Chapter 1: They Meet by Chance - Part 1

48 6 14
                                    

Copyright © MiidnightMist, 2014

Riza’s POV

“Excuse po… Sorry… Excuse me!” sabi ko sa mga tao na nakakasalubong ko habang hawak hawak ang mga coffee bevarages at mga pagkain na pinautos sa akin ng mga katrabaho ko.

Papasok na sana ako ng elevator ng bigla itong sumara. Agad ko namang iniharang ang kaliwang paa ko dito para muling bumukas. Pumasok ako sa elevator at naki-siksik sa mga tao na nandoon.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko para hindi masagi at mahulog ang mga coffee beverages at pagkain na binili ko. Masyado kasing maraming tao sa elevator.

*Kling*

“Floor 10! Sa akin ito” agad na akong bumaba ng elevator at nagmamadaling pumunta sa opisina.

“Clara. This is your Flat White coffee and chicken sandwich”

“Thanks Riza”

“Here’s your Chai Latte Joseph”

“Salamat”

Ibinigay ko ang mga binili kong mga coffee beverages at sandwiches sa mga nagpabili sa akin. Pagkatapos noon ay ang sunod-sunod na pagdikit nanaman ng sticky notes sa akin.

“Here Riza. Pakigawa ito”

“Ito rin!”

“Mine too” and blah blah.

----

“Dianne do you still---“ ako nalang pala ang naiwan dito sa opisina. As usual naman eh. Kailangan ko kasi tapusin ang mga pinapagawa nila sa akin at ibigay iyon sa kanila kinabukasan.

Iyan lang ang trabaho ko dito. Ang gawin ang mga bagay na pinapautos nila sa akin.

“Riza. Bakit kasi ayaw mong sabihing ‘hindi’ sa kanila? Hindi na ikaw pa ang gumagawa ng mga bagay na iyan para sa kanila” sabi ni Nicole, ang best friend ko at katrabaho ko rin.

“Andito ka pala Nicole”

“Ay hindi, wala ako dito. Kaya nga diba nakikita at nakakausap mo ako kasi wala ako dito” sarcastic na sabi nya.

“Haha. Baliw ka talaga”

“Pero I’m serious here. Try mo lang tanggihan kahit isa lang sa kanila, tapos sanayin mo sarili mo. Kasi halos lahat nalang sayo pinapagawa eh. Naaawa lang ako sayo Riza”

“Okay lang naman sa akin Nicole. Pinapasuyo lang naman nila”

“Bahala ka nga dyan”

Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko ay sabay na kami ni Nicole umuwi papunta sa apartment namin.

You're My Destiny (ON-HOLD)Kde žijí příběhy. Začni objevovat