niya tuparin ang paalala ng kanyang mga magulang sa kanya.

Maging patas siya sa lahat.

She's not a princess here..she's a kimberly Justo,a racer and her other identity as a crew.

Bumukas ang pintuan at sumungay roon ang handler niya.

"Ready? Naghihintay na sila sa kabilang silid for your interview,"sabi nito sa kanya.

Agad na tumango siya at muli niya binalik sa pagkakatali ng red scarf sa kalahati ng kanyang mukha.

Sana naman hindi na siya ulit tanungin about her love life kasi wala naman siya maisasagot pa hanggat hindi sila nagtatagpo ng lalaking itinakda sa kanya.

Humugot muna siya ng hangin saka siyang nagpasyang lisanin ang silid na yun.

Magkaagapay sila ng handler niya na tinungo ang silid kung saan naghihintay sa kaniya ang lahat.

Paulit-ulit man ang nagiging tanong hindi siya magsasawang paulit-ulit din ang parehong sagot.

Para lamang matapos kaagad at makapagpahinga na rin siya.

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now