Day 2 Deserted In An Island With U

534 28 8
                                    

Nagising na lang ako sa paggalaw ng katabi ko. Nakita kong nakayakap na sakin tong lokong toh. Aba! Chancing toh ah!

ako: Hoy gising na!

Daniel: Ehhh.... 5 more minutes!

ako: Ano ako?! Yaya mo?! Gumising ka na!!

Daniel: Tsk. Naman eh!

ako: Bilis! tayo na! At tanggalin mo na tong kamay mo sa tyan ko!

Daniel: Oo na!

Tumayo na siya sabay pa nga kami at ...

*BOOG*

Nagkauntugan na!

ako: Ouch!

Daniel: Aray!

Hinaplos haplos niya yung noo niya at ganun din naman ako pero masakit pa rin talaga eh.

Daniel: Patingin nga.

Inalis niya yung kamay ko sa noo ko tas inilapit niya yung muka niya sa muka, magkalevel na yung mata ko at yung lips niya. Edi siya na may pink lips! Naglipstick kaya toh? Hionahaplos haplos lang niya yung noo ko at ako naman na freeze sa kinauupuan ko. Bakit kasi yung lips pa yung kalevel ng mata ko? Nananadya ba toh?! Baka gusto niyang nakawan ko siya! Nakawan ng halik!

Joke!

Daniel: Ok na yan. Mamaya maya mawawala din yan. Wala namang bukol eh.

ako: U-Uh.. Thanks.

Then there was an awkward silence between us. Di ko na natiis kaya bigla na lang akong tumayo.

ako: G-Geh... Ako na lang magpreprepare ng breakfast para may maitulong naman tayo kay Nay Dulcie.

Daniel: O-Okay...

Pumunta na ko dun sa kusina ni Nay Dulcie na naging kainan na rin. Nagluto lang ako ng kung anu ang available dun, kahit mayaman kami ako pa rin nagluluto ng breakfast namin, egg and dried fish. Pinuntahan ko din si Nay Dulcie dun sa kwarto niya pero wala siya dun kaya lumabas ako dun sa mini garden niya sa likod ng bahay. Nakita ko siya dun habang nakatingin sa dalawang... Tomb stone?

ako: Nay?

Nay Dulcie: Oh iha, gising na pala kayo.

ako: Ah opo. Nagluto na rin po ako ng agahan natin.

Nay Dulcie: Dapat hinayaan mo na lang akong gumawa nun.

ako: Ok lang po yun. Sino po yan?

Nay Dulcie: Nakwento ko naman sayo yung tungkol sa asawa't anak ko, diba?

ako: Opo.

Nay Dulcie: Dito ko sila nilibing para araw araw ko silang madadalaw. Di ko na rin kasi kayang lakarin pa yung sementeryo sa kabilang baryo eh.

ako: Ganun po ba? Pwede ko po ba silang dasalan?

Nay Dulcie: Oo naman iha!

Lumuhod ako dun sa tapat nung dalawang tomb stone, nagpasalamat at ipinagdasal yung souls nila. Nung matapos ako wala na pala si Nay Dulcie sa tabi ko. Tumayo ako at pabalik na sana dun sa loob ng bahay kayalang may isang MALAKING harang sa pinto.

ako: What?

Daniel: May kindness ka din pala.

ako: Ano tingin mo sakin?

Daniel: Nothing much. Tara kain na tayo kanina ka pa namin hinihintay ni Nay Dulcie sa lamesa. Binigyan ka muna daw niya ng privacy kanina kaya nauna na siyang umalis.

ako: Ah...

Tumabi siya kaya pumasok na ko. Nasa likod ko lang siya, nakasunod.

Nay Dulcie: Kain na.

Stuck With UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon