Hiling (Part 2)

276 6 0
                                    

Nang magkita sina Vice at yael ay agad namang umupo si Vice sa tabi nito.

"Pare, Anong nangyari sayo?" Tanong ni Vice

"Vice buti dumating ka may mahalaga lang akong sasabihin sayo"

"Ano yun?"

"Pare, May taning na ang buhay ko!" Malungkot na sambit ni yael

"Ha? ano bang pinasasabi mo?"

"Vice three to six months nalng ang itatagal ko! iyon ang sabi ng doctor sakin"

"Pare Hindi!!" Naiiling na sambit ni Vice 

"Vice..."

"yael nagbibiro ka lang di ba?"

"How i wish. Sa nakikita kong kalagayan ko ngayon at sa mga nararamdaman ko, alam ko hindi ito isang malaking biro. Vice, I'm dying!"

"Oh shit!!!!" Napasapo nalng sa noo si Vice, Hindi alam kung ano ang sasabihin. "Pare itesting mo sa ibang-"

"I did, Ilang besses na at iisa lang ang findings nila. Leukemia, Cancer of the Blood"

"Oh my god!" Saka lang naniwala si Vice sa kaibigan na hindi ito biro o nagkakamali lang.

"Vice ok ka lang?"

"Oo, Pare anong... balak mo? Sina tita? Alam na ba nilang-"

"Ikaw lang ang unang nakakaalam nito Vice. You're like a brother to me, alam mo iyon"

"Yeah, pero kailangan din nilang malaman!"

"No Vice, Hindi pa ako handa. sayo ko palang sinabi ito dahil ayokong may makaalam"

"yael ang hirap ng pinasukan mo!"

"Vice, I know at ang isa sa dahilan kaya hindi ako matahimik dahil maiiwan ko si Karylle. Mahal na mahal ko siya, Alam mo yun! Ayokong mapunta sya sa ibang lalaki kapag wala na ako. Parang sinasaksak ang puso ko kapag naiisip ko yung mga bagay na iyon. Naiisip kong baka ang lalaking matutunan nyang mahalin at hindi mag-ukol sa kanya ng pag-ibig na kagaya ng inuukol ko sa kanya ngayon."

"Wag mo munang isipin yun! Yael, Anim na buwan pa ang itatagal mo. Pwede ka pang magpagamot para tumagal ang buhay mo"

"No! alam kong hindi na. sinabi na sakin ng Doctor na malala na ang cancer ko, Hindi na makukuha sa gamot"

"Pero yael-"

"Viceral" Biglang hawak sa kamay ni Vice. "Ipangako mo sakin, Kapag wala na ako o kahit sa mga panahong hindi ako magpapakita kay Karylle ikaw ang magiging gabay nya."

"What?, ano bang sinasabi mo?

"Vice, Tatlo o anim na buwan nalang ang itatagal ng buhay ko. Sa mga panahong iyon hindi ko na kayang magpakita pa kay Karylle. ilang araw na syang narito sa bansa at minsan palang kami magkita dahil nasabay ang pagka confine ko sa hospital. Pero ang sabi ko sa kanya na nasa Europe ako."

"Yael! Anong ginawa mo bakit mo sya niloko???" Nagulat na tanong ni Vice

"Dahil ayokong mas masaktan sya kapag nalaman nya ang totoo na mamamatay na ako"

"At paano mo nga magagawang lokohin sya! Di ba mahal mo sya?"

"Oo Vice, Mahal ko sya kaso kelangan kong gawin ito. Wala na akong ibang solusyon!"

"Pero yael paano kapag nalaman nya yung totoo?"

"Kaya nga hinihiling ko sayo na mangako ka na hindi mo sya pababayaan ano mang oras."

"Ano bang gusto mong gawin ko?"

"Vice ayoko namang ipagawa sayo ito eh, I want you to Marry her!" Sagot ni yael na parang nasaktan sa sinabi nya.

Let her go (Vicerylle and yarylle)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora