Love at First sight

386 7 0
                                    

"Brad kelan ko ba makikilala yang ipinagmamalaki mong girlfriend?" Tanong ni Vice sa kaibigang si yael

"Well kapag dumating na sya mula sa states ay agad ko syang ipapakilala sayo"

"Mukhang napakaswerte mo ha!" Sambit ni Vice

"She's a very nice girl na nakilala ko, A perfect one for me." May halong ngiti sa pagkakasabi ni yael

"Baka mabaliw ka kapag nawala siya sa iyo,ah" Babalang sabi ni Vice

"Kabila pa niyon,Vice. Baka mamatay ako, alam mo bang nahirapan akong ligawan yan at pasagutin sya ng OO na pakasal sa akin"

"Siguro naman dalagang pilipina yang syota mo?" Tanong ni Vice

"HAHAHA. Maganda sya at pilipino talaga sya, Doon lang nanirahan sa states ng ilang taon dahil nanduon ang pamilya nya" Sagot ni yael

Tuwang-tuwa naman ang magkaibigan, Talagang Head-Over-Heels ang pagka in-Love nito sa babaeng Pinag-uusapan nila.

--------------------------------

Kinabukasan isa lang iyon ordinaryong araw para kay Vice, Mula sa opisina ay dumiretso sya sa paboritong restaurant kung saan sya madalas mag-dinner bago umuwi sa bahay.

"Hi sir, Goodevening" Magalang na bati sa kanya ni Jugs

"ah. Goodevening din jugs, Doon nalang ako sa dati, May tao ba?" Tanong ni Vice 

"Wala naman po sir, Sige ho, Bakante ang mesa sa dulo"

"Salamat" Humakbang na sya papunta sa mesang nasa dulo.

Matapos mag-order ay nilibang ni Vice ang sarili sa pagtingin-tingin sa paligid habang hinihintay ang kanyang pagkain.

"Kung minsan, Mas ok na rin ang ganitong buhay na nagsosolo. Hay, Nakakapagod din talaga ang mga fling na-" Natigilan sa pag-iisip si Vice nang matuon ang kanyang pansin sa bumukas na pinto ng restaurant kung saan isang napakagandang babae ang nasulyapan niyang papasok

"Shit, What a beauty!" bahagyang kumislot ang puso ni Vice nang matitigan ang magandang mukha na iyon na binagayan ng mahaba at kulot na buhok na animo malastlang tela na inililipad pa ng hangin and for a while, He was mesmerized by her beauty

Ikinurap ni Vice ang mga mata, Gusto pawiin ang tila pagkahipnotismo niya sa estrangherang iyon. Isang waiter ang lumapit dito at may sinabi dito. Ngumiti sa tagasilbi at bahagyang tumango 

"Oh, She's coming dito sya iginawi ng waiter!" Tila nag-uunahang daga sa sibsib ng binata nang matiyak na sa bandang dulong mesa rin ito patungo.

"Ma'am ok na po ba kayo rito?" Wika ng waiter sa babae nang makaupo na ito sa silya

"Yeah, I'm all right here, Thanks" Nakangiti nitong wika

Lihim namang napigil ang paghinga ni Vice ng maulingan ang malamig at malambing na tinig na iyon ng dalaga na dinig na dinig niya dahil sa dalawang mesa lang ang agwat nila sa isa't isa. Parang ayaw na ni Vice alisin ang tingin sa magandang mukha na iyon. Sa huli sinunod na ni Vice ang nais ng puso Titig na titig sya sa dalaga habang abala ito sa pag-o-order sa waiter at nang umalis na ang waiter marahan itong iginala ang paningin sa paligid at sa pagkakataong iyon, Nagtama ang mga mata nila.alanganing ngumiti si Vice.

Kay tamis din ang ngiting iginanti nito sa kanya, pagkawa'y nagabawi na ng tingin at ibinaling sa ibang panig ng restaurant .

"ngumiti sya sa akin, Ang bait nang ngiti niya sa akin. Mabait sya, Alam kong mabait sya kaya gumanti nang ngiti pero hindi sya nagpi-flirt. Talaga lang sigurong hindi siya suplada". sa isip na iyon lalo syang naaliw titigan ito.

"oh shit!!!!!!! bakit ngayon pa? tinatawag ako ng kalikasan! ano ba yan!" Naiinis na sambit nito


tumayo na si Vice, Pero bago tuluyang gumawi sa restroom ay saglit niyang sinulyapan ang dalaga. May kausap ito sa cellphone at tila kay lambing nang paraan ng pag-uusap. "Sino kaya iyong kausap niya?" humakbang na siya papalayo sa mesa niya. "Baka naman Nobyo nya? Huwag naman sana"

Tuluyan na syang pumasok sa restroompara mag C.R Pero nang bumalik na sya sa kanyang mesa tila nakadama sya ng pagkataranta ng hindi na mahagip ng mga mata nya ang dalaga sa kabilang mesa. Nakita nya ang waiter na kausap nito kanina.

"Ah, Waiter nasaan na iyong babae sa kabilang mesa?" Tanong ni Vice

"Ah!, Iyong magandang babae sir? Wala na ho umalis na ho, eh, Kinansela na nga iyong order dahil nagmamadali"

"Ah ganun ba?, Sige" Tila may bumagsak na langit sa kanyang ulo. Ang panghihinyang na kanyang dama ay ganoon na lang.

"Damm, Dapat hindi nalang ako nag C.R, Dapat tiniis ko nalang" Halos awayin na niya ang sarili.

Let her go (Vicerylle and yarylle)Where stories live. Discover now