"Wag mong matawag tawag na walang kwenta ang mama ko!!!" Sigaw naman ni zhin.

"Baket? Hindi ka makapaniwala na  Mismong ikaw nga na anak niya nilalagay niya sa kapahamakan tapos ikaw  ipagtatanggol mo siya? Nauulol kana ba?" Sarkastikong sabe ni rem.

Maya maya biglang may gumapos sa likod ko at pati narin kay kans kaya di ito nakalaban.

"Bitiwan nyo nga ako!" Palag ko.

Pero wala, ang lakas ng kapit eh. At ang dami pa nila napakabarumbado pa kaya anong laban ko dito?

"Ano bang gusto mo ha?!" Maangas na tanong ni zhin.

"Gusto ko hmmmm.... Ang mamatay ka." Sagot naman ni rem.

"Rem plsss stop naaa.. matagal ng wala si ney kaya kalimutan mo na siya." Sabat ko kita ko kung paanong nagtiim ang bagang niya  kaya agad siyang lumapit at sinampal ako.

"Jee!!!" Tawag ni zhin.

Agad akong napangiwi ng maramdaman ang hapdi ng aking pisngi.

"Oppss pasensiya kana gumalaw yung kamay ko eh." Ani rem at sinampal ulit ako.

Aba namimihasa na'to ahh
Napa aray ako dahil sa hapdi.

"Tama na!!" Sigaw ni zhin.

"Sige sabi mo eh, pero gusto mo bang mauna na?" Sabay ngisi.
"Inutusan ako ng walang kwenta mong ina na kidnapin ka at papuntahin sa germany, psh.. sino siya sa akala niya, ahahahahaha... Napakabobo nyong mag ina, kinampihan ko lang siya para gumanti sayo at sakanya. Para danasin nyo yung pag hihirap na nangyare saken magmula nung nawala ang pinaka mamahal kong babae." Akmang pupukpukin niya ulit si zhin pero may narinig kaming nagsalita.

"Rem.. bakit ganito?" Tanong ni cleofe na kakarating lang at kasunod niya si tristan na walang emosyon.

Nag away kaya sila?

"Akala ko ba hindi to kasama sa plano, at saka hindi ito ang inutos ni tita. Ang sabi niya gawing bitag lang jee at pauwiin si zhin pero---

"Sa tingin mo magiging sunod sunuran ako sakanya? Pshh di naman ako baliw para gawin yun."sabi ni rem.

Agad sinunggaban ng suntok ni tristan si rem kaya natumba ito, si kans naman ay sinikmuraan gamit ang siko ang lalaking humawak sakanya kaya namilipit ito dahil sa sakit.

Agad niyang naitumba ang lalake at sinuntok ang may hawak saken.

Nakita korin nakahiga si rem sa sahig at pinagsusuntok ni tristan.
Tumakbo ako kay zhin para kalagan sana siya ng may biglang may pumukpok sa ulo niya. Yun yung lalakeng tumali saken. Agad namang kinuwelyuhan  ni kans ang lalake at pinagsusuntok kaya agad akong tumakbo kay zhin dumudugo ang ulo.

"Zhin-- ayos kalang naman d-diba?" Kabado kong tanong.

Ngumiti siya kahit nanghihina na.

"Ayos lang naman---.

Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang mawalan ng malay.

"Dalhin natin siya sa hospital!!!"sigaw ko kaya napatingin sina tristan at kans.

Agad na kinalagan ni cleofe ang nakataling kamay ni zhin. Sinubukan namin siyang buhatin pero di namen kaya.

Tinulungan kami ni tristan para madala si zhin sa hospital.

Habang papunta kami sa hospital ay hindi mawala sa akin ang pag aalala ang sakit ng sampal sa akin rem kanina ngayon ay hindi ko na maramdaman dahil nakatuon lang ang paningin ko sa nagdudugong ulo ni zhin at sa mukha niyang puno ng sugat.

I hope you're okay malapit na tayo sa hospital kapit lang zhin.

*********
Sa hospital.

Nasa waiting area kami hinihintay namen ang resulta kung ayos lang ba si zhin.

"Kung may mangyareng masama kay zhin, 'diko mapapatawad si mama." Nanggagalaiti sa galit si ate lish Kakarating lang niya tinawagan kase siya ni kans.

Magsasalita pa sana ako ng biglang lumabas ang doktor sa emergency room.

"Stable na ang lagay niya, actually gising na siya. Minor injury lang naman ang nangyare sakanya Sadyang dumugo lang ng sobra ang ulo pero maayos na ang lagay niya Sige na pwede na kayong pumasok." sabi niya at nagpaalam.

"Thank you doc."aniko.

Agad akong napangiti, mabuti naman at ayos na siya hayss.

Pagkapasok namin, nakaupo si zhin habang hawak hawak ang sentido.

"Tol, ayos kana ba?"tanong ni tristan.

"Ayos na tol, masakit lang medyo ang ulo ko." ani zhin at tumingin saken pero binawi niya rin.

"Ohh ate andito ka pala, ayos lang naman ako wag kana mag alala." Sabi ni zhin habang nakatingin ng diretso kay lish.

Teka, ba't di niya ako pinapansin?

Lumapit ako sakanya at nagsalita.

"Mabuti naman at ayos kana."

"At sino ka naman?"tanong niya kaya nagulat ako.

Pati sila ate lish at kans ay ganun rin ang ekspresyon ng mukha.

Maya maya ay humagalpak siya ng tawa.

"Grabe naman mga itsura nyo ahahahahaha... Nagbibiro lang ako." hinawakan niya ang kamay ko.

"....syempre, paano ko malilimutan ang babaeng mahal ko?" Tanong niya habang nakatingin ng diretso sakin kaya napangiti ako.

Tristan cleared his throat, kaya nabaling sakanya ang atensiyon namen.

"Whatt?" Tanong niya at kumamot ng batok.

Itutuloyy...

The Kiss MasterWhere stories live. Discover now