you again!

233 8 0
                                    

(A/N: Ngayon lang ulit nakapag update ang hirap kasi nagbakasyon kasi kami sa probinsya walang computer dito kaya nanghihiram lang ako sa tito ko kapag pumupunta siya dito sa bahay ng lolo ko,sorry po talaga! So enjoy!)

Malungkot si karylle dahil wala si yael

K's POV

    " yael, akala ko kapag bumalik na ako dito sa pilipinas sisimulan na natin ang pagaayos ng kasal natin. Pero bakit ganito? Ilang araw mo na akong hindi tinatawagan, Ang akala ko ba pagbumalik na ako dito mas pipiliin mo ang makasama ako para mas maging masaya tayo kaysa sa trabaho sa kumpanya nyo pero hindi eh mas nalulong ka pa sa trabaho tapos kailangan pang lagi akong maghintay sa tawag mo, Hindi ako pwedeng tumawag sayo. Hay, ayoko namang mag-isip ng masama, Alam ko naman na kahit gaano ka ka-busy mahal na mahal ko ako. Damang-Dama ko naman yun sa kilos at salita mo." Pnilit nalang ni karylle ang aliwin ang sarili sa paglalakad sa mall kaysa isipin yun. " Kung sana man lang ay naisama ko rito ang kapatid kong si anne, kahit papaano ay may kausap ako -"

"Ay!" Tila nilindol ang buo nyang katawan sa biglang pagbangga sa matigas at malakas na bagay na humarang sa kanyang daraanan.

"Hey!" Naging maagap man ang lalaking nakabangga nya  sa paghapit sa kanyang baywang nawalan naman ito ng balanse sa paghabol sa kanya kaya nabuwal at kasama pa syang bumagsak sa lapag ng mall

  At ang resulta, Napailalim siya sa malaki at matigas nitong katawan. Habang ito naman ay napadagan sa kanya

"Oh my God!" Nanlaki ang mga matang napatitig si Karylle sa mukha nito.

"Miss..." At ito naman ay napatitig sa kanyang mukha na tila ba gulat na gulat. "Sorry kasi-"

"Let me go!" Sa wakas ay nabawi ang malakas na pwersa sa kanayang palad at marahas itong natulak.

"Miss-"

"Hmp! Bastos! Manyak!" Nagawa na nyang makatayo sabay ayos sa nagusot na damit at sabay irap at humakbang papalayo rito.

"Miss, Sandali!"

Ngunit tila walang narinig na hindi man lang siya nag-aabala lingunin ito.

K's POV

  "Ang bastos na iyon, Nakakainis dinaganan ako! Nakakahiya sa mga tao! Oh My God! Halos ay buong katawan na nya ang dumagan sa akin! Naku po! At naramdaman ko sya, May naramdaman ako mula sa kanya habang nakadagan sya sa akin! Oh no! Nakakahiya talaga!


Ilang sandali nang nakatanaw sa palayong dalaga si vice ay hindi parin nya mahamig ang sarili.

Vice's POV

"It's her! Hindi ako maaaring magkamali! Sya iyong babaeng nakita ko sa restaurant na gusto ko sanang makilala pero umalis agad. Kailangan mahabol ko sya! Sayang ang pagkakataong ito!

"I'll call you back!" Sabi ni Vice sa kausap nya kanina sa cellphone at sumunod na sya dalaga

 "Miss,Sandali lang!" Malaki ang hakbang na pilit nyang inabutan ang dalaga. "Miss,Sandali lang!" Pagkuwa'y agad na syang humarang sa daraanan nito.

"Aba't!" Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nakaharang sya. "Anong kailangan mo,Ha? Bastos ka! Mataposmo akong daganan may gana ka pang-"

"Miss, Hindi ko iyon sinasadya" Mababang-loob na wika ni Vice. "Please, Maniwala ka naman o. May importanteng tao lang kasi akong kausap sa phone ko. Isa pa, Paliko iyong pasilyo, Hindi ko talaga napansin na kasalubong kita. Huwag ka namang magalit, O"

"Hmp! Ewan ko sa iyo!" Muli itong umirap bagama't hindi na ganoon kataray ang dating ng mukha at tinig 

"Miss, Hindi ako masamang tao, Hindi ako manyakis at mapagsamantala. Hindi ko iyon ginusto, Nagkataon lang please,Patawarin mo na ako kung nadaganan kita."

Let her go (Vicerylle and yarylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon