Chapter 40

176 7 3
                                    

Jee P.OV

Pagkauwi ko sa bahay ay agad naman akong sinalubong ni mama na may pag alala sa mukha at saka naman tinignan ang buo kong katawan siguro nga nalaman na niya ang nangyari dahil sinabi ko kay kuya ang lahat habang nagbabantay sa hospital.

"Saan ang masakit anak? Sino gumawa nun sayo? Nakita mo ba ang mukha nila? Ang mabuti pa pumunta na tayo sa pulis." Sunod sunod na tanong niya at akmang aalis na kaya pinigilan ko na.

"Ma, wala pong masakit sa akin konting problema lang po--"

"Konti? Diyos ko muntik ng may mangyaring masama sayo anak!"

"Eh ma, nakikita nyo naman na maayos lang ako oh at sugat lang naman ang meron saken ang layo po sa bituka." Pabito kong sabi sabay tawa.

Hindi ko naman masisisi si mama kahit ako rin ay magaalala dahil muntik na rin akong mamatay at ang masaklap ay ang sitwasyon na yon. Hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko kung mama ba ni zhin ang pakana o si rem.

Naguguluhan parin ako sa nangyare hanggang ngayon.

"Kahit na! Buhay mo ang pinaguusapan dito niluwal at pinalaki kita kaya hindi mo ako masisisi kung ganito ang pag aalala ko. Kayo nalang ng kuya mo ang iniwan saken ng papa nyo!" Tuluyan na ngang napaiyak si mama.

Agad naman akong lumapit at saka siya niyakap ng mahigpit.

"Tahan na ma, hindi naman kami mawawala ni kuya eh palagi naman kami sa tabi mo kahit anong mangyare kaya wag ka na pong mag alala dahil hindi na mauulit yun pangako."

Habang nagyayakapan parin ay sakto naman ang dating ni kuya galing trabaho.

"Oh what is this? Anong iniiyakan nyo dyan? Ma, anong nangyare?" Tanong niya.

Agad naman na kinurot ni mama si kuya.

"Aray ma! Bakit ba?"

"Alam mo na ngang muntik nang may mangyareng masama sa kapatid mo ganyan ka parin!"

"Eh ma, kita nyo naman na maayos naman si pandak oh tumatawa pa nga eh." Pagkaturo niya saken ay agad ko naman siyang binelatan saka naman niya ako sinamaan ng tingin.

"Nako tama na yan ma ang mahalaga ay wala pong nangyareng masama kaya mabuti pa po ay magluto na po kayo dahil gutom na po ako." Sabi ko at hinawakan pa ang tiyan na.

Mabuti nalang at ganitong klaseng magulang ang naging nanay ko napaka blessed ko talaga kung buhay lang sana si papa.

"Siya nga pala pandak kamusta si zhin?" Tanong ng kuya ko.

Wao napaka casual na kung manawag ng pangalan ah parang dati lang binoboss pa.

"Ayun nakauwi na din, okay naman na daw siya sabi ng doctor at siya ka kumuha ng personal nurse ang ate niya." Ani ko at akmang aakyat na sana sa kwarto ko para maligo at magbihis ng bigla ulit siyang magsalita.

"Eh yung ate niya kamusta na?" Halos pabulong na tanong ni kuya.

Hmm may napapansin talaga ako dito eh siguto kailangan ko ng mag imbestiga ng mabuti dahil may naamoy akong napana ni kupido dito.

"Kuya, may gusto ka ba kay ate lish?" Tanong ko.

Bigla naman siyang nabilaukan sa tanong ko kaya napalingon si mama.

"Hay nako pag babae pinaguusapan bigla bigla kang nagkakaganyan bakit ba anak?" Tanong naman ni mama kay kuya.

Natawa nalang ako sa reaksiyon ni kuya pano ba naman halata na nga siya ayaw pang umamin.

"Amin amin din kasi." Pagpaparinig ko saka umakyat na sa kwarto narinig ko naman ang pagtawag ni kuya saken sign na yun na naiinis na siya HAHAHA.

Pagkapasok ko ay bigla namang tumunog ang cellphone ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Kiss MasterWhere stories live. Discover now