close to you

124 4 0
                                    

Pagkahatid ni Vice kay Karylle sa bahay nito agad naman siyang dumiretso sa hospital kung nasaan si yael.

"Mailap siya" Kaswal na sabi ni Vice

"Pare,Alam ganyan talaga yan,Alam ko namang ayaw nya matukso at alam kong hindi siya yung tipo ng babae na nahuhulog agad kapag may nakitang gwapo.Alam mo kung gaano ako naghirap nung nililigawan ko siya, Anim na buwan ko siyang niligawan at lahat yun puro taghihirap. Imagine first time ko siyang makita noon ay gumawa na ako ng moves kaso nung nalaman kong malayo ang lugar na tinitirhan niya tiniis ko yun,kunyari all the way from manila to bulacan,magtratravel pa ako bastat makita lang siya araw-araw minsan nga hindi ko na siya naabutan sa bahay nila kasi umaalis tapos minsan tulog na. I know na hindi talaga siya yung tipo ng babae na nahuhumaling sa mga gwapo,kaya yun na challenge siya sakin.Isipin mo araw-araw ka niyang hindi ppinapansin,Ha? Ang sakit nun sa EGO!!" At tinaas pa niya ang kamay niya. "Pero katulad nga ng sabi nila na kapag may tiyaga,May nilaga!! Hindi ako umatras nun pinaglaban ko ang pag-ibig kaya yun! Nakuha ko ang matamis na OO niya and take note,bago niya ako pinagbigyan ng first kiss namin,apat na buwan ako nag-antay.Anyway,sulit naman,para akong nakaakyat sa langit nang matikman ko ang labi niya" Pagkwekwento ni yael

Napatitig nalang si Vice sa kaibigan habang sinasabi yun,iniisip niya ang kahirapan noong nililigawan palang niya si Karylle.

Hindi niya alam kung saan nagmumula iyong mumunting kirot na nadarama ng kanyang puso dahil sa pagkabanggit nito sa matamis na halik na una nitong natikman mula kay Karylle.

PANIBUGHO?

Ganoon na ba kalalim ang damdamin niya sa Karylle para makadama siya ng ganitong klaseng damdamin?

  At kung ang simpleng halik lang na nakamit ni yael mula sa dalaga ay tila gumugutay na sa kanyang puso,paano pa kaya ang isiping hindi lang halik ang nagawa nang pagsaluhan ng dalawa?

Bahagyang ipinilig ni Vice ang ulo,itinataboy ang mga negatibong isipin iyon.

 Vice's POV

  "Hindi ko ito daapat maramdaman.si yael naman talaga ang mahal ni Karylle,nagkataon lang na ngayon ay nais niyang agawin ko si Karylle sa kanya at sa akin ibaling ang pagmamahal dahil may taning na ang buhay  niya.Wala akong pakialam dahil wala akong karapatan na maramdaman ito,this is STUPID!!!!!"

Pero kahit pilitin ni Vice ang sarili na huwag makadama ng ganoong klaseng damdamin,sa pagpapatuloy ni yael sa pagkukwento ng masasayang alaala nito sa piling na kanyang nobya,lalong nakadama ng pag-antak ang kanyang puso.

"Alam mo ba,noon ngang minsan na pumunta ako sa lug-"

"Ah...I think i have to go"Putol ni Vice sa iba pang sasabihin nito."Nakalimutan ko,May gagawin pa pala ako so paano aalis na ako?"

"HA? Aalis ka na? Sabagay kanina ka pa dito"

"Yeah,Anyway tumawag pala saking ang pamilya mo,bakit daw hindi ka daw tumatawag sa kanila?

Bahagyang natigilan si yael

"Sige tatawagan ko nalang mamaya sila mama"

"Hindi mo pa ba sasabihin yung kalagayan mo sa kanila? yael araw-araw silang tumatawag sakin hindi ako alam kung ano ang mga isasagot ko kapag nagtatanong sila. Alam kong ikaw lang ang makakapag sabi nun kaya wala akong sinasabi sa kanila kung nasaan ka"

"Don't worry,I'll fix this"Kalmang sagot ni yael

"You have to fix this right now!" nag-aalalang sabi ni Vice

"Ok! But i will fix first my relationship with Karylle"

"It's your choice,So i have to go! Bye" 

Let her go (Vicerylle and yarylle)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum