Chapter 9: Declaration

23 0 0
                                    

MINA's P.O.V.

"Wow." yun na lang nasabi namin ni Nique.

Andito kami sa isang 5 star hotel na sobrang laki na parang palasyo!

Sobrang ganda! Madaming chandeliers, pure gold linings sa mga carpet, chairs, tables, at may small coffee shop, bookshelves, boutiques na puro international brands, restaurants, basta sobrang dami na parang high end mall, hindi ko siya maexplain sa sobrang lawak at ganda ng lugar. Yung scenery sa labas may malaking garden na may sobrang daming bulaklak, pools and a big, blue, clear beach with white, fine sand! Perfect place for relaxation. Isa na lang kulang dito, isang game place! Hihi.

Kung hindi ako tinapik ni Nique, baka tumulo laway ko. Haha.

Lumapit kami sa reception booth at nagsalita si Tim.

"The usual. Thanks!"

"I'll prepare your things sir. Please enjoy yourselves here. Thank you!" sagot ng bell man.

"Do you want to eat? Anything basta andito ha?" -tim

Nagugutom na nga ako.

Tumingin ako sa mga restaurants, wala akong magustuhan. Fast food na lang kaya? Walang fast food dito, aww. :( Let's see...

Tinanong ko si Nique.

"Kaw Nique, may nagugustuhan ka ba?"

"Hmmm. Nagiisip nga ako e... Ah! Alam ko na. Filipino cuisines! Kamayan style! Yeeeha!!" -nique

"Wha? Pero di ako nagkakamay." -tim

"Okay nga un dude e. Para makatikim naman tayo ng filipino dishes puro na lang tayo international. Love our own!" -randel

"Sige! Gusto ko din yan! Tara! Meron ba?" -ako

"Yes, pero di pa ako nakakatikim dun kasi nasa brown thing yung mga ulam. Looks weird." -tim

"Hahaha, palayok yun! Mas masarap ang ulam kapag niluto sa palayok. Hindi ka magsisisi. Daig pa ang taga bundok hahaha." -ako

"Sorry naman ha!" -tim sabay pouty face

Haha ang cute niya talaga.

Pumasok na kami sa restaurant. Nakakamangha yung place. Talagang parang Spanish era ang dating. Sa walls may mga paintings ng mga Filipino chefs na nagtaguyod ng place na to, at lahat ng may katagang "Pambansang ___". From the best Filipino painter pa galing yung mga paintings!

Ang mga waiters and waitresses ay naka barong at baro't saya. Higit sa lahat, napakadaming ulam! Gulay, baka, baboy, isda, at iba pa. Hindi rin nagpapatalo yung mga desserts! Mga kakanin! My favorite!

"Ang ganda dito tsaka ang sasarap ng ulam! Tara let's dig in! Kamayan ha!" -ako

Nauna na kaming dalawa ni Nique na humakot ng mga pagkain samantalang yung dalawa naghanap ng mauupuan. Talagang sa may VIP pa. Ano bang meron sa Tim na to. Oh well. Buffet naman eh! Patabaan na!

May lumapit saming waiter...

"Ma'am kami na pong bahala. Any allergies po sa food?"

"Wala naman. Paanong kayo bahala?" tanong ko

"As per instructed by Mr. Valdez, ihahanda namin sa VIP room yung mga pagkain. Sit and relax na lang po sa room" ngiti ng waiter.

Medyo na disappoint kami dahil nakakuha na kami ng plato't lahat lahat! Sayang effort :(

My Gamer Girl [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon