Chapter 10: He's Back!

17 1 0
                                    

MINA's P.O.V.

"Anong ginagawa mo dito??!"

"Obvious ba? Nagrerelax. Eh ikaw? Bawal outsider sa floor na 'to ah!" -siya

"Maka-outsider ka naman! Nilibre kami ng may-ari nitong floor!"

"Sino si Tim? Aba, bagong playmate ka na niya ngayon?"

"Playmate? No way! I'm his friend!"

"Friend huh? Bago yan ah. Hindi nagkakaibigan ng babae si Tim. Siguro ginayuma mo no?"

"Sa ganda kong 'to? Kapal ha."

Tumigil siya at pinagmasdan ako.

"Ang ganda mo na nga, lalo na sa malapitan. Laki na ng pinagbago mo ha!"

Hindi ako makareact sa sinabi niya. Nahiya ako at siguradong namumula na ko. Waaaaaa stop stop! Please!! Nakakahiyaaa!

"C-che!...Ewan ko sa'yo."

"Pff...Mahiyaing nagtataray? Haha ang cute!"

"Bolero!"

Biglang lumabas si Tim sa kabilang kwarto.

"Hey, anong problema? I heard you shouting." -tim

"A-ano kasi... siya." -ako

Tinuro ko si Chris.

"Tupe! Andito ka na pala sa Pinas! Bakit hindi ka nagparamdam kagad?" -tim

Sa Pinas?? Umalis siya? Haha sabi na e, Tupe nickname nito.

"Ahh, medyo naging busy lang noong dumating na araw and by the way, nag-enroll ako sa L.I.U." -chris

"What??!" -ako

Nagkatinginan kami. Napalakas sigaw ko tumingin tuloy sakin si Tim.

"I knew it! Alam kong nakita kita last time sa garden!" biglang binaling ni Tim ang tingin sakin "Kilala mo siya?" -tim

"Y-yes."

"Yeah, we know each other. VERY WELL. Hahaha." -chris

Alam ko yung sinasabi niya. Arghh nakakainis 'to!

"Friends kami ni Mina noong bata pa kami. Same din kami ng elementary school to high school and the rest, you already know." -chris

Ligtas. Buti di niya sinabi yun. Sabay kinindatan niya ko.

Yabang talaga.

Pero teka, hindi na niya tinapos yung high school? Bakit? Hindi ko rin tinapos yung high school dun.

Tatanungin ko kaya? Wag na lang. Baka kung ano pang sabihin nito kay Tim.

"Nagkakilala pala kami ni Tupe sa States. 2 years ago." -tim

"Hindi mo naman sinabi na may kakilala ka pa lang ganto kaganda. Edi sana nag stick to one na lang ako dati pa." -tim

"Haha malay ko bang tipo mo ang mga katulad niya." -chris

"Mga KATULAD ko? Anong gusto mong ipahiwatig, TUPE?"

"Wala ah. Ikaw talaga! Wag niyo nga akong tawaging Tupe. Bata pa ko nun no! Binata na ko ngayon." -chris

Nakakainis na talaga to! Dahil nakita ko na naman siya, nagflashback na naman yung mga alaala. Tsk.

"Che, TUPE!"

My Gamer Girl [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon