Chapter 17

2.8K 108 1
                                    

Imbes na umuwi siya sa inuupahan niya dumeretso siya sa isang bar na pag-aaari ng pinsan niya.

"Kamusta ka na,insan?"agad na pangangamusta nito sa kanya.

" Miserable,"matamlay niyang saad.

Dahil maaga pa naman kaya wala pang gaanong tao sa loob ng bar.

Tinapik nito ang balikat niya. "Pasensya na hindi kita matulungan. Alam mo naman sina uncle at auntie..walang sinasanto,"apologetic nitong saad.

Tumango siya at tinapik din ito sa balikat. " Ayos lang..ayaw kong madamay na kahit sino sa inyo,"aniya. Pati din kasi mga kaibigan niya pinagbantaan ng kanyang mga magulang.

Ganun kalupet sa kanya ang mga ito!

"Libre ko na favorite drinks mo! I'm sure namiss mo yun!" anito.

Natatawang napatango siya rito.

Kahit masama ang pakiramdam uminom pa rin siya. Sa pag-inom niya kahit papaano nawaglit sa isip niya ang nakita at ang sakit na pagtrato sa kanya ni Kimberly.

Maingay na ang paligid at dumadami na rin ang mga tao. Nanatili siya roon. Nakaisang bote na nga siya pero dahil mataas ang alcohol tolerance niya nasa matinong pag-iisip pa rin siya.

"Elver?!" pagsulpot ng isang babae kasama ang dalawa pang babae.

Agad na napailing ang binata. Hindi niya naisip na posible siyang makita nito dahil mahilig ito sa mga ganitong lugar.

Agad na kumapit ito sa braso niya. "Namiss kita! Kamusta ka na?! Ano na balita sayo?! Buti na lang hindi ka nakulong?" sunod-sunod nitong tanong.

Nanatiling siyang walang reaksyon. Isa lang ito sa mga babae na gusto siya makuha. Oo. Nakikipagflirt siya pero hindi iyun humahantong sa kama!

Kahit mukha siyang maloko sa babae hindi niya hinahayaan na umabot sa ganun at hindi niya alam kung bakit?

Biglang pumasok sa isip niya ang maganda at supladang mukha ni Kimberly. Ang kanyang si Ms.Suplada at Ms.Fearless!

Damn,Elver Baron! Sayo talaga?! Hindi mo siya pag-aaari!

Napalagok siya sa hawak na kopita.

"Siguro naman may time ka ngayon? Gusto kita makasama ang tagal na mula ng bigla kang nawala!" patuloy ang babae sa kausap sa kanya na hindi naman niya pinapansin. Sa lahat ng babae na lumalapit sa kanya itong isa na ito ang clingy at kapag nasobrahan sinasabing boypren siya nito!

Napabuga siya ng hangin sa pangungulit ng babae.

"Come on!"

Bago pa man siya makatanggi rito nahagip ng mga mata niya ang isang babae na matiim na nakatitig sa kanya.

Agad na gumalabog ang dibdib niya. Mabilis na inalis niya ang kamay ng babae na nakapulupot sa braso niya at tumayo para lumayo rito.

"What?!" gulat nito sa ginawa niya.

Nanatili ang tingin niya kay Kimberly na matiim pa rin na nakatitig sa kanya.

Damn! Pakiramdam niya nagtaksil siya sa dalaga at nahuli siya nito! Shit!

Don't panic ,dude! Di ba nga,kanina lang ang lamig ng pakikitungo niya sayo?

Pilit na pinakalma niya ang sarili.

"No,stay away.." agad na sabi niya sa babae na tangkang lalapit sa kanya. Gulilat naman na napamaang sa kanya ito.

Marahas siyang napabuga ng hangin at agad na nangamba ng makitang palabas na si Kimberly.

Shit!

Mabilis ang hakbang na sinundan naman niya ito!

Hell! Bakit ba siya nagkakaganito sa dalaga?! Mababaliw na talaga siya sa nararamdaman niyang iyun!

Natatakot siya na baka tuluyan na siyang hindi nito pakitunguhan ng maayos!

At iyun nga lang ba ang gusto mong mamagitan sa inyo?

Fuck!

Sana umuwi na lang siya!

Uh-ah! At bakit kaya niya alam na nandito ka?

Anong dahilan?

Bakit ba nangangamba din siya sa kung ano ang sasabihin nito tungkol sa kanya?

May pake ba ito sa kanya?

Pero gusto mo na may pake siya sayo kasi nga gusto mo siya!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now