Chapter 5: His Plan

31 2 0
                                    

MINA'S P.O.V.

"Pff.."

Kapag iniisip ko nga 'yun, natatawa ako. Ang weird kasi talaga ng pagkikita namin. Tsaka sa lahat ng tao dun sa High School,  siya lang yung lumapit sakin.

Ang cool niya,  optimistic pa.

Hindi tipikal na pagkikita yung nangyari.

Kahit na wirdo, masaya pa rin kasama. Siguro yun yung dahilan kaya napalapit kagad ang loob ko sa kanya.

Haha. Ang cheesy!! De, naappreciate ko lang siya.

Nakita niya akong nakatingin sa kanya, biglang ngumiti sabay "Hi" na mahina.

Binaling ko na ang tingin ko sa teacher.

Oops,  nakatingin pala.

Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy na siya magturo.

Ligtas.

Kailangan ko na magayos baka mabuko. Hihi.

TIM's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa tambayan kasama si Marl, Randel, at Karl. Sa likod lang naman 'to ng building. May kubo, presko at madaming puno.

Hindi talaga ako mapakali sa nangyari kanina. Rejected? Arghhh. Hindi nangyayari sa'kin yun. Ako? Si Timothy Valdez? Valdez?? Imposible. Pakipot lang 'yun.

"Aiisshh"

Sabay kusot ng buhok.

Napatingin sila sa'kin.

"Aba, pare. Iba yan ah. What's the problem?" -randel

"Chick problem yan dude. Pustahan." -marl

"Kelan pa nagkaroon ng problema yan sa chiks??" -karl

"Ngayon. 'Di ba halata? De joke. Ano nga problema?" -marl

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko o hinde. Hays bahala na nga, kahit na siguradong aasarin ako.

"Kasi pre,  kanina may nakita akong babae. Maganda e. Kumbaga simple pero elegante. Parang di makabasag ng pinggan." -tim

"Aaah,  si Carmina dela Cruz" -karl

"Ahh,  oo tama siya nga. Mailap yun dude. Baka hindi ka pasado sa standards niya. Hahaha. Kawawa ka naman" -randel

"Ha? Pano niyo nalaman kagad yun. Teka, mailap? Pakipot lang 'yun. " -tim

"Pre,  nasaktan ba pride mo? Hahaha. She prefers good guys, I think. Hindi mo madadaan sa looks. Nasa effort." -marl

Oh please, effort? I get what I want. Just wait and see.

"Makukuha ko din loob niya. Okay nga 'yun e. Hard to get. Parang trophy. Walang magandang bagay na hindi nakukuha nang hindi pinaghihirapan. She will be my trophy girlfriend". -tim

"Wow dude,  the way you said it parang title ng nobela. Author ka ba? Pabasa ha. Ako unang fan mo. Hahaha" -randel

"Sira! Umayos ka nga,  seryoso ako." -tim

"Woah dude, teka." -marl

Biglang hinawakan yung noo ko

"Dude wala ka namang lagnat. Baka may cancer ka. Uii,  mamamatay ka na ba?" -marl

"Grabe kayo. Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Pwede bang suportahan nyo nalang ako? Daming satsat eh." -tim

"Op dude, dinudugo ka ata. Tumataray oh! Chill~ Hahaha" -karl

Sinamaan ko lang sila ng tingin

DEATH GLARE *_*

Tinawanan lang ako.

"Teka teka, ano ba gagawin mo? Paano mo siya magiging girlfriend or "trophy" girlfriend sabi mo" -randel

"Di ko alam." -tim

Biglang nagtawanan sila lahat.

"HAHAHAHAHAHA!" -lahat sila

"Nice dude. Grabe ka. You're the best! Joker ka talaga!" 

"Nagmamayabang ka jan,  di mo pala alam. Hahaha!"

"E kung turuan nyo kaya ko puro satsat! Kainis! Di ko alam kapag katulad ni Mina!" -tim

"Sige ganto." -randel

TIPS ON HOW TO GET A GIRL BY RANDEL:

1.) Be friendly. Itago ang hangin. Mas mabuti kung tanggalin. Nobody likes a man who's full of air.

2.) Know her interest.

3.) Kadalasan,  they like chocolates and flowers pero tingin ko iba siya. Pero try mo pa din. Hahaha!

4.) Respect. Respetuhin mo kung ano gusto niya.

and i think lastly,

5.) Be yourself. Mas mabuting ipakita mo kung sino ka talaga. Para komportable kayo sa isa't isa. Kumbaga parang no secrets. Hindi ka mahihirapan.

"Pero di ako sure diyan. Hahaha! Kung ano lang sa tingin ko kung anong tama, yun ang pinayo ko." -randel

"Ano ba yan akala ko pa naman sure ka na diyan. Sige sige tatry ko yan. Wala naman sigurong mawawala." -tim

"Ay eto pa pala,  less pride, more love!" -randel

"Love? Sus, as a trophy girlfriend lang naman. No need for that." -tim

"Ang bad mo dude." -marl

I grinned. I don't believe in love. It's just a a game. Risk taking game sa mga taong naghahanap ng tunay na challenge. It will start with sweetness and happiness and later on will be covered with bitterness.

"Hindi ka pa nagkakaroon ng tunay na pagibig di ba. Kaya ganyan ka. Tingin ko siya na magiging katapat mo. Yari ka! Wag na lang trophy, dude. Make it real." -karl

Napaisip din ako sa sinabi ni Karl. Sa naging mga gf ko, hindi ako seryoso. Nagustuhan ko naman sila pero, ewan ko ba. Hindi talaga nagtatagal.

Naging paulit ulit lang. Nakakapagod na nga e, pero hindi pa din ako natigil. Nagbabakasakali pa din ako.

"Paano ko magagawa yun kung hindi naman ako inlove sa kanya?" -tim

"Kasi dude, kilalanin mo muna. Go ka nang go eh. Habang buhay ka na lang bang mambabae? Hindi ka ba nagsasawa sa ganon?" -randel

"Tama si Randel, dude." -karl

May point siya. Napaisip din ako. Siguro oras na para maging seryoso naman. 4th year na ako, bago bago din pag may time.

Nagtawanan na lang kami pagkatapos nun.

Habang nagmamasid ako, may nakita akong pamilyar na mukha...isang dating kakilala.

AN: Yung tips,  actually gawa gawa ko lang yan. Kung ano lang pumasok sa isip ko. haha. Pasensya na po. :(

My Gamer Girl [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon