Chapter 2: They Meet by Chance - Part 2

41 6 16
                                    

Copyright © MiidnightMist, 2014

Riza’s POV

“Sorry po. I am really sorry” sabi ko sa lalaki na nakabanggaan ko habang  pinupulot ang mga candies na nahagis ko.

“My ring! Go get my ring!” sabi nito na medyo natataranta.

“Ah eh”

“My ring!” sigaw nito at natataranta parin.

Bigla akong nagulat sa biglaang pagsigaw nito dahilan para mapatakbo ako wala sa oras. Kailangan ba talagang sigawan ako?

Kasalukuyan kong hinahabol ang singsing ng lalaki na ito. Gumugulong lang ito sa kung saan saan at kami naman ay sige lang sa kakahabol dito. Parang naglalaro lang kami ng habol-habulan dahil sa ginagawa namin. 

“It went to the left!” sabi ng lalaki ng pumunta sa left side yung singsing.

“Left” ulit ko.

“To the right!”

“Right”

“To the left!”

“Left”

Nakita ko na papunta ang singsing sa isang trash bin. Agad ko namang binilisan ang pagtakbo ko at aakmang kunin ito. Kaso malas lang at hindi ko ito nakuha dahil  lumagpas nanaman ang singsing. At ngayon ay sige pa rin ito sa paggulong. Sa palagay ko, gusto ng singsing na ito na makipaglaro ng habol-habulan. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin tumitigil eh. 

Sabay kaming tumatakbo ng lalaki na ito habang hinahabol yung singsing. Bumaba kami gamit ng escalator ng makita namin na gumulong ang singsing pababa ng escalator. 

“My ring!” sigaw ng lalaki sabay turo sa singsing nya na hanggang ngayon ay gumugulong parin. May mga paa ba ang mga singsing? 

“O-oo” mautal-utal na sabi ko. 

“Ahh! Ahh!” sigaw nito ng makita ang mga iba't-ibang uri ng aso na nakapalibot sa amin. Ang cute nila. hindi namin alam na nasa dog playground na pala kami. Hindi naman ito kalakihan. 

“What’s wrong?” tanong ko sa lalaki. Don't tell me na takot sya sa mga aso? 

“There it is. My ring!” sabi nito sabay ang pagturo nya sa singsing. 

“I’ll go get it”

“Yes, quickly”

 Nagumpisa na ulit kaming habulin ang singsing na ngayon ay sige parin sa paggulong. Naisip ko nga eh, na baka may mga paa nga ang singsing kasi ayaw parin nito huminto sa paggulong O baka naman trip lang nya? Oo nga naman, baka trip lang ng singsing na gumulong-gulong buong araw. Walang basagan kasi ng trip Riza. 

“It’s there!” sabi ng lalaki kasabay nito ang pagturo nya sa isang fence. 

“I found i---“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa nakita ko sa loob ng isang malaking fence. 

Sabay kaming napahinto ng lalaki na may ari ng singsing ng makita namin na napunta ang singsing nito sa isang nakakatakot at malaki na aso. Natutulog ito sa isang dog house sa loob ng fence. 

You're My Destiny (ON-HOLD)Where stories live. Discover now